PAGSAPIT ng linggo maghapon akong nagmukmok dito sa loob ng aking kwarto. Hindi ako lumalabas simula pa kaninang umaga. May stock naman akong pagkain dito sa kwarto ko kaya iyon na muna ang kinain ko. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom. Wala rin akong sa mood lumabas at magpunta kina Kim. I just want to be alone this time. Parang binabagabag ako ng konsensya ko dahil sa mga sinabi ni Atlas sa akin kagabi. Lalo na sa parteng gusto niya lang naman maramdaman ang pakiramdam ng may ama. Doon pinaka nalusaw ang puso ko. He just wants to experience what it's like to have a father, but I am the one hindering him. Sa kabilang banda kasalanan ko ba kung bakit hindi niya naranasan ang magkaroon ng isang ama? Pareho lang namin kami ng sitwasyon. Ako nawalan rin ng ina. Mabuti nga siya b

