HINDI mawala-wala ang mga ngiti sa aking labi simula nang makararing ako dito sa school. Sa buong klase yata ay nakangiti lang ako. Mabilis ko lang ding nasagutan ang exam na hindi man lang pinasakit ang ulo ko. I kept glancing at Atlas' jacket that was still wrapped around my waist. My smile widens every time I remember how he put it on me. Na para bang nararamdaman ko pa rin ang pagkakalapit ng katawan naming dalawa kanina. Inaamin ko na kinilig ako sa ginawa niya na ito kanina. Ang ipagluto pa lang ako ng breakfast ay halos magwala na ang sistema ko. Mas lalo naman ito. First time yata na may lalaking nainis dahil sa sobrang iksi ng palda ko. Karamihan pa nga ay gustong-gusto na maiksi dahil sa pamboboso nila. Sobra talaga akong na-a-admire sa mga gentlemen plus caring pa.

