Chapter 58 "O inumin mo na, baka madehydrate ka." sabi sa kanya ni Francis habang nakaupo sila sa isang sulok ng function room ng hotel. Sisigok-sigok na kinuha niya iyon at ininom ang basong may lamang malamig na tubig. "T-Thank you." "I won't ask but you can tell." sabi nito na napabuntong-hininga pa. "Don’t worry about me, maliit na problema lang. Pwede bang dito na lang muna ako? Tutulungan kitang magserve." pang-iiba niya sa usapan. Nalaman niya mula kay Francis na ito pala ang malaking project na tinutukoy nito kaya narito ito ngayon. Ang Fortaleza company pala ang seserbisyuhan ng catering business ng pamilya nito. "Ano ka ba, bisita ka dito tapos ikaw pa ang-" "Gusto ko, please?" putol niya. "Boss hindi raw makakapunta si Mark may emergency sa kanila." lapit ng isang waite

