NANG makarating sa bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Nasalubong ko pa si Manang na kalalabas lang ng kwarto nila Dad at bitbit ang basket na may lamang damit na lalabhan. "Oh, nandito ka na agad? Nagkita ba kayo ni A—" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi niya dahil tuloy-tuloy akong pumasok sa aking kwarto. Ni hindi ko na siya nabati o nasagot sa itatanong niya dapat. Alam kong kabastusan ang ginawa ko kay Manang. Pero hindi ko na talaga kaya. Nawawala na rin ako sa aking sarili at hindi na ako mapakali. Kailangan kong pahupain ang init na nararamdaman ng aking katawan. Nang makapasok sa kwarto ay hinagis ko lang sa kung saan ang bag ko at agad na pumasok ng banyo. Tinanggal ko lahat ng saplot sa aking katawan at mabilis na tumapat sa shower. Napahinga ako ng maluwag

