"JADE!" masiglang tawag sa akin ni daddy at lumapit siya sa akin para salubungin ako ng yakap. Samantalang ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Atlas. Magkahinang ang aming mata at parehong walang emosyon iyon. Niyakap ako ni dad nang makalapit siya sa akin at humalik sa aking pisngi. "What a surprise, honey. Ano'ng masamamg elemento ang sumapi sa'yo at napadalaw ka sa akin dito?" biro niyang tanong. Nagkibit balikat ako. "Magpapaalam lang ako, dad," sabi ko at binaling ang tingin sa kanya. Nangunot ang noo niya. Kinabahan tuloy ako dahil baka hindi niya ako payagan. "Magpapaalam? Bakit?... saan ka pupunta?" magkakasunod niyang tanong na may pag-aalala at takot sa kanyang tinig. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang takot na dumaan sa kanyang mga mata "It's not what you think

