Chapter 61 "Lia, gising na nandito na tayo." tapik ni Francis sa pisngi ng dalagang nakatulog na. Pupungas-pungas na nagmulat ng mata si Lia. Nakahinto na ang sasakyan. Inalalayan siya ni Francis na bumaba saka sila pumasok sa isang mataas na gusali kung nasaan ang pad nito. "Ano maintenance pa? Matagal pa ba?" ani Francis sa babae na nasa front desk ng condo na tinutuluyan nito. "I’m sorry Sir, siguro po mga fifteen minutes pa, nagkaroon lang talaga ng problema ang elevator natin. Para din naman po ito sa safety niyo Sir. Stairs na lang po tayo." paumanhin pa ng babae. Napakamot sa ulo si Francis at napatingin sa kanya. "Lia, kaya mo bang maglakad? Pangfifth floor lang naman ang unit ko." "Uhm..." ungol lang ang napalang sagot ng binata. "O sige pangko ka na lang sakin." suhestiy

