Chapter 6

4016 Words
Madiin ang pagkuskus ni Sam sa gilid ng inidoro. Nasa loob sila ng isang suite at naglilinis ni Aria. Sa banyo siya naglilinis at sa bedroom naman si Aria. Sa housekeeping sila naka assign ngayong linggo at next week naman ay baka sa reception sila. Si Justine naman ay kasalukuyang sa kitchen naka assign. Habang kinukuskos niya ang inidoro hindi niya maiwasang maalala ang nagyari kagabi, ang kamuntikan ng pagkatapos ng bataan. Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaluhod sa tapat ng inidoro. Napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Mariin siyang napapikit ng maalala ang halikan nila ni Ethan. Napangiti siya ng maimagine ang malambot na labi nito sa mga labi niya. " Bwesit bat ang sarap humalik ng mokong na yun." napakagat labing sabi niya. " Sinong masarap humalik?" biglang silip ni Aria sa pintuan ng banyo. Gulat siyang napalingon dito at biglang namula ang buo niyang mukha. " H-ha?W-wala." kandautal niyang sabi sabay iwas ng tingin. Mukhang nakatunog ito na nagsisinungaling siya kaya lumapit ito sa kaniya ng nakahalukipkip at mataman siyang tinitigan. " Anong nangyayari sayo Samuel Luna?" tanong nito. " W-wala nga, bumalik kana dun para matapos na tayo." iwas niya at tinaboy pa ito palabas ng banyo. " May hindi ka sinasabi sa akin eh. Kilala ko yang ganyang hitsura mo." nakalabi pang sabi nito " Dali na sabihin mo na." Napahugot siya ng isang malalim na buntong hininga. Hinubad niyang ang rubber gloves at iginiya ito palabas ng banyo. Wala siyang maitatago sa kaibigan kaya napagpasyahan niyang ishare ang nangyari. Pina upo niya ito sa gilid ng kama habang siya naman ay pabalik balik na naglalakad sa harap nito. " Hoi Samuel Luna nahihilo ako jan sa ginagawa mo! Bat tense ka?" sabi pa nito Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito " Eh kasi si Ethan..Kagabi kasi...." hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan. Takang nakatitig lang ito sa kaniya. " Ano?" Huminga siyang malalim " Nalasing siya kagabi, tapos inuwi namin ni Manong Gener sa condo niya. Tapos naiwan kaming dalawa kasi may binili si Mang Gener. Tapos..." tiningnan niya ang kaibigan. " Tapos ano?" loading ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. " Tapos nakaisip ako ng kalokohan gurl habang tulog siya. Naisipan kong halikan buti na lang hindi natuloy." nakalabi niyang sabi. " Ganun? Eh anong problema mo?Nahuli ka ba?" patay malisyang sabi nito " Tapos nagsuka siya sa banyo...Tapos bigla kaming natumba kasi hinila ko siya na out of balance kami tapos....yun.."ngumuso siya na nakatingin kay Aria. Namilog ang mga mata nito ng marealize ang tinakbo ng kuwento niya. Bigla itong natititili sa loob ng suite. " Baaaaakllaaaaa.Ganda ka gurll?" sabi pa nito nakaharap sa kaniya. " Di nga nag.." ngumuso ito gaya ng aktong naghahalikan." nag kiss kayo?" Kagat labi niyang tinango ang kaibigan. Lalo itong tumili at niyugyuog siya sa balikat! " Samuel Luna! Ang landi mo! hahahahaha" tapos ay walang habas itong tumawa. " Umayos ka nga Aria. Hindi lang naman kiss or smack lang, muntik ng mapahamak ang bataan." nahihiya niyang sabi.Sigurado siya namula na naman siya dahil biglang nag init ang buong mukha niya. Napatakip pa ito sa bibig ng marinig ang sinabi niya " Hoi malandi ka nga!" at dinugtungan pa nito ng malutong na