MAG-IISANG oras na kaming naglalakad dito sa kagubatan. Nakaramdam na rin ako ng pagod at gutom. At ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakapag-breakfast kanina. May mga nadaanan pa kaming mga sapa at ilog kanina. Sa sobrang linis, parang ang sarap tuloy maligo. Sumagi tuloy sa isipan ko sina Kim. Siguradong nagtatampisaw na sila sa dagat at nagsu-surfing. "Time out muna. Napapagod na ako," hinihingal kong sabi kay Atlas. Yumuko ako at tinukod ang isang kamay sa aking hita habang isang kamay ko ay hawak pa rin niya. Sinubukan ko pang hilahin ito pero mas lalo niya lamang hinigpitan. Pagod na pagod na ang pakiramdam ko, pero ang kasama ko'y hindi man lang mababakasan ng pagod sa kanyang mukha. "Pupwede naman muna tayo magpahinga. Doon tayo sa ilalim ng puno malapit sa

