Chapter 59 Binuksan ni Lia ang laptop niya at itinapat ang cursor ng mouse sa skype saka niya ipinasok ang username niya. Sunod ang password. Ilang saglit pa kausap at kaface to face na niya ang mga magulang sa webcam. "Hi Anak!" "Hi Princess!" sabay na bati ng mga ito sa kanya. "Hello." matamlay niyang sagot. "Ayos ka lang ba my dearest daughter?" kunot noong tanong ng Mama niyang si Nadie. Magkatabi ang mag-asawa sa couch. Siya naman ay nasa kwarto at nakapwesto sa kama. "Matamlay ka." dagdag ng Papa niya kaya bigla siyang napahikbi. "I-I'm not okay. Uwi na kasi kayo. S-Sundo niyo na ko." pautal-utal na sumbong niya. Alam niyang para siyang batang binully kung makapagsumbong pero ang gusto niya ay makauwi na ang mga ito para makauwi na rin siya. "Why are you crying?!" gulat na