halakhak. " Bat di natuloy?" " Eh kasi, he was kissing my neck...Ehhhhhh Aria basta biglang natigil nakatulog siya sa ibabaw ko." nahihiya niyang kuwento at tinabunan ang mukha ng mga palad. Biglang lumapit si Aria sa kaniya at tiningnan ang leeg niya. " Anong ginagawa mo jan?" takang tanong niya " Looking for kiss marks" sabi nito at pinatingala pa siya. Nanlaki ang mga mata niya ng marealize ang sinabi nito. " Hoi wala naman siguro." Natatawa pa rin ito. Tinitigan siya sa mata " Anong feeling ng mahalikan ng mahal mong Ethan?" nanunudyong tanong nito. Namula siya at nag-iwas ng tingin. Kumibotkibot lang ang labi niya pero walang lumabas na salita doon. " Ayiiieeeee dalaga na ang aming baby gurl." sabi pa nito at inakbayan siya " Sobrang lasing ba niya kagabi?" " Siguro, kasi nakatulog siya eh. Pero Aria paano ako magbebehave pag nagkita kami? Anong gagawin ko?" nag-aalalang tanong niya " Sus, maliit na bagay, kung lasing siya malamang wala yang maalala. Edi magmaldita ka lang. Kasi baby gurl kung maaawkward ka sure ako mahahalata ka nun at tatanungin ka. Kaya mo bang aminin sa kaniya na nag kiss kayo?" " Ano ako gaga? Hindi noh." sagot niya. " Oh, edi wala tayong problema. Basta ako baby gurl happy ako sa wakas nakascore ka din sa Ethan mo." sabi pa nito at bumunghalit ng tawa. Sa inis niya kinuha niya ang unan at hinampas ito. Pagkatapos ay itinuloy na nila ang paglilinis ng suite. Kinagabihan pagka out ay sabay sila ni Aria na lumabas ng hotel. Naiwan si Justine dahil may three hours pa bago matapos ang shift nito. Hindi pa nila nakukwento kay Justine ang nagyari sa kaniya pero sigurado siya magwawala ito. Nasa sakayan sila ng jeep ng may humintong itim na sasakyan. Bigla siyang kinabahan. Sa totoo lang kahit anong gawin niyang pag kondisyon sa isip niya na ideadma ang nagyari kagabi ay hindi niya magawa. Mukhang hindi niya kayang pakiharapan si Ethan ng maayos sa ngayon, hindi siya handa. Bumaba ang bintana sa backseat. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang nakangiting mukha ng Tita Joyce niya. " Sakay na kayo dito." sabi pa nito "T-tita." Kandautal niya na sabi " Tara na punuan ang jeep ngayon." sabi pa nito. Agad na sumakay sila ni Aria sa backseat. Napagitnaan siya ni Aria at ng Tita Joyce niya. Binati niya si Manong Gener pagkapasok niya. " Kaka out niyo lang?" tanong ng mommy ni Ethan. " Opo, puwi na kami." tipid na sagot niya " Kamusta naman ang OJT? Ayus naman?" " Ayus naman po Tita, medyo mahirap po pag na assign sa kitchen or housekeeping pero kakayanin po." si Aria " Ayus lang po." tipid na sagot niya. " Mabuti naman. Sa bahay na tayo maghapunan Sam, Aria." yaya nito " Ay tita, hindi po ako pwede, inaantay po ako ni Mama sa bahay. Next time na lang po." magalang na tanggi ni Aria Nilingon niya ito at pinandilatan. " Sam?" baling nito sa kaniya Pilit ang ngiti nilingon niya ito " Sige po." ' Jusko lerd sana wala po dun si Ethan. Parang awa N'yo na.' dalangin niya sa isip Naihatid na ni si Aria at papunta na sila sa mansion ng mga Montelebano. Pagpasok sa bahay agad niyang inilibot ang tingin. " Okay ka lang Sam?" takang tanong ni Tita Joyce " H-ho?Ah eh ok lang po tita.Si..si E-ethan po?" kabuhilbuhol niyang sabi " Ahhh. hay naku anak, kelan ba dito naghapunan yun. Tayong dalawa lang dito. Maupo ka na muna jan at magluluto ako or kung gusto mo sa study room ka muna tas tawagin na lang kita pag handa na ang hapunan." mahabang sabi nito Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi nito. Napagpasyahan niya na s study room muna mamalagi habang hinihintay tawagin sa hapunan. Pinili niyang maupo sa love seat matapos makapili ng librong babasahin. Ilang beses na din siyang nakapasok sa study ng mga Montelebano. Gustong gusto niya dito dahil maraming collections ng libro ang mommy ni Ethan. Nakatuon ang atensyon niya sa librong binabasa,hindi niya namalayan na may pumasok sa loob ng study. Naka amoy siya ng pamilyar na pabango. Musk and masculine pero hindi masakit sa ilong. Biglang sumasal ang kaba sa dibdib niya. Kinurapkurap niya ang mata ng hindi man lang nag aangat ng tingin. lalo niyang itinuon ang atensyon sa pagbabasa. Bigla siyang nanigas ng may mga mga brasong biglang lumitaw sa kung saan at ipinulupot sa leeg niya. Niyayakap siya ng kung sino man mula sa likod. Mas lalong kumabog ang dibdib niya ng may maramdamang mainit na hininga malapit sa tenga niya. " Anong binabasa mo jan, love?" husky ang boses na tanong ni Ethan malapit sa tenga niya. Nanuyo ang lalamunan niya at hindi siya nakakilos. Nakailang lunok muna siya bago siya kumibo. " A-angles and D-demons." tumikhim siya para iclear ang lalamunan. Sinagot niya ito ng hindi tinitingnan o gumagalaw sa kinauupuan. "Ahhhhhh." sabi pa nito ng hindi man lang tumitinag sa pagkakayakap sa leeg niya. Lalo yatang nanayo ang balahibo niya sa katawan dahil feeling niya pag lumingon siya magkakahalikan sila. Lalong nanikip ang airways niya ng maramdaman ang tungki ng ilong nito malapit sa earlobe niya. " What do you think your doing?' nagulat siya dahil hindi siya nagstammer. 'Jusko lerd mamamatay na ata ako sa pinagagawa ng lalaking ito. Hindi na po ako makahinga parang awa Nyo na, patigilin nyo na po siya.' mariin niyang ipinikit ang mata sa sensasyong hatid ng ginagawa ni Ethan. " Naglalambing po.Gusto ko lang mag ' Thank you' sa kagabi." sagot pa nito Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. Anong sinasabi nitong kagabi? ' Ayan na! Yan na nga ba sinasabi ko eh may naalala kaya tong mokong na to?' Sa kaba niya ay wala sa oras siyang tumayo at hinarap ito. " A-anong kagabi? Anong ibig mong s-sabihin?" kunot noong tanong niya dito. Pero ang totoo ay halos kumawala na sa rib cage niya ang puso niya dahil sa sobrang kaba. Mataman lang siya nitong tinitigan. Tumaas ng bahagya ang gilid ng labi nito akmang ngingiti na parang na aamuse sa hitsura niya. 'Bwesit ka Montelebano mahihimatay na ako sa kaba dito. Umayos ka?' taranta na siya sa isip "Yung kagabi, hinatid mo ko saka inasikaso sa condo ko." sabi pa nito na nakapilig ang ulo " Ahhhh, okay. Akala ko naman kung ano." malaking buntong hininga ang pinakawalan niya 'Wheeeehw buti naman walang maalala.' medyo nakahinga na siya sa sinabi nito " Bakit may ginawa ba ako kagabi na hindi ko alam?" takang tanong nito at nakatitig pa sa kaniya Agad siyang nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa isang shelf para isuuli ang librong hawak " H-ha.W-wala naman. Nag..nag s-suka ka lang." kanadutal niyang sagot.. 