00015

2014 Words
Thinking what he said a while ago it made me feel a lot of emotion; masaya, nakakaba, nakaka bigla! Hindi ko mapaliwanag! Ang alam ko lang, unti-unti ko ng naiintindihan ang sarili ko ngayon! I see that, I am indenial, I like him too but I cannot accept it cause I am afraid that maybe, he doesn't like me back, he just so nice to me because of my Lola's favor! And now that he said he like me too, parang biglang nalinawan ako sa lahat! He like me too, I like him and then what's next? Ano nang mangyayari? He confess and what I did kanina? Push him and walk out dahil nabigla! Anong iisipin non? Na hindi ko matatanggap ang nararamdaman nya? Na dapat na syang tumigil kasi ayaw ko sa kanya? Sobrang OA ko ganon? Shit! Bakit ba ako nag walk out!? Nakakainis! I sigh heavily at pilit binabasa ang notes ko dahil may oral kami! But sadly, I can't focus because my mind is always like...I like you, Joshua Likes me! Amputa lang! I sigh again! Kahit kanina pa yon, I felt my heart beat so fast! And weirdly, I want to see him right now but another part of me, want to hide cause I'm shy! Amputa! Lumandi naman ako before pero hindi ako nagkakaganito! Ngayon lang! This is really new to me, nakaka inis! This is not me, actually boys are nothing to me cause I believe they are just a waste of time, mas mabuting eh laro na lang ng online games kaysa sa lumandi ng lumandi! Irita kong tiniklop ang notes ko at nag pasyang pumunta sa milk tea shop sa harap ng school para malamigan ang utak ko! Tangina! "Blyn! Saan ka punta!?" Sigaw ni Criza mula sa taas. Napatingala tuloy ako at nakita syang nasa third floor, nakadungaw sa akin, may ngiti pa sa labi. Tinuro ko ang labasan. Ayaw kong sumigaw pabalik dahil nakakahiya. "Sama kami ni Bakla! Wait mo kami! May cheka kami!" Sigaw nya. I sigh at pinagpatuloy ang paglalakad. Bahala sila. I want to be alone right now dahil nababaliw ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon! Una, my family is so fond on Joshua! Masayang masaya sila na sya ang nagustuhan ko, botong boto! Na kesho daw nag bago ako, nag tino dahil sa kanya. Tangina lang. Papalabas na sana ako nang gate ng may nahagip ang mata ko kaya nag dalawang tingin ako sa may clinic, nakatayo si Joshua at nakahalukikip, mukhang may hinihintay. Anong ginagawa nya dyan? As far as I remember, may klase sila ngayon ah!? Bakit nasa labas sya ng clinic? Pupuntahan ko sana dahil sa curiosity ko nang lumabas yong Jessa na bestfriend nya. Umayos sya ng tayo at bumaling sa babae, he looks concern while asking her. Ngumiti naman ang babae sa kanya at may sinabi na kung ano. I tilted my head. Lumabas ang nurse at may binigay na kung ano. Kinuha naman yon ni Joshua at binasa. The girl look at him, amuse and the way she look at him, para syang nag d-day dream! Girl! He likes me, not you! Stop staring! Shit! Baliw na talaga ako! Like pa lang, hindi love! Maybe he like me and he love someone else? I shook my head dahil bigla sumakit ang ulo ko sa naiisip! I shouldn't think this way! Ang sakit sa utak! "Blyn! Blyn!" "Bakla ka ng taon Blyn! Sabing hintay eh! Kung hindi ka lang magandang babaeta ka!" Pag sisigaw ng dalawa. Nakabusangot ko silang nilingon dahil ang iingay! Pinagtitinginan tuloy kami dahil ang lakas lakas ng mga boses! "Stop shouting!" Nakabusangot kong sabi. "Aba! Huwag mo kaming sungitan! Kung naghintay ka doon, hindi kami nagsisigaw!" Singhal ng bakla sa akin. "Sinisigawan mo ba ako?" Taas kilay kong sabi. "Naku Blyn! Ganyan talaga yang bakla na yan! Natural lang nya lang ang ganyang tuno...Natural na palengkera!" Crizza but in. "Wow! Hiyang-hiya naman ako sa bibig mong babaeng pato ka! Hoy Crizza! Kung palengkera ako mas ka!" "Hoy Mark Leven Quezon, Mas palengkera ka! Pangit na nga-" "Stop! Stop! Stop!" Irita kong sabi. I know this two, kapag nagbangayan na, mamaya pa to matatapos! "Kung gusto nyong magbangayan, don't come with me" masungit kong sabi. Sumulyap ako sa clinic at nakita ko si Joshua na nakatingin sa banda namin habang ang babae nya ay hindi maipinta ang mukha. Ngumuwi ako at nag martsa papalabas. Sumunod naman ang dalawa na putak pa rin ng putak ang bibig. "Anong sa inyo?" I asked nang nakarating kami sa milk tea shop dahil abala pa rin silang dalawa sa isat-isa. "Libre mo ba-" "Naku! Sumama lang talaga kami dahil mag papa aircon, ang init init kaya maghintay doon!" Pagtatanggi ni Criza. I almost raise my brow. Kahit ang daldal ng babaeng to at feeling close, ramdam kong nahihiya sya sa akin! Also, she knows her limitation. Alam nyang ayaw ko nang ganyan, ayoko sa ganito. "Order whatever you like, I'll pay" Mataray kong sabi. Nakita kong nag ningning ang mata nilang dalawa pero agad na siniko ni Criza ang bakla. Tinalikuran ko na lang at nag order ng akin. "Naku Blyn! Busog talaga kami! Mag papa aircon-...Aray ko! Para kang tangang bakla ka! Kapal ng mukha mo!" "Minsan lang tayong maka tikim ng pagkain rito! Shuta ka!" "Gaga ka rin! Tinitipid mo kasi sarili mo kaya-" "Parang hindi mo tinitipid ang sarili mo ah?" "Aba! Dapat lang! ang dami-daming bayarin sa school! Ang liit lang ng allowance ko! Na gugutom na nga ako sa boarding house" I sigh heavily at kinuha ang kamay ni Criza at nilagyan ng dalawang libo. "Tig isa kayo nyan, mag order kayo and please, Lower your voice" Natulala naman si Criza at ang bakla. Hindi makapaniwala. I sigh. Ang kukulit talaga ng mga taong to! Parang mga tanga! Dalawang libo lang naman yan! Though nag titipid ako ngayon pero dinagdagan naman ng parents ko ang allowance ko at wala akong masyadong gastusin sa ngayon kaya wala lang sa akin nyan. "Hala! Blyn-" "Shut it! Tatanggapin nyo yan or I will not allowed you to come near me again?" Banta ko. Nanlaki ang mata nya. "Pero-" I sigh at iniwan ang dalawa at umupo sa malayong table. I glance at two na nagsisikuhan. Napailing na lang ako! And look away dahil tumingin ang dalawa sa akin. They barely eat here, that's what I've heard kaya bakit pa sila nahihiya? I know now kung bakit nagtitipid ang mga tao. I know now, most of my classmate is too skinny, I know now kung bakit mas gusto pa nilang mag stay sa mga tinitirhan nila kaysa gumala! Alam na alam ko na yan. Money, we work hard to have that s**t! Nag aral ng mabuti para malaki ang perang makukuha, halos hindi na matutulog para may malaking kita, halos patayin na ang sarili dahil sa pera.It's all about it! This world can't function without that thing! My phone beep kaya tamad ko yong kinuha Joshua: Saan kayo? It's nice to see you with your friends. Kumalabog naman ang puso ko sa hindi malamang dahilan! s**t! Normal na text lang yan pero bakit ganito mag react ang puso ko? Ako: They are not my friends. Napanguso ako. Wala naman talaga akong kaibigan rito dahil ayokong may kaibigan dahil the last time I have, ako ang naging kawawa at pinatapon sa lugar na to. Ang speaking of! Jade the motherfucker keep messaging me! At hindi ko ni replayan kahit isa. Hah! Baka ano na naman ang masabi ng girlfriend nya kapag nalaman na naman noon na message sya ng message sa akin! Ang kitid kitid pa naman ng utak noon! Urgh! Nangigil talaga ako kapag naiisip ko ang mukha nong bruha na yon! Makabalik lang ako ng Manila! Lalampasohin ko talaga yon! "Ugh Blyn, ito na yong sukli" nahihiyang sabi ni Criza. Nilapag nya ang milk tea ko at nilahad ang pera sa akin. "I said, sa inyo na yan" malamig kong sabi. "Sobra sobra na tong milk tea at siomai. Okay na ako rito Blyn. Salamat ng marami!" "Oo nga Blyn. Salamat dito! Shocks! Gutom na gutom ako, hindi ako naka pag agahan kanina!" Ani ng bakla at madramang umupo sa harap. I shook my head. "I won't accept that. Keep it." Ani ko. "Pero-" "Babalik tayo bukas rito. Ayoko na kayong e libre kaya yan ang ibabayad nyo" sabi ko na lang dahil mukhang determinadong ibabalik talaga ni Criza sa akin. "Isasama mo ulit kami?" May saya nyang sabi. I sigh. s**t! Bakit ko ba sinabi yon? "Yeah" sagot ko na lang. Wala ng choice. Now, this is great. Ang iingay at ang gugulo pa naman makasama ang dalawang to and then sinabi ko pa na isasama ko sila sa susunod. So crazy! "Nga pala Blyn, about sa Mr. And Mrs. Intramurals. First day gaganapin yon sa intrams so possibly, the day before tomorrow mag p-practice na kayo" Ani ng bakla. I sigh. "And by the way, isasama ka pala nina Pres para sa gown mo. Nga lang ukay lang dahil yon lang ang kaya sa budget" "Bakit ang updated mo bakla? Saan mo napupulot ang mga pinagsasabi mo?" "Ako ang sinabihan ni Pres. Nahihiya kasi sya kay Blyn" "Ahh, so sayo sinabi dahil makapal ang mukha mo?" "Tanga! Sa akin sinabi dahil alam nyang may paki ako kay Blyn" namilog ang mata ni Criza. I raise my brow. "May gusto ka kay Blyn? Straight ka na? Susumbong kita kay De Lara! Patay ka talagang-" "Iww! Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Tanga ka! Abnormal!" "Defensive mo!" "Yuck! Nakakadiri!" Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na namang katuturan ang mga pinagtatalonan nila! "May pa yuck yuck ka pa! As if papatulan ka ni Blyn! Yucks! Ang gwapo ni De Lara para ipagpalit sayong abnormal ka!" Patitigilin ko na sana silang dalawa nang pumasok ang taong nagpapagulo sa damdamin ko at ang babaeng nagpapainit ng ulo ko. "Baka sumakit na naman ang tyan ko sa Milk tea Ian" palambing nyang sabi at humawak pa sa braso. I shifted at kumunot ang noo sa nakikita. Malandi! "Your not allowed though" malamig na sabi ni Joshua. "Kaya nga but I want to taste it though" nakanguso nya pang sabi. Nilingon naman sya ni Joshua. Tumalim ang tingin ko sa kanila. Hindi sila bagay! Ang gwapo ni De Lara para mapunta sa kanya na parang unggoy! "Umayos ka nga! Ikaw ba girlfriend?" "Tanga! Dapat malaman ng babaeng yan saan lumagar, nandito girlfriend oh! Alam mo namang tipid tipid magsalita ni Blyn! Gaga ka!" "Tumahimik ka na lang!" "Hahayaan nating masaktan si Blyn?" Nalipat ang tingin ko sa dalawa na nagbubungangan, agad naman silang natahimik at nagkunwaring nilalaro ang mga pagkain nila. I sigh heavily! He likes me pero nakikipaglandian pa rin sa iba! Kapal ng mukha, paasa! Play boy! Padarag akong umalis sa table namin at nagdadabog na naglakad. Ang kapal kapal ng mukha! After he said to me na gusto nya ako, nakikipaglandian sya sa harap ko! Ang kapal ng mukha! Pinaglalaruan nya ba ako? Kasi kung oo, babasagin ko talaga ang mukha nya! Ang kapal kapal! Tumawid ako ng kalsada ng wala sa sarili! "Blyn!" "Bakla!" They shouted kaya natauhan ako at nakitang may sasakyan na mabilis ang takbo papunta sa akin. My eyes widen in fraction. Natuod sa kinatatayuan, hindi alam ang gagawin. I wanted to run pero hindi gumalaw ang paa ko! Naka focus lang ako sa sasakyan na patungo sa akin. Shit! I am panicking but I can't move kaya ang ginawa ko lang ay pumikit, naghihintay na bubundulin ako. Napatili ako nang tumalapon ako. Wala akong naramdaman kahit na anong sakit! "What the f**k are you doing!?" Boses ni Joshua ang dumadagondon sa pandinig ko kaya ako napadilat. My eyes widen nang nakita syang inalalayan ako sa pagtayo. "Alyza Blyn!" Sigaw nya dahil nakatulala lang ako sa kanya. "Miss! Magpapakamatay ka ba?" Sigaw ng kung sino but I guess, ang driver yon pero naka focus lang ako kay Joshua. "Blyn...Hey!" Biglang pagpapanic nya nang nakitang hindi ako nag sasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD