PAGKATAPOS ng ilang oras na paglalakad ay nakarating rin kami sa gitnang bahagi ng bundok na sinasabi niya. Dito ay marami ng tao at may mga tent na nakatayo. Ginabi na kami ng dating at malamig na rin ang simoy ng hangin. Lalo pa rito sa taas na ang lakas ng hangin na parang liliparin na ako. Hindi ko pa rin pinapansin si Atlas. Kanina habang naglalakad kami ay hindi na rin ako nagpahawak ng kamay ko sa kanya. Alam kong nagtataka siya sa inasta ko pero hindi naman siya nagtanong. Naglakad ako nang mag-isa kahit pa madapa-dapa na ako kanina. Nakatulong naman ang hiking pole na binigay niya sa akin kanina. Nagkaisa ang mga kalalakihan na gumawa ng bonfire. Sumama si Atlas sa kanila para maghanap rin ng kahoy. Iniwan niya lang ako dito sa labas ng malaking tent. Sabi niya a

