Chapter 7

3131 Words
Nasa veranda siya at nakangiting pinagmamasdan ang mabituing langit. Napapikit siya ng huminga ng hangin, mayamaya ay may naamoy siyang musk at masculine na pabango kasabay ng mahinang mga yabag na papalapit sa kaniya. Umupo ito sa tabi niya. Nilingon niya ito at ningitian. " Moment na moment ah." tudyo ni Ethan sa kaniya " Panira ng moment ka." kunwariy asar niyang sabi at nginitian ito. " Oh juice, hindi ka pwede sa wine anjan sina Papu." sabi nito sabay abot ng baso na may lamang inumin. Tinanggap niya ito at nagpasalamat. Tapos na silang magsimba at mag noche buena. Mag-aala una na ng umaga. Tumingala ulit siya para pagmasdan ang langit. ' Lord, lalandiin ko na po si Ethan. Suntok po sa buwan pero Kayo na po ang bahala.Subok lang naman po, baka sakaling alam Nyo na..madale ko.' dasal niya sa isip. Natatawa siya sa naisip dahil talagang nagpa alam pa siya sa Diyos na lalandi na. Hindi niya napigilan ang sarili at bumunghalit ng tawa. " Ay hala naboang na si Samuel Luna!" takang-taka si Ethan habang nakatingin sa kaniya na parang baliw na biglang tumawa. " Tatawag na ba ako ng doctor?" dugtong pa nito. " Baliw." maiksing sabi niya pero tumatawa pa rin " Baka ikaw, bigla kang tatawa jan. Ano bang hinalo ni Manang Celing dito sa juice?" sabi pa nito at sinipat ang inumin " May naisip lang ako.Masyado kang praning." sagot naman niya " Ano naman?" kunot-noong tanong nito " Akin na lang yun." sagot naman niya. Inabot niya ang kaniyang bag at kinuha mula rito ang regalo para dito. " Merry Christmas Montelebano." nakangiti niyang sabi dito sabay abut sa kahon. " Aba, himala may pa regalo si mayora." sabi naman nito at inabot ang binigay niya. Binuksan nito ang kahon at tumambad dito ang isang fountain pen. Kinuha nito ang panulat at sinipat. Kulay navy blue ito. Sa takip nito ay may nakaukit na initials na CEM at may crescent moon sa huli. " Pampirma mo sa mga documents sa office at marriage contract mo balang araw." sabi niya rito habang tinitingnan ito. Nginitian siya nito " Thank you love." sabi pa nito. " Ikaw tong crescent moon sa dulo?" makatunaw titig na tanong nito. ' Sandali nga ako ang lalandi diba bat parang kung maka titig tong mokong nato.....' sabi niya sa isip " Malamang, may iba pa bang 'Luna' sa buhay mo?" sabi niya at nag irap kunwari. Tumawa ito ng mahina sabay iling. 'Jusko pong mahabagin, bat naging pinakagwapo nito sa paningin ko?Baka di po ako makapagpigil halikan ko to!' sigaw niya sa isip. " Selosa kahit kailan." sabi nito sabay yakap sa kaniya mula sa likod. Ipinatong pa nito ang baba sa balikat niya. Nagsimulang mawalan ng hangin ang baga niya. Bigla rin siyang nanigas sa ginawa nito. Para ding biglang hinahalukay ang sikmura niya na hindi niya maintindihan. ' Nakuuu po, baligtad po ata ang nagyayari Lord! Ako ang lalandi hindi siya di ba?! Di ba?!' taranta na siya sa isip " I like your gift. No, I love it. You'll forever be my Luna. You are Ethans' Luna. Thank you ulit, love." sabi pa nito at hinalikan siya sa balikat. Kinilig naman lahat ng buhok niya sa katawan. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa sinabi nito. Kinagat niya ang ibabang labi para itago ang ngiting sumungaw sa kaniyang mga labi. " Oo na bolero." sabi niya at tumayo para makawala sa pagkakayakap nito. Kanina pa kasi siya hindi makahinga ng maayos, baka himatayin siya sa kilig at kaba. Naka upo pa rin ito sa upuan habang tinitingnan ang regalo niya.Papasok na sana siya ng bahay ng bumalik siya at walang ano-anoy niyuko niya ito hinalikan sa gilid ng mga labi. Nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad nakakilos. Dali-dali naman siyang pumasok sa loob na may ngiti sa mga labi. 'Kala mo ha. Wag ka sanang makatulog ngayon.' pilya niyang sabi sa isip. Pumasok siya ng bahay habang ngingiti-ngiti dahil sa kapilyahang ginawa. Sinalubong siya ng Nana niya at iginiya papunta sa sofa kung saan nakaupong naghihintay ang abuelo niya. " Anak, may regalo kami sayo ng Papu mo. Sana magustuhan mo " masiglang sabi ng Nana niya. Umupo sila at ngayon ay napagitnaan na siya ng dalawang matanda. Tahimik at nakangiting iniabot ng Papu niya ang isang maliit na kahita. Pagkabukas niya sa kahita ay tumambad sa kaniya ang isang gintong singsing. Sa umbok ng singsing ay makikita ang logo ng eskwelahan kung saan siya nag-aaral at ang taon ng kaniyang pagtatapos sa eskwela. " Maraming salamat po, Nana, Papu. Hindi na po kayo dapat nag abala, ayus lang naman po kahit wala na." maluhaluha niyang sabi sa dalawa at salitang niyakap ang matatanda. " Baka pi naubos ang ipon ninyo dito." dagdag pa niya. " Luna, hindi mahalaga sa amin ang pera. Oo at salat tayo sa salapi pero gusto namin ng Nana mo na ibigay ang nararapat ng para sa iyo." nakangiting sagot ng abuelo niya. " Anak, masaya na kami na nakikita kang naabot paunti-unti ang mga pangarap mo. Pasensya ka na din kung ganitong buhay lang ang kaya naming ibigay sa iyo." naiiyak na saad ng abuela niya. " Nana, Papu kung alam nyo lang po kung gaano ako kasaya na kayo ang pamilya ko. Habang buhay ko pong ipagpapasalamat sa Diyos na kayo ang binigay na magulang sa akin. Ayus naman po ang buhay natin ah. Masaya nga eh." ngiti niya sa dalawang matanda. " Basta lagi mong tatandaan anak mahal na mahal ka namin ng Papu mo. Wag na wag mong kalimutan iyon. Lahat ng ito ay para sa iyo. Wag ka sanang magalit sa amin o sa Tatay mo balang araw kung sakaling...." saad ng Nana niya " Caring!" putol ng Papu niya sa sasabihin ng Nana niya. Nag punas ng mata na hilam sa luha ang Nana niya at nag iwas ng tining. Nagtataka naman siya sa sinabi nito. Ano daw? Bakit naman siya magagalit? " Nana, Papu ano pong ibig ninyong sabihin? Bakit naman po ako magagalit sa inyo?" naguguluhang sabi niya. " Hay naku Luna wag mong pansinin yang Nana mo. Nagdadrama lang yan." sagot ng Papu niya. " Ano ka ba Caring, paskong-pasko ay nagdadrama ka diyan." dugtong pa nito. Hindi kumibo ang abuela niya sa halip ay niyakap lang siya nito. Naguguluhan man ay gumanti siya ng mahigpit na yakap dito. " Nana naman oh, nagpaghahalata na masyado sa edad pag ganyang sobrang drama na." biro pa niya dito at hinagod ang likod nito. "Tumigil ka na jan Caring at tayo'y uuwi na. Nakakahiya ka iiyak-iyak ka pa diyan." kumento ng abuelo niya sabay tayo at hinanap ang Tita Joyce niya. Kumalas sa pagkakayakap sa kaniya ang abuela at hinawakan ang mukha niya at ngumiti. " Mahal na mahala ka namin anak.Maligayang pasko." at tumayo na ito at sumunod sa Papu niya. Naiwan naman siyang nagtataka dahil sa itinuran at iginawi ng abuela niya. Sa huli napangiti na lang siya. Abut-abut ang pasasalamat niya sa Maykapal sa mga biyayang natatanggap niya at pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Para sa kaniya napakaswerte niya at may Nana at Papu siya na sobrang mahal siya. May bonus pang mga kaibigan na laging handa at laging andyan pag kailangan niya ng tulong. Si Aria na laging sagot siya sa lahat ng bagay. Si Justine na lagi siyang pinapatawa. Si Ethan...na mahal niya..Bigla siyang natigilan. ' Mahal agad..di pwedeng crush muna or gusto lang muna?' react ng isip niya ' Oh eh akala ko ba lalandiin na natin ng magkalovelife ka na? Bat ngayon feeling shocked ka dyan na mahal mo na?' sagot naman ng maharot niyang isipan. Napisip siya, mahal na nga ba? Papaano kung hanggang kaibigan lang ang turing sa kaniya ng lalaking sinisinta? " Seryoso bakla?!" eksaheradang sabi ni Justine. Nasa isang suite sila at naglilinis. Kinwento ni Aria ang nangyaring halikan nila ni Ethan sa kaibigan. Nagpalipat ito sa housekeeping dahil miss na miss na silang dalawa ni Aria. " Oo nga, dalaga na ang ating baby gurl." sagot naman ni Aria habang nagpupunas ng salamin. Tumigil si Justine sa pagtutupi ng maruming bed sheets. namewang ito at hinarap sila. " Sabi ko naman sayo di ba landiin mo na. Pabebe ka kasi eh, feeling virgin ka din." sabi pa nito Napailing nalang siya sa sinabi nito at pinagpatuloy ang pag vacuum ng carpet na sahig. " Hoi Samuel Luna, makinig ka. Iapply mo na lahat ng tinuro namin sayo kung gusto mong may kahinatnan yang feelings mo kay bebeh Ethan. Hindi na uso ang pa virgin ngayon. Sunggaban mo teh or rapein mo din kung may time. Masyadong pa tweetums yung pa halik halik mo!" mahabang sabi ni Justine Tumigil siya sa pag vacuum at tiningnan ito. " Boang ka! Hindi ko naman alam kung 'the feeling is mutual' noh. Kahiya din kaya kung hindi." nakangusong sabi niya " Ay manhid din gurl?" sagot ni Aria at tinapik pa ang noo niya. Napa aray pa siya. " Seryoso wala ka talagang napapansin?" Kunot noo niya itong tinitigan. Tumabi ito kay Justine at pareho siyang pinamewangan ng dalawa. " Ano?" tanong niya. Tinitigan siya ng dalawang kaibigan. pagkatapos ay nagkatinginan ang dalawa. " Manhid nga ba or sadyang tanga lang?" magkapanabay na sabi pa ng dalawa " Ha?" nagtataka na talaga siya. Ano bang pinagsasabi ng dalawang to. "Feeling ko manhid" sabi ni Justine habang mataman siyang tinitigan habang kay Aria nakikipag-usap. " Hindi, tanga yan" sagot naman ni Aria na nagpatango-tango pa. " Ayus din ah.Invisible ako? Kung makatawag ng tanga at manhid tong mga to!" inis na sabi niya sa dalawa sabay lakad sa pinto. " Ay friend feeling ko both!" eksaheradang sabi ni Justine at kuwari ay humagolgol ng iyak.. Narinig pa niyang sumabay sa hagolhol ni Justine si Aria at nag sabing " Kawawang Samuel Lunaaa!" " Ewan ko sa inyo!" sabi niya at tuluyan ng iniwan ang dalawa sa loob ng suite. Day off niya at kasalukuyan siyang nasa mansyon ng mga Montelebano. Nagyaya kasing magshopping ang mommy ni Ethan and as usual sinama siya nito. Halos buong araw silang nag-ikot sa mall at lahat ata ng stalls ay pinasukan nila. Hindi magkadaugaga si Manong Gener sa pagbitbit sa mga shopping bags kanina. Duda siya na ang mga pinamili nito ay para lahat sa kaniya. Nasa bar counter silang dalawa ng mommy ni Ethan at may tig-iisang baso ng red wine habang nagkukwentuhan. " Anong balak mo Sam pagkatapos ng graduation?" tanong ni Tita Joyce " Kung papalarin po Tita, gusto ko po sana makapagtrabaho agad. Para naman po pag nagkasahod na ay maipasyal ko sina Nana at Papu." nakangiting sagot niya rito. " Magbakasyon muna kayo ni Ethan pagkatapos ng graduation nyo. Mag Hongkong kayo or Singapore. Regalo ko na yun sayo." suhestyon nito. Mabilis siyang napailing. " Naku Tita wag na ho. Saka na lang po yan pag nakaipon na po ako. Saka wala po akong passport." natatawang sabi pa niya. " Ano ka bang bata ka. Regalo ko nga yun sayo. Ako na ang bahala jan sa passport mo. Basta magbakasyon kayong dalawa pagkatapos ng graduation nyo, hindi uubra sa akin yang puro kayo trabaho agad. Enjoy life darling while you're young." mahabang sabi nito " Eh Tita nakakahiya po. Ang dami nyo na pong binibigay sa akin." nakangusong saad niya. " Nonsense! Wala sa akin yun Sam. Masaya ako na binibigyan kita ng kung anu-ano. At saka pag nakikita kong masaya si Ethan kasama ka ay masaya na rin ako." makahulugang ngiting sabi pa nito. Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. Wala sa sariling inisang lagok ang wine na laman ng baso niya. " Anyway may tanong ako." kapagdaka ay sabi nito. " Ano po yun Tita?" tanong niya habang sumusubo ng crackers. Sinalinan nito ng wine ang wala ng laman na wine glass niya. " Wala ka bang nagugustuhan sa school or sa workplace mo?" nakangiting tanong nito. Natigil siya sa panguya at wala sa loob na nilunok ang may kalakihan pang crackers na nasa bibig niya dahilan para maubo siya at mabilaukan. Agad siyang dinaluhan ni Tita Joyce. " Sorry anak, na-offend ka ba sa tanong ko?" nag-aalalang tanong nito Mabilis siyang umiling at uminom ng kaunting wine. " Hindi naman po, medyo nagulat lang." sagot naman niya. " So?" mataman siyang tinitigan nito. Nahihiya at naiilang na napailing siya, " Wala po Tita. Masyado po akong busy sa eskwela." kiming sagot niya Nalungkot naman ang mukha nito. " Ganun ba. Sayang naman. Eh kung may magkagusto sayo saka manligaw. Okay lang ba sayo?" tanong ulit nito. 'Kung anak nyo po why not coconut!' piping sagot sa isip niya. " Naku Tita, sino naman po ang magkakamali na magkagusto sa akin." kunway nahihiyang sabi niya. " Aba anak, maganda ka. Sabi nga ni Ethan may mga nanliligaw daw sayo sa school at pinapadalhan ka ng mga bulaklak. Pati nga si Kenneth gusto ka eh. Kaya laging masungit si Ethan pag nakikita niya na may nagpapadala sayo ng bulaklak." natigilan ito sa mahabang pagsasalita ng ma realize ang sinabi. " Po? Eh lagi naman pong nagsusungit si Ethan sa school." dahilan niya pero ang totoo ngayon lang din nag sink in sa kaniya ang inasal nito noon. Pwede na ba siyang kiligin? 'Posible kaya na nagseselos ito?' aniya sa isip at gusto nang kiligin. ' Nah!Wag muna mag assume gurl. Mahirap na!' saad naman ng kontrabida niyang isip. " Sabagay, suplado talaga yang anak ko. Sa ating dalawa lang yan sweet. Ay hindi, sayo lang