PAGKATAPOS naming kumain, nagpahinga lang kami sandali at nagsimula na ulit maglakad. Nabusog ako sa mga dala niyang pagkain. It's just a normal food pero masarap. Mayroong menudo, beef tapa, chopsuey at may mixed fruits para sa dessert. At isa pa niluto niya 'yon lahat kaya espesyal para sa akin. Hindi rin ako makapaniwala na nagkaroon pa siya ng oras para magluto para sa aming dalawa. Ang sweet niya talaga. Tahimik lang kami habang kumakain kanina. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako bigla ng hiya sa aking sarili sa pag-amin ko na gusto ko siya. Nahiya rin ako kay Atlas kahit pa hindi ko naman iyon direkta na inamin sa kanya. Nasa gilid pa rin kami ng bangin naglalakad ngayon. Kung kanina ay natatakot ako at nakapikit lang habang naglalakad, ngayon ay hindi na. Tama nga s