'Bwesit wag kang mautal Samuel Luna!' sabi niya sa isip Naramdaman niya na papalapit ito sa kaniya. Umikot siya para maharap ito. Pero mukhang mali ang ginawa niya dahil ilang pulgada lang ang layo ni Ethan sa kaniya. Nagulat pa siya at tiningala ito. " Sure ka?wala akong ginawang kalokohan bukod sa nagsuka ako?" seryosong tanong nito sa kaniya. Ilang beses siyang nag inhale exhale dahil bumalik na naman ang kaba niya. Hindi rin siya kumportable dahil titig na titig ito sa kaniya. " W-wala nga ang kulit." at sinubukan niyang maglakad papunta sa pintuan.Bubuksan na sana niya ito ng hatakin siya nito sa braso at isandal sa pintuan paharap sa binata. Nagririgodon na naman ang dibdib niya.Hindi pa nga siya nakakabawi sa sobrang kaba kanina heto na naman sila sa ganitong eksena. Nakatitig lang ito ng mataimtim sa mga mata niya, waring may hinahanap. Hindi naman niya matingnan ng diretso ang binata dahil naiinis na nahihiya na hindi niya maipaliwanag na dahilan. " Sam." sabi lang nito " Ano?" medyo iritable na siya " Sure ka na wala akong ginawa ha?" paninigurado pa nito. Naisip na naman niya ang nangyari ka gabi. 'Sandali, parang ganito din yung posisyon namin kagabi....'sabi niya sa isip. Ng marealize ang posisyon nila itinulak niya ito bago sinagot " W-wala nga ang kulit. Saka tingin mo buhay ka pa kung meron?" pagkasabi niyon ay dali-dali niya itong tinalikuran at tuluyan na siyang lumabas ng study room. Halos takbuhin niya ang kusina makawala lang sa paningin ni Ethan. ' Bwesit! My ghad ikamamatay ko ata tong ginagawa ni Ethan! Jusko lerd! Papatayin Nyo po ba ako sa kaba? Halos hindi na po ako makahinga!' angal niya sa isip Pupungas pungas pa siyang nakarating ng kitchen. " Anong nangyari sayo anak?" takang tanong ng tita niya " Wala po tita, nauhaw lang po ako bigla." sabi niya habang kumukuha ng baso at tubig. Umiinom na siya ng tubig ng sumulpot si Ethan sa kusina. " Bat mo ako tinakasan love? May kasalanan ka siguro noh?" biro nito pagkasulpot sa kusina. Sa gulat at dahil guilty siya naibuga niya ang tubig mula sa bibig at nabilaukan siya. Agad naman siyang tinakbo ni Ethan at dinaluhan. " Okay ka lang? Ano bang nangyayari sayo?" sabi pa nito habang hinahayod ang likod niya. Nagulat naman ang mommy nito at pinagalitan si Ethan. " Bat kasi ginulat mo yan tuloy! Dalhin mo dun sa dining para makaupo." sabi pa nito. Ubo lang siya ng ubo dahil ang sakit ng ilong niya napasukan ng tubig. Pinaupo siya nito sa dining chair at inabutan ng table napkin. My God ano bang nagyayari sa kaniya. Kinalma niya ang sarili at kalaunan ay natigil na rin siya sa pag-ubo. " Okay ka na?" nag-aalalang tanong ng binata Tumango lang siya. Mayamaya pay inihain na ng Tita Joyce niya nagbniluto nitong ulam. Tinawag nito si Manang Celing at Mang Gener para sabay-sabay na silang kumain. Panay ang kuwento ng Tita Joyce niya habang nasa hapag. Tawa o ngiti or tango lang ang isinasagot niya. Hindi na muna siya masyadong nagsasalita dahil baka masamid na naman siya. Nasa sala na sila at nagkukuwentuhan ng biglang may sabihin ang Tita niya. " Sam, pwede bang dito kayo mag pasko nina Nana at Papu?" pakiusap nito "Po?" nagulat pa siya " Kasi last year dun kami nag pasko sa inyo. Baka gusto niyo dito naman sa bahay namin mag pasko." nakangiting sabi pa nito. Tiningnan nito ang anak waring naghahanap ng back up. Ngumiti si Ethan bago nagsalita. " Ma, ayan ka na naman." " Sige na anak." nakangiting sabi nito sa anak "Sam sige na." parang batang pakiusap nito Nahihiya