00018

1998 Words
Nakahalukikip ako habang nagkakagulo ang ang mga taga engineering! Paano ba naman kasi yong representative nila sa babae ay biglang sumakit ng husto ang tyan at sinugod sa hospital! Today is the pageant! Nasa question and answer na sana kami ngayon! Kung hindi lang nangyari ang shutanginang pangyayaring to! Napapagod na ako! "Ang impossible lang no? Kanina parang okay na okay yong candidate nila! Pero nong pangalawang labas na biglang ganon?" Tanong ni Criza. "Oo nga girl! Baka may sumabutahe don! Ang lakas ng taga engineering eh pero hindi naman isang milyon ang premyo rito para gaganyanin pa...Ay iwan" Ani ng bakla. "Or maybe! Masakit na talaga yong tyan nya, hindi lang pinahalata dahil you know..." "Gaga ka! Kung simpleng sakit lang yon ng tyan hindi yon masusugod sa hospital! Malakas ang hinala ko, may sumabutahe talaga non!" Kompayangsang sabi ng bakla. Pinikit ko na lang ang mata ko. I am so tired, drain na drain na ang energy ko tapos na d-delay pa. I don't care kung anong nangyayari sa paligid! Problema na nila yon at wala rin namang silbe kung magiging concern ako dahil hindi naman ako makakatulong sa nangyayari. May sumabutahe man non o wala problema na nila yon. Maya-maya pa, biglang bumukas ang pintuan namin at pumasok si mommy na natataranta. "Start na! Start na! Get ready na Blyn!" Ani ni mommy. "What? Tuloy pa pala?" Nakangiwi kong sabi. "What? Go now!" Ani ni mommy. I sigh at tumayo. Inalalayan naman agad ako ng dalawa at dinala sa back stage. "Double time ladies! Time is running!" Stress na sigaw ng floor coordinator. I rolled my eyes at pumila. "May sumabutahe daw. Yon ang theory nila. I don't know! Wala namang gagawa non. Wala namang premyo to" sabi ng nasa unahan ko. "Kaya nga eh. I don't know too...Hindi naman tayo pinapalabas ng rooms natin" I sigh. Girls and their nature. Ano bang pakialam nila? "Next!" Sigaw ng floor coordinator sa dalawa na nag c-chismisan. Sunod sunod kaming rumampa, and every walk that we make, my classmate and schoolmates scream like crazy. Kitang-kita ko pa si Mommy na nagsisigaw at winagayway ang dala nyang Balloon at nag v-video sa akin! "Alyza Blyn Clavite, 19 years old from college of business administration!" Agad namang nagsisigawan ang mga tao at tinaas ang mga tarpaulin, balloons at kung anu-anong dala para supportahan ako. I put my two hands on my waist and smile widely to everyone bago umikot para makabalik sa back stage pero pag ikot ko, agad kumunot ang noo ko nang nakita si Jessa ang kasunod sa akin. What the f**k? She smile sweetly and post so gracefully. Hindi sya kasali rito! Why all of the sudden nakasali sya!? Confuse ako sa back stage! "Bakit nag iba an representative sa college of engineering?" I asked cooly kahit confuse ako at may idea nang nabubuo sa utak ko. I need to confirm it before I will speak out my thoughts! Mahirap na! Ang mga hinala ko pa naman minsan mali mali pero madalas ay tama naman! "Ah, substitute daw. Pinayagan naman at may willing namang nag volunteer, wala namang angal dahil pumayag naman ang lahat" sabi ng president namin. I blink. Buong pageant tuloy ay bothered ako. Gusto kong sabihin ang ideya ko pero baka makagulo pa. Ayoko nang maulit yong nangyari sa dati kong school baka kung saan saan naman ako ipapatapon ng pamilya ko. I swallowed hard at kumalabog ang puso. Ang lakas ng kutob ko na sya talaga ang may pakana nang nangyari kanina! Para sya ang makasali at makapartner ni Joshua! "Hey, kabado?" Tanong ng partner kong si Gerald. "No. I'm just thinking" wala sa sarili kong sabi. "You brilliant, I'm sure you can answer" Aniya. I shook my head. "Look, everything is weird" I mumbled. He frowned. "Like?" "Like pinag substitute yong Jessa sa college of engineering. You know, after sinugod sa hospital yong representative nila, ang pinalit ay sya...We all know na patay na patay yan kay Joshua" I mumbled. Napatitig naman sya sa akin. Tinignan ko sya ng seryoso. "Are you just jealous or..." "No! No! I'm not jealous. I'm bothered! I trust Joshua but what happen lately, bothered me so much! Maybe she's desperate that's why she did that....but I'm not yet sure pero malakas ang kutob ko" He blink and reach his eye glasses, mukhang na stress bigla sa sinabi ko. Wala kasi akong mapagsabihan. Hindi pwede yong dalawa dahil ang daldal non, hindi rin pwede ang president or any of my teacher dahil hindi naman ako sigurado. May kasabihan nga. Kung wala kang makapagtitiwalaan o makausap na malapit sayo, talk to the stranger, they won't judge. "But what's the motives?" Aniya pagkatapos nyang masuot ang eye glasses nya. "Maybe she wants to join or..." "She wants to be your man's partner" pagtatapos nya sa akin. "Yup, maybe that one too! Hindi ako magseselos is just that...Hindi kasi makatarungan ang ginawa nya!" Madiin kong sabi. Wow! I can't believe I've said that! Para akong good girl! Shuta! Bakit ba nagkaroon ako bigla ng pakialam sa nangyayari? Parang naka move on na nga ang lahat eh, parang wala nang nangyayari sa paligid. Then here I am, nababaliw kakaisip kung Tama ba ang hinala ko or hindi. "Let's confirm it. May mga CCTV ang paligid ng campus, maybe we can find a clue" aniya at tumayo. "Wait. Wait! What about the pageant?" Taranta kong sabi. "Question and answer portion...We are second to the last...Hindi tayo magtatagal. Let's go" malamig nyang sabi. Dali-dali naman akong sumunod. We hide from everyone para hindi mahalata na nawawala kami! Dumaan pa kami sa likod para wala talagang makakakita! Shit! This curiosity of mine! Ito ako ngayon napapasubo na naman sa mga ganitong gawain! We review the CCTV cameras. I don't know kung anong sinabi ng Gerald na to at pinayagan kami makapag review eh! "I'm right!" Sigaw ko nang nakita si Jessa na pumasok sa canteen at napalinga-linga sa paligid. "Shh" saway nya. Tinikom ko ang bibig ko at nanood nang pangyayari! "Ito ba yong nangyari sa gym kanina iho?" Tanong ng teacher na nagbabantay sa amin. "Yes" aniya habang titig na titig sa monitor. Nanliit ang mata ko nang nakitang nag order ng juice si Jessa and after that, lumabas sya ng canteen. Naghanap ulit kami ng panibagong footage kung saan na naman sya susunod na nagsusuot. Napatol lang ang paninitig ko nang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa pocket ng gown ko. Halos mapamura ako nang nakita ang pangalan ni Joshua! s**t! "Hello?" Sagot ko at bahagyang lumayo. [ Where are you!? Tita is looking on you! Damn baby! ] madiing sabi ni Joshua. Halatang galit. Shit! "I'm in the...Ughmmm..." [ Blyn! Who are you with?] Parang kulog nyang sabi. I bite my lips. Shutangina! "Nandito kami sa 3rd floor, computer room....Ughmm, I'm...Shit!" Ani ko nang binabaan nya ako ng tawag. Hindi tuloy ako mapakali habang nag iintay sa kanya. Putangina! Hindi ako natatakot sa parents ko kapag nalaman kong nalaman na nila ang kalokohan na nagawa ko pero sya? Para akong mahihimatay sa kaba habang naghihitay! Shit Ian Joshua De Lara! Pagkarating nya. Nagbabagang mata ang nakikita ko sa mata nya. I press my lips together. "Hey. I'm sorry...we...ano...ugh.." Tangina! Wala akong masabi! "What are you doing here?" Madiin nyang sabi at umigting pa ang panga. I swallowed hard. "Ugh...We...I-" Napapikit na lang ako ng mariin dahil wala akong mabuong salita para masabi sa kanya! Kumakalobog ang puso ko sa kaba! Kinuha nya ang kamay ko at hihilahin na sana papalabas nang... "Your admirer s***h girl bestfriend De Lara has gone too far" biglang sambit ni Gerald. Natigil naman si Joshua at marahas na nilingon si Gerald. Humigpit ang kapit ko sa kamay nya. "What did you just say?" Ge dangerously said. Wala tuloy ako sa sarili na hinaplos ang braso nya. Putangina. "Look" kalmadong turo ni Gerald sa monitor. I look Joshua dahil bumuntong hininga. Pinapakalma ang sarili. "Hey...I'm sorry" maliit na boses kong sabi dahil mukhang galit na galit sya sa ginawa ko. Na curios lang naman! Hinawakan nya sa isang kamay ang kamay kong hinahaplos ang braso nya. He sigh again at lumapit sa monitor at malamig na nanood sa CCTV footage. "Tatawagin ko ang head ng school para malaman nya to. Huwag na kayong magpapasok rito baka mawala pa ang ebedensya...De Lara, Since ikaw ang senior rito, pag 100% na yan, kunin mo ang flash drive, Keep it. Kukunin ko yan mamaya sayo" bilin ng teacher. "Ipapaalam ko sa dean natin ang nangyari" paalam ni Gerald. I just nod. "Sige" Ani ko. Nang kami nalang dalawa ni Joshua. Para akong nabingi sa katahimikan naming dalawa. Ginalaw galaw nya lang ang mouse. I can't see his expression dahil nasa likod ako pero kahit na hindi ko nakikita ang mukha nya, ramdam na ramdam ko naman ang galit nya. Shit! Ang pangit pa namang magalit nito! "Hey. I'm sorry kung hindi ko pinaalam kung nasaan ako" mahina kong sabi. I don't know kung bakit ako nag sorry pero naiiyak na kasi ako kapag ganito sya umasta! He's not like this to me! Hindi nya ako inimik. Napapapikit ako ng mariin! Bwesit na yan! Bakit ako guilty? Ni hindi ko nararamdaman ito tuwing nalalaman kung galit ang parents ko dahil sa kalokohang nagawa ko! Tanginag buhay to! Tahimik akong kumuha ng upuan at tumabi sa kanya. I swallowed hard nang nakita na nakakunot ang noo nya at matalim ang tingin sa monitor. I put my hand on his arms. Nakita ko naman kung paano nalipat ang tingin nya sa kamay ko. "Are you mad?...Na curios lang kasi ako cause I find it weird" I explain. "And you choose that boy to come here than me?" Malamig nyang sabi. Nabigla naman ako sa sinabi nya at napakurap. "No...I mean, magkasama kasi kami sa room! And since wala kaming ginawang dalawa. Sinabi ko sa kanya and then nagyaya syang pumunta rito. Since I'm curios then I am here too" Malamig nya akong tinignan. I sigh. "I swear, I am so bothered about what happen kaya nandito ako...I'm sorry kung iniwan mo pa ang pageants.." Hindi sya umiimik. I swallowed hard at niyakap ang braso nya at pinahinga ang ulo sa kanyang braso. "Don't be mad please. I hate seeing you mad" bulong ko. Matagal bago sya bumuntong hininga at hinaplos nya ang pisngi ko. Napapikit naman ako sa haplos nya. Damn! Is he not mad anymore? "Your mom is worried. So am I" he mumbled. Napaayos tuloy ako at tinignan sya. Napaawang ang labi ko nang malamlam na ang mata nya nakatingin sa akin. Wala na yong galit na para kang papatayin kung tumitig sya sayo. "I'm sorry" Ani ko. He sigh and look at me gently. Slowly, hinaplos nya ang pisngi ko at dahan dahan nyang nilapit sa kanya. Kumalabog ang puso ko sa kagaba! s**t! Hahalikan nya ba ako? Did I toothbrush? s**t! Hindi pa naman to ang lipstick na ginagamit ko araw-araw! Oh my God! Lalapat na sana ang labi nya sa labi ko nang may kumatok sa pinto kaya napabaling ako doon kaya tumama ang labi nya sa pisngi ko. I swallowed when I felt his lips pero nang bumukas ang pinto agad akong napatayo at pumwesto sa likod ni De Lara. "Pinatigil ang pageants dahil sa nangyari. Nasa Dean's office yong babaeng nasa CCTV. Kailangan tayo doon" Ani ni Gerald. I nod immediately at lalabas na sana dahil para akong nakalutang sa eri sa nangyari nang nagsalita na naman sya "But let's wait to the teacher. Hindi pweding iwan to rito. Maybe someone will come here and delete the footage" aniya. I press my lower lips. Kung hindi lang ako parang mahihimatay sa lakas ng kalabog ng puso ko ngayon, barado na tong tokmol na to eh! Kung makaasta parang ang laki ng katawan! "Blyn..." tawag ni Joshua at tumayo para paupuin ako. "Storbo" I heard him bumbled bago binonot ang flash drive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD