Wala akong emosyon habang umiiyak yong Jessa kay Joshua. She keeps on denying na wala daw syang ginagawa, gusto lang daw nyang makatulong sa department nila at kung anu-ano pa. Psh! What a liar!
"Promise ma'am, I didn't know anything sinisiraan lang ako ni Clavite cause she see na ako ang mananalo!" Nonsense nyang sabi.
Napatingin silang lahat sa akin. Napalabi lang ako at hindi nagsalita.
Whatever my reason is, it's not important, after all, my evidence na at matatahimik rin naman tong babaeng to pag nilabas na nila ang ebedinsya.
"See? She never reacts cause it's true!" Giit nya at medyo may nakikitang liwanag. I just raise my brow.
Hah! Lakas ng confidence ng babaeng to! Akala mo huh, makakalusot ka! Kung inamin nya na lang at hindi na ako tinuro, edi tapos, maawa pa sana sila! Mommy is about to react when Joshua speak.
"She's not into that kind of girl. Shut up!" Madiin nyang sabi kay Jessa.
Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Jessa at bumuhos ang mga luha nya ulit.
I sigh.
Dahil sa obsession nya kay Joshua, yan napapala nya! If I were her? If hindi ako mahal ng taong mahal ko, hindi ko pipilitin!
I am in love with him and that's it, if he loves me back, then I am so blessed and if he doesn't... then don't, basta alam ko sa sarili ko na mahal ko sya. After all kung kami talaga, God will make a way!
Hindi yong gumagawa pa kung anu-anong kalokohan! Mapilit lang na makasama ang taong gusto. What a cheap move!
"It's true Ian! She did that cause she's threathen! Everyone is expecting her to win then I get in the way. You don't know what a desperate girl can do" humahagolhol nyang sabi.
Muntik na akong matawa sa sinabi nya.
Coming from her huh? Bahala sya sa buhay nya baka kapag pinakita na ang evidence, lulunukin nya yang nga pinagsasabi nya.
What a desperate girl can do huh?
Bakit hindi nya yan sabihin sa sarili nya para naman umayos-ayos ang desisyon nya sa buhay?
Girl! What a b***h!
"Excuse me! I am with my daughter the whole time and why would she do that?" Maarteng tanong ni mommy.
"Ma'am, your daughter is threatened, you know girls when they are so desperate! She ruin-"
"Stop! Don't you dare said that kind of s**t on her!" Joshua said dangerously.
Pinag cross ko ang braso ko habang pinapanood sila. This is interesting.
"For all due respect! Respect my office!" Madiing sabi ng Dean.
"Ma'am, ready na po" the student assistant said.
I shifted my seat and looked at the laptop na nilalagay ng studyante sa table ng Dean.
Everyone became silent. Mommy look at me dangerously. Inaakusahan ako. I just shrug dahil wala naman akong ginawang masama! In fact tumulong pa nga ako. Psh!
Palagi na lang akong natatawag sa office na wala akong kasalanan! Psh!
Porke ang bad ng record ko ako agad ang dahilan? I am doing very very good here tapos kung makatingin si mommy sa akin parang ako ang may gawa ng lahat! Psh!
Walang emosyon ko lang tinutukan ang laptop habang maiging tinitignan ng Dean namin!
Honestly, gustong-gusto ko ng magbihis dahil naka gown pa rin ako hanggang ngayon, nga lang, nasa akin ang coat ni Joshua, binigay nya kaya naka white long sleeve na lang sya ngayon and he fold it until his elbow.
"Okay, I already know the truth...I'm sorry Ms. Clavite for waisting your time. Your daughter is not involved...in fact, she is a big help in this case as well as Mr. De Lara here and Mr. Colarne and for you Ms. Osman, let's talk. You are all dismiss now. I'm sorry again Ms. Clavite" Ani ng Dean.
Napabuntong hininga naman si mommy parang nabununtan ng tinik. She stood up gracefully and say good bye.
Agad namang dumalo si Joshua para alalayan si Mommy. Mommy smile a bit and look at me.
Tamad naman akong tumayo. I look Jessa na nakayoko na lang, tahimik na umiiyak mukhang alam na ang mangyayari sa kanya.
Desperate woman! Psh!
Ako pa ang tinuro na desperada! Ano sya ngayon? Kinain nya rin ang pinagsasabi nya! She taste her own medicine huh.
Dahil pagod sa nangyari tahimik lang ako sa sasakyan, habang si Joshua at mommy nag-uusap sa nangyari.
Hindi na ako nakisali. Naglaro lang ako sa phone ko ng online games habang nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Joshua.
"She did that? For what?" Gulat na sabi ni mommy.
"I don't know tita but what she did is so wrong"
"Yeah! That's...Oh my God! Paano kong napasubra ang lagay nya sa juice ng kung ano? What if mapahamak yong uminom or worst mamatay! Oh my God!"
Joshua sigh mukhang hindi rin makapaniwala sa nagawa ng kaibigan nya. Dinungaw nya ang ginagawa ko bago sumagot kay Mommy.
Hindi talaga ako nakisali sa kanila dahil pagod talaga ako, hindi ko na lang namalayan na nakatulog ako sa paglalaro. Nalimpungatan na lang ako nang nilapag ako sa malambot na higaan.
"Sleep baby" malambing na sabi ng kung sino.
Pinikit ko na lang uli ang mata ko at kumapa-kapa ng unan. I frowned nang nag iba ang bango ng unan ko pero dahil hinihila na ako ng antok, sinawalang bahala ko na lang yon.
Nagising ako nang nakaramdam ako ng gutom. I slowly open my eyes but when I saw my ceiling, napabalikwas ako ng upo.
Hindi black ang ceiling ko! At mas lalong hindi ganito ang bahay ni Lola! Oh my God! Where am I?
Agad akong bumangon at dumiritso pintuan dahil natataranta na pero bago ko pa mahawakan ang door knob bumukas na ito at bumungad si Joshua na naka pambahay lang.
"Good morning sleepy head" malambing nyang sabi.
Napakurap ako at napatingin sa paligid at nang nakita ko ang frame na nakasabit sa taas ng kama. I sigh heavily.
This is his room!
"Why I am here?" Lito kong sabi.
"Your mom request" aniya at pumasok sa kwarto nya.
May kinuha syang paper bag sa side table at binigay sa akin. Nakatunganga pa rin ako sa kanya dahil nag-iisip pa rin kung bakit ako nandito sa kwarto nya, paanong hindi ko nararamdaman ang pag lipat sa akin rito, kung bakit dito kami pumunta, kung bakit sinabi nya na request ni mommy.
He sigh.
"My mom called. And then your mom is so curious to my mother so we end up here. I am not heartless to wake you up so that's the reason why" he explain.
I sigh at dahang-dahang kinuha ang paper bag.
"Bakit hindi sa bahay?" I asked habang tinitignan ang damit ko. Mukhang pinakuha sa bahay dahil pamilyar ang damit.
"When I said it to my mother,she immediately said na pupunta tayo rito so who am I to refuse?"
Napangiwi na lang ako!
Siguro dahil sa sobrang pagod ko kaya ako nakatulog! Nakakapagod rin namang make -upan, su-otan ng damit, mag hihintay hanggat matatawag para ikaw na ang rumampa pero in the end hindi rin natuloy.
"Pwede pagamit ng bathroom?...Magbibihis lang"ani ko na lang. He nod and pointed his bathroom.
Tamad akong nagtungo roon.
First time kung sumali sa pageant pero hindi natuloy dahil sa kagagawan ng babaeng yon! Buti na lang hindi bais ang dean at hindi ako sinali sa mapaparusahan kung hindi, lagot na naman ako kay mama!
And buti na lang hindi ako pinagalitan ni mama dahil na office na naman ako. Though wala akong kasalanan pero napatawag pa rin ako.
Siguro pagkasabi na nasa office ako iba agad ang pumasok sa isip ni mama, given my history tapos nawala pa ako kanina but ang importante, hindi ako sangkot, nakatulong pa nga ako eh.
Sabay kaming lumabas sa kwarto ni Joshua. Naabot namin ang mga nanay namin sa likod bahay kung saan kaharap ang malawak na garden nila at kitang-kita ang bundok na hindi ko kilala kung ano, basta bundok sya. Psh!
"Good afternoon po" magalang kong sabi sa mommy ni Dylan.
Nanlaki ang mata ni mommy at hindi makapaniwala akong tinignan. I sigh secretly.
Bakit ba nabibigla sya sa mga inaasta ko? Simula nong nandito sya, palagi na lang ganyan ang reaction nya kapag gumagalang ako. Psh!
"Oh, Good afternoon iha. How's your sleep?" Malumanay nyang sabi.
I frowned at look at Joshua na nakahalukikip na nanonood sa akin.
How come ganito ang mommy nya? Soft spoken, pinong kumilos, So innocent. total opposite on him!
He raise his brow kaya binalik ko ang tingin sa mommy nya.
"Okay lang po. Sorry po kung nakatulog ako" malumanay kong sabi.
In my peripheral vision nakita ko kung paano napahawak si mommy sa bibig nya na para bang may kamanghang-manghang nakikita.
"Naku! Okay lang. I know your tired and also I heard what happened to your school! You okay?" Nag-aalala nyang sabi.
"Okay lang po...Alyza Blyn Clavite po pala" pakilala ko. She blink.
"Yeah, I know your Blyn. Nak-kwento ka ng anak ko and seems like what he told is all true" nakangiting sabi ni mommy.
Mabilis kong tinignan si Joshau. He smirked at nakibat-balikat. Yabang!
"Ugh..."
"Anyway. Maupo ka muna. Son, tell manang to bring snack here" utos ng mommy sa kanya.
Bubuka sana ang bibig ko para tumanggi pero pinaghila ako ni Joshua ng upuan at agad balik sa bahay para sundin ang mommy nya.
I press my lips.
Shit!
Why we are here!? And why am I nervous? Shutangina!
"You have a beautiful daughter here" nakangiting sabi ni tita. Mom laugh elegantly. I pursed my lips at nilibang na lang ang sarili sa tanawin.
Shit!
"Ofcourse! Maganda ang nanay" natatawang sabi ni mommy. Nagtawanan naman ang dalawa.
This is great!
Kung ang dati pang ako ang nandito, matagal na akong umalis dahil ang boring ng nangyayari rito! And isa pa, hindi ako sanay na kino-compliment! Mas sanay ako na pinapagalitan!
Pero dahil sa Lola kong...ay Iwan ko na lang...Mas pinili kong mag stay at unting-unting nakisali sa kanila kahit naiilang.
At kapag nagsasalita ako, nakikisali sa kanila, palagi akong nililingon ni mommy nang namimilog ang mata sa inaasta ko!
Psh! Talk to your mama! Kung hindi lang nakakarindi ang matandang yon, hindi ako papahirapan sa mga gawaing bahay at kung wala lang talaga kaming deal! Abah! Kung saan saan na sana ako umabot o kung hindi nag o-online games na!
Damating si Joshua na may dalang meryenda. Nagtanong pa ang mommy nya kung saan ang kasambahay pero nakibat-balikat lang sya at umupo sa tabi ko.
Sinundan naman ni mommy at ang mommy nya ang kinikilos ni Joshua lalo pa nong nilagyan nya ang plate ko ng cake at sinalinan ng juice ang baso ko.
I bite my lips dahil ramdam na ramdam kong uminit ang pisngi ko dahil biglang nahiya.
Shit! Kailan pa ako nahiya ng ganito!? Damn this place! Bakit ang laki-laki ng binago sa buhay ko simula ng nakarating ako rito? This is crazy!
"You want manggo float? Gumawa si Mama" He said na parang hindi naramdaman ang titig ng mga magulang namin.
I shook my head.
Ano ba yang manggo float? Mangga na lumulutang?
I think nakakain na ako nyan pero nakalimutan ko lang kung anong hitsura. Wala naman akong pakialam sa mga pangalan eh, basta masarap sa mata, yon na yon, wala ng pakialam kung anong pangalan!
"Later" tipid kong sagot. He frowned, nilipat ko na lang ang mata ko sa juice at uminom para mawala tong hiya na nararamdaman ko.
This is so not really me! This is not me! s**t!
"So kailan mo sasagotin tong si Ian, iha?" Casual na sabi ni Tita pero nabilaukan ako at muntik ko ng mabuga ang iniinom na juice.
What?
"Oh? I'm sorry!"
"You okay?"
"Blyn"
"Mom! Stop it!"
Umubo-ubo ako at kinuha ang panyo na nilahad ni mommy. Hinaplos haplos namin ni Joshua ang likod ko! Tangina!
"I'm sorry iha...I just-"
"Mom!" Saway ni Joshua sa mommy nya.