man pinilit niyang sumagot, " Sasabihan ko po sina Nana at Papu, Tita." Sagot niya at tinapunan ng sulyap si Ethan Maya maya pa ay tumayo na ito at nagsabi " Hatid na kita love, may duty ka pa bukas." Ngumiti siya sa tita niya at tumayo. " Alis na po ako. Maraming salamat po sa masarap na hapunan." niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. " Hmmmm ang sweet talaga ng baby girl ko. Di tulad ng iba jan." parinig na sabi nito sa anak. Natawa si Ethan sa inasal ng ina " Ma, ang oa nyo." " Dito ka na lang matulog Sam, handa na yung kwarto mo dun sa taas." paglalambing pa nito Nakangiting umiling ang dalaga " Next time na lang po tita, hindi po ako nakapagpaalam kay Nana at Papu." Ilang beses pang nagpumilit ang ginang na dun siya matulog sa mansyon bago sila naka alis. Habang nasa biyahe wala silang kibuan. Hindi rin niya alam kung bakit kanina pa parang may nagkakarerang mga kabayo sa dibdib niya. Panay ang buntong hininga niya habang si Ethan naman ay nag concentrate sa pagmamaneho. " Sana pumayag sina Nana at Papu na sa bahay kayo mag pasko." sabi nito kapagdaka. ' Wala ba talagang naaalala ang mokong na to? Baka pinagtitripan ako nito? Kung bakit naman kasi nangyari yun kagabi. Yan tuloy na awkward na ako. Sana lang hindi niya mahalata. Jusko dzaeee di ko na alam talaga!' sa isip niya dahilan na hindi niya narinig ang sabi ni Ethan. " Sam!" tawag nito sa kaniya. "H-ha?" tulirong sabi niya Napakunot noo ito at saglit na tiningnan siya bago binalik ang tingin sa daan " Ayus ka lang? kanina ka pa balisa?" tanong nito " O-oo ayus lang. Pagod lang sa housekeeping." pagdadahilan niya. "Sure ka?Baka may sakit ka?" sabi pa nito at inabot ang noo niya. Iniwas niya ang ulo at nagsabing " Wala nga. Pagod lang to." sagot naman niya. Pagkadating sa kanila ay agad siyang bumaba ng sasakyan at punasok sa loob ng bahay nila. Nakasunod naman si Ethan sa kaniya. Naabutan niyang nasa sala ang dalawang matanda. Nagmano siya at si Ethan sa dalawa. Tinanong ng abuela niya kung naghapunan na ba siya at sinagot nya naman ito. " Papu, Nana niyayaya po kayo ni mommy baka po pwede kayong dun mag pasko sa bahay." sabi ni Ethan Nagkatinginan ang dalawang matanda saka tumingin kay Sam. "Ikaw Sam,ano sa tingin mo? Sa akin ay ayus lang.Caring ikaw ba?" sabi ng lolo niya. "Abay oo naman, masaya din yung pasko natin noong nakaraang taon. Sige sabihan mo si mommy mo apo dun tayo sa inyo mag pasko." nakangiting sagot ng lola niya. " Oh ayan, sabihan mo si tita ok na." sabi pa niya sa binata ng nakangiti. " Thank you po, Nana, Papu." malapad ang ngiting sambit nito. Napangiti na rin siya habang tinitingnan ito. Halata sa mukha nito na sobrang saya nito sa pagpayag ng abuelo at abuela niya sa request ng mommy nito. Habang nakangiting nakatitig dito di niya maiwasan itanong sa sarili kung saan siya dadalhin ng nararamdaman niya para dito. Kung handa ba siya kung sakaling sabihin nito na hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya. Kung kaya ba niyang makita ito sa piling ng ibang babae. The thought of seeing him with another woman pinched her heart. Nasanay siya na siya lang ang inaasar at inaalagaan nito. Simula ng maging magkaibigan sila, malaking parte ng pagkatao niya ang inukupa nito. Silently, taimtim siyang nanalangin na sana balang araw siya ang maging panghabang buhay nito. Araw ng pasko, nasa kwarto niya si Sam at naghahanda dahil mayamaya ay darating na si Mang Gener at susunduin sila. Handa na ang dadalhin nilang kakanin at adobong baboy na niluto niya. Personal recipe niya ang adobo at paborito ito ni Ethan kaya pinag igihan niya ang pagluluto kanina. Nakabihis na siya. Nagsuot siya ng pulang bestida. Simple lang ang cut nito, round neck, may maiksing manggas at a-line ang cut sa ibabang bahagi. Conservative itong tingnan sa harap pero may hugis tatsulok itong hakab sa likod. Exposed ang itaas ng likod niya hanggang sa itaas na bahagi ng bewang niya. Pinaresan niya ito ng nude na strappy sandals. Lahat ng suot niya ay bigay ng Tita Joyce niya. Hindi rin niya kinalimutang isuot ang kwintas na bigay ng binata sa kaniya. Nagpolbo lang siya ng kaunti at naglagay ng liptint. Kinuha niya ang maliit na bag at inilagay ang cellphone at ang isang maliit na pahabang kahon na naglalaman ng regalo niya para sa binata. Pagpasok ng sasakyan sa gate ng mansyion ng mga Montelebano hindi maiwasang mapahanga ng abuela niya sa kagandahang nakikita. Natawa naman siya sa reaksyon nito. Panay naman ang saway ng Papu niya sa bawat sabihin ng Nana niya. Pumasok na sila sa malaking bahay. Agad na sinalubong sila ng ginang ng nakangiti. " Merry Christmas po Nana, Papu!" magiliw na bati nito at salitang niyakap ang dalawang matanda " Merry Christmas din Joyce. Aba, pagkalakilaki nitong bahay nyo?" sambit ng Nana niya "Naku Nana, malaki nga halos wala namang nakatira." nakangusong sagot nito. Binati niya din ito at niyakap. Napansin nito ang suot niya at tuwang tuwa ito. " Oh di ba bagay sayo yan. Isuot mo pa yung iba anak ha tas ibibili pa kita ng marami." sabi pa nito na napapalakpak. Nahihiya namang napangiti lamang siya. Iginiya sila ng ginang sa malawak na sala. Naiwan siya sa sala samantalang ang dalawang matanda naman ay dumiretso sa kusina para ihatid ang dala nilang pagkain. Narinig pa niya ang Tita Joyce niya na nagreklamo kung bakit sila nagdala ng pagkain. Naupo siya paharap sa hagdan. Mayamaya pa ay may nakita siyang pares ng mga paa na pababa mula dito. Gaya ng dati nag slow motion na naman ang paligid. Una niyang nakita ang puting-puting loafers na pababa ng hagdan. Habang pababa unti-unti din niyang nakikita ang pares ng mahahabang binti na may mumunting balahibo. Napalunok siya. Sunod ay ang khaki colored na shorts na hanggang tuhod. May nakita din siyang kamay na may relo na nakapaloob sa bulsa ng shorts. Naamoy na din niya ang musk at masculine na pabango ng taong pababa. Tatlong baitang pa at nakita na niya ang pang itaas na suot nito, pulang polo shirt. Hindi niya alam pero nagsimula na namn siyang atakihin ng kaba. Alam niyang si Ethan ang bumababa sa hagdan. Ang isang kamay nito ay busy sa pagkulikot sa cellphone nito kaya bahagya itong nakayuko habang pababa ng hagdan. Nasa puno na ito ng hagdan nga mag angat ng tingin. Ngumiti kaagad ito ng makita siya. 'Sheeeeeyyyt naman Mahabaging Dyos! Bakit ang gwapo ng kaharap ko.' sabi niya sa isip. Sobrang gwapo nito sa hitsura nito. Malinis na naka-ayos ang buhok nito. Dagdagan pang sobrang lapad ng ngiti nito na nakapagpalabas ng mapuputi at pantay pantay nga ngipin. Hindi niya alam kung humihinga pa ba siya dahil parang nakalimutan na niya. Feel din niya ang pangangatog ng tuhod niya. Hindi rin niya alam kung nakanganga ba siyang nakatitig dito dahil kahit gusto niyang iiwas ang tingin ay ayaw makinig ng mata niya. Titig na titig siya sa nilalang na nasa harap niya. Para ewan din ang ilong niya dahil langong-lango na siya sa naamoy na pabango nito. 'Teka lang naman present ata lahat ng senses ko ngayon? Naka alert mode ata kayo lahat?' sabi niya sa isip " Naks ang gwapo natin ah." tinig iyon ni Papu mula sa kung saan. Tumawa ito at nilapitan ang matandang lalaki at nagmano. Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa kaniya. " Merry Christmas Sam" bati nito sa harap niya. Nakatunganga lang siya dito at hindi siya nakakibo ni hindi nga siya kumukurap. ' Ay yun lang nabingi na si Samuel Luna! Hoy Sam sagot!Pipi ka na rin?' anang isip niya " Luna! Anong nagyayari sayo?" tanong ni Papu. " H-ha?" kukurapkurap niyang sabi sabay iling sa ulo. " Hindi pwede to, hindi ko na kaya." wala sa sariling sabi niya at tumalilis ng takbo papunta sa kusina. " Sam! San ka pupunta?" takang tanong ni Ethan. " Mag babanyo!" sagot niya ng di man lang ito nililingon Hindi niya namalayan nakasunod pala ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Nanigas na naman siya. ' Lord, sorry no pi talaga ayaw ko na ng ganitong pakiramdam...' mangiyak ngiyak niyang sabi sa isip. Dahan dahan siyang humarap dito. Sobra ang kabog ng dibdib niya naririnig na nga niya. Nakakunot ang noo naman ni Ethan na nakatingin sa kaniya. "Ano?!" napapadyak siya ng paa sa fristration " Walang banyo jan sa kusina. Sa kwarto mo sa taas ka nalang mag cr." sabi nito nakakunot ang kilay. " Okay." sabi niya at iniwan ito. Mabilis ang hakbang niya paakyat ng hagdan. Binaybay niya ang hallway sa second floor at binuksan ang ikalawang pintuan sa kaniyang kanan. Pumasok siya sa loob at hindi niya mapugilang mamangha ulit sa nasisilayan sa loob ng silid.Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa kwartong nakalaan para sa kaniya. Pumasok siya sa pintuan sa kanan, iyon ang banyo. Naghilamos siya para mahimasmasan siya sa nararamdama. Hanggang ngayon kasi ay nagririgodon pa rin ang puso niya. " Samuel Luna umayos ka. Hindi pwedeng ganyan ang reaction mo pag nakikita mo si Ethan." kausap niya sa sariling repleksyon. " Kung bakit naman kasiiii eh.." sabi pa niya. Humugot siya ng malalim na hininga at itinuwid ang tayo. " Okay, kaya ko to. Naku girl kayanin mo to!" sabi pa niya at exxage na nag exhale. Lumabas siya ng banyo at tinungo ang dresser. Inayos niya ang kaniyang mukha at naglagay ng kaunting make-up. " Game face on. Hindi pwedeng ikaw lang ang matorture. Focus girl,focus! Fighting!" sabi pa niya sa repleksyon niya. Nang makuntento sa hitsura niya ay napangiti siya. May naisip siyang kapilyahan. Hindi pwedeng siya lang ang maging guilty sa nangyari. Nangyari na ang nangyaring kiss. Hindi pwedeng siya lang ang awkward. Dapat patas sila. Kaya naman sisimulan niya ngayong gabi ang ang Operation Landiin si Ethan. Susubukan niya ang mga pinagtuturong kalokohan nina Justine at Aria sa kaniya para daw mahulog sa charms niya si Ethan. Natawa siya, kahit duda sa sarili ay kailangan niyang subukan ang chance niya. Mukhang isusugal na niya ang kanilang friendship para mapansin din ng binata di bilang kaibigan kundi ka-ibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD