"ANO'NG ginagawa natin dito?" kunot noo kong tanong habang tinatanggal niya ang naka-suot na helmet sa ulo ko. "Aakyat tayo doon!" sagot niya at itinuro ang matayog at mataas na bundok. "What? Atlas, seryoso ka ba? Nagpunta ako dito para mag-swimming sa dagat. Hindi para umakyat ng bundok!" galit ko na namang sabi sa kanya. Paborito yata akong galitin ng taong ito e! Nagulat ako sa sinabi niya kaya nakaramdam na naman ako ng inis. Para talaga siyang tanga na bigla na lang nagdedesiyon para sa akin. Ni hindi man lang niya ako natanong kung gusto ko ba umakyat sa bundok na 'yan! "Mas masaya dito kaysa doon, Isla. Bonus pa na kasama mo ako," nakangisi niyang saad sa akin na halata namang inaasar niya ako. "Huh! Talaga lang? Gaano ka kasigurado na masaya ako ngayon dahil kasama kita?"

