Crashing waves, heartbeat racing, peaceful place, Joshua beside me is such a beautiful scenery.
Hindi ko akalain na mararamdaman ko tong ganito kapayapang pakiramdam! Before, my concern are computer games, social media, party, cutting classes and many more but hindi ganito ang nararamadaman ko.
Today, I felt so contented, hindi ako na bored kahit nakaupo lang kami sa harap ng dagat, kumakain, nanonood ng tanawin. Hindi rin mainitin ang ulo ko. I am really in a peaceful place right now.
"Blyn, I just want to inform you na liligawan kita" he said again.
Kanina pa sya paulit-ulit kagaganyan! Pero hindi ko sinagot dahil ang gago lang, kailangan pa bang sabihin yan?
I am not into words! I am into action! I hate question! I hate words cause sometimes words are confusing, especially kapag hindi tugma ang kilos sa mga sinasabi.
"Shhh" pigil ko sa kanya at pinikit ang mata.
"I'm just informing you, though," Ani nya.
Hindi ko sya kinabo. Sinandal ko na lang ang sarili ko sa kanya para maging comfortable ako at mapayapang madamdam ang kalikasan.
Naging tahimik ulit sya, tanging hampas lang ng alon ang naririnig ko and it's relaxing.
After he gave me the earings. Hindi ko sya tinignan habang nag p-practice kami pero kapag nagtatama ang mata namin dahil hinahanap nya talaga. I saw pure adoration and amusement kaya sinungitan ko lang sya kahit kumakalabog ang puso ko.
He even put the earings on my ear and after he put it, puro kayabangan ang nakikita ko kaya nginiwian ko lang but he just laugh.
After that, puro panunukso ang ginawa nya dahil sa pagpapasalamat ko kaya hindi ko sya pinansin ng ilang araw kaya napunta kami sa lugar na to dahil peace offering nya, well effective naman dahil nakaka relax.
"Wala ka bang klase ngayon?" I asked habang nakapikit pa rin at nakasandal sa kanya.
"Wala" tamad nyang sabi.
Napaayos ako ng upo at tinignan sya.
May schedule to ngayon! Sabado but my isang subject to sa umaga at dalawa sa hapon!
"Anong wala?" Inis kong sabi at nanliliit ang mata sa kanya. He pouted at humiga sa buhangin.
"Hoy Joshua!" Inis kong sabi dahil pinikit na ang mata, hindi ako sinagot.
"Wala kaming klase, My prof is not around" aniya. Kumunot tuloy ang noo ko.
"Paano mo nalaman? Nandoon ka ba?" Masungit kong sabi.
"Nah. My friends inform me" aniya.
I raise my brow.
"Paano?" I challenge.
Magkasama kami mula pa kanina at hindi ko nakita na nilapitan sya ng kaibigan nya o ginalaw nya ang phone nya!
"Naramdaman ko lang...Aw!" Inda nya ng hinampas ko ang tyan nya.
"Siraulo ka! You absent?!" Sigaw ko sa kanya talaga.
"No" nakanguso nyang sabi. Tinatago ang ngiting kumakawala sa bibig nya.
Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Anong no? Anong no?" Inis kong sabi.
"Hindi nga. Candidates from Intramurals are exempted, practice, you know cause our department is determined to win" aniya at kindatan ako.
Nalukot ko tuloy ang mukha ko.
"Kapag nalaman laman ko talagang nag absent ka para lang makagala tayo, susuntukin talaga kitang lalaki ka!" Banta ko.
"Okay baby!...Aray!" Inda nya na naman dahil kinurot ko ang tagiliran. Puro kasi kalokohan.
"Seryoso ako!" Inis kong sabi.
"Hmmmm...Calm down now" mahinahon nyang sabi at pilit akong hinila para sana makatabi sa kanya but I refuse.
Shuta sya! Ano gusto nyang mangyari? Cuddle sa harap ng dagat? No way!
Though pangarap kung maganyan ganyan sa harap ng dagat pero hindi kami! Tyaka na lang kapag kami na! Psh! The logic! Puta.
Kinuha ko na lang ang phone ko at kumuha ng litrato sa view, nag selfie at kinuhanan rin ang tokmol na mapayapang nakahiga at nakapikit.
Nang naghapon na, nagyaya na akong umuwi dahil alam kung may klase pa ang lalaking to. Parang wala kasing balak pumasok.
"You know, minor lang ang subject ngayon" aniya nang huninto ang sasakyan sa bahay namin.
"Joshua!" Inis kong sabi. Ngumuso sya, nagpapaawa. Pinandilatan ko sya ng mata.
"Fine, fine. Ang sungit" pagsusuko nya.
"Now go! Ma l-late ka na" masungit kong sabi.
He sigh at pinalungkot ang expression sa mukha. I scoffed, alam na alam ko ang technique na yan! Hindi na ako madadala nyan.
"Bye...see you later-"
"Tomorrow!" Putol ko sa kanya. He sigh.
"Later, dito ako maghahapunan" aniya. I raise my brow.
"Kapal ng mukha ah?"
"Masilayan ka lang" banat nya.
Nalukot ang mukha ko. He laughed on my reaction.
"Cringe mo!" Masungit kong sabi he laugh.
Matagal tagal ko bago sya nataboy! Ang kulit kulit kasi ng tokmol!
Papasok na sana ako nang nakita sina Lola at mommy na nasa may bintana, nakasalip, mukhang kanina pa nanonood.
"Mom! Lola!" Saway ko sa kanila. They laugh like crazy. Napailing na lang ako at lukot ang mukha na pumasok sa kanila.
"I can't believe what I just heard mama!" manghang sabi ni mommy.
"Sabi ko naman sayo, nagbago sya dahil sa batang yon eh" proud na sabi ni Lola.
Nakabusangot akong nagmano sa kanila. Mommy looked at me amusingly. Hindi talaga makapaniwala sa mga kinikilos ko rito! Psh.
"What did you just said kanina anak? Hindi ka papayag na a-absent sya at ma late? Did I hear you, right?" Manghang sabi ni mommy.
I sigh.
"Mommy, stop it!" Irita kong sabi.
Hindi ko alam kung bakit nagpaiwan to rito eh! Laking pasalamat ko nga dahil bumalik na si daddy sa Manila dahil aasikasuhin ang business namin! Wala ng manunukso! Pero ito sya! Nag stay dahil manonood daw sya ng pageants. She wants to be here, hanggat matapos ang pageants! Baliw rin tong mommy ko eh.
"Ma! Parang kailan lang, ako pa yong nagsasabi sa kanya na hindi mag absent, bilisan ang kilos dahil ma l-late, sya pa ang senermonan,then today? Sya na ang nanenermon? God!" Mangha talagang sabi ni mommy.
Napakurap naman ako.
Mommy is right. Bakit nga ba ako umasta na parang hindi ako bulakbol sa pag-aaral? Kung makaasta ako kanina parang...shit!
Nag martsa ako ng walang sabi-sabi. Confuse na confuse sa inasta ko.
Bakit ko nga ba pinagalitan si Joshua nang ganon?
It's his choice kaya bakit ako nagalit at nagyaya na umuwi dahil may klase pa sya?
Obviously, I am not into acads kailangan pa ng matinding dahilan para magseryoso ako sa pag-aaral pero hindi ibig sabihin non na gusto kong mag-aral, wala lang talaga ako choice.
But why am I acting like that in front of Joshua?
Pagod kong sinalpak ang sarili ko sa kama, sumasakit ang ulo kakaisip ng mga sagot sa katanungan ko!
Parang kani-kanina lang ang gaan gaan ng pakiramdam ko! Pero ngayon? Para akong pinagsaluban ng langit at lupa! Shutangina.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa ganong posisyon, nagising na lang ako nang may kumakatok sa pintuan ko.
"Sandali lang!" Inis kong sabi.
Ang ganda ganda na nang tulog ko eh!
Inayos ko ang buhok ko at nagpalit ng pambahay bago binuksan ang pinto.
"Take you so long to open the door anak but anyway, dinner na! Your boyfriend is there already!" Nakangiting sabi ni mommy.
I sigh. Ang kulit kulit talaga ng pamilyang to! Sabing hindi ko yon boyfriend.
"He's not my boyfriend" malamig ko sabi. Mommy just smile at me.
"Let's go" pambabaliwala nya na naman.
Napakamot na lang ako ng kilay sa inasta nya! I'm a bad girl but I'm not a liar! And do we look like a couple? Kaya hindi sila naniniwala sa akin?
Mapalakas akong napabuntong hininga. Kakagising ko lang tapos stress na stress na ako! Kailan ba to uuwi ng Manila si Mommy para tumahimik na ang buhay ko rito!?
Nadatnan namin sina Lola, Lolo at Joshua na nag k-kwentuhan! Tahimik lang akong umupo sa tabi ni Joshua, walang choice dahil tinulak ako nang bahagya ni mommy.
"So quiet huh" Joshua said while putting food on my plates.
Gusto ko syang suwayin dahil ang mommy kong nakaka wala ng pasensya, nangalumbaba na nanonood sa amin!
Shit na yan! Sure akong kung anu-ano na naman ang pumasok sa isip nyan at tutuksuhin na naman ako kapag umalis na to si Joshua!
"Malapit na palang magtapos si Aleah ano? Kailan ba anak?" Tanong ni Lola.
Napangiwi ako! 4th year pa lang si ate! And since architecture ang kinuha non so five years syang mag-aaral sa college! We didn't know what the future holds! Kung makapagsalita to si Lola parang sure na makaka graduate si ate!
I shrug. Nga naman, matalino yong ate ko tapos hard working at kung anu-ano pang magagandang Character traits kaya baka makapagtapos talaga yon at maging successful! Ako lang naman ang bobo sa kanila eh!
"Oo Ma, kapag na maintain nong batang yon ang grade nya until next school year, running for suma c*m laude yon" proud na sabi ni Mama.
I pursed my lips at tahimik na lang kumain.
Wala eh! Wala ako talino pero mga diskarte, ang dami ko nyan. Bahala sila dyan.
"Ang tatalino talaga ng mga anak ko Althea!" Manghang sabi ni Lolo.
Muntik ko tuloy maluwa ang kinain ko sa narinig. Matatalino ang mga anak huh?...Mga? Wow! Nadamay pa ako. Maganda lang ako oi.
"Oo naman pa! At magaganda pa" Mayabang na sabi ni Mama.
"Kailan pala makakaboyfriend yong si Aleah, anak?" Tanong na naman ni Lola.
"Naku ma! Bawal yong magkaroon ng boyfriend hanggat hindi yon makaka graduate!" Ani ni Mama kaya napangat ako ng tingin sa kanya.
puta? Si ate bawal magka boyfriend tapos ako kulang na lang itapon ako kay Joshua? Abah!
"Nga naman, ang ganda at talino ng batang yon, sayang naman kung maagang makapag -asawa ng maaga! Ganyan nga anak, tiyak na maging pinakamayaman sa mundo pag nagkataon ang batang yon." Tatango-tangong sabi ni Lola.
Napanguso ako. Edi wow, nag e-exaggerate!
Buti ako hindi pinipressure! Kung hindi, baka ang laking g**o pag pinipilit nila ako sa mga bagay na ayaw nila.
May advantage talaga kapag simulat sapol alam na nilang bobo ka! Hindi na sila mag e-expect sayo! Kaysa naman alam na nila na ang talino mo, ang galing mo sa larangang yan tapos sa hinaharap, may makakaharap kay failure, s**t! The disspointment!
You failed, disspointed sila, mga masasakit na salita ang maririnig mo and then crying alone in the dark room. God! Ayokong maranasan yan. Buti na lang talaga naging bobo ako, edi masaya ang buhay ko.
Pagkatapos naming kumain, agad kaming punta sa park sa harap ng bahay nina Lola! Tutulong pa sana ako sa pagliligpit pero tinulak na kami ni mommy! Psh!
"Now what?" Inis kong sabi kay Joshua dahil ang tokmol, tahimik lang nag d-drawing ng kung anu-anong hindi ko maintindihan sa tablet nya.
"Want to help me?" Offer nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Do you think alam ko ang mga yan?" Sarcastic kong sabi.
"Want to learn it from me?"
Napangiwi ako sa sinabi nya. Bahala sya sa buhay nya!
"Not interested! I hate math, I hate drawings, I hate, what do you call that one? Don't know though, bahala ka dyan" mataray kong sabi. He chuckled.
"That's right. Anyway, you have your personal engineer so..."
"Yabang" Alma ko kaagad. He smirked at binaling ang mata nya sa tablet at kung anu-ano na naman ang ginawa.
Hayst!
Pinagcross ko ang braso ko at tamad syang tinignan.
May gagawin pala ang lalaking to tapos pumunta punta pa rito! Nag-aaksaya lang sa oras! Kung sana hindi na sya pumunta punta pa sa dito para lang maghapunan tapos na sana sya ngayon at nagpapahinga na! Bida bida kasi.
"Ayan, gala pa more" I mumbled. Nag-angat sya ng tingin habang ako nakatotok lang sa ginagawa nyang hindi ko maintindihan! Basta ang alam ko lang floor plan ang ginagawa nya.
"Makakatulog lang ako sa bahay. Better be, dito na lang, I am inspired" walang ka silbe silbe nyang sabi. I rolled my eyes.
"Palusot ka pa" maldita kong sabi. He chuckled kaya sinamaan ko ng tingin.
Bakit ba dumaldal tong lalaking to? As far as I remember tahimik, snob, mayabang at seryosong tao to ah?
"Fine, dumito ako para makita ka lang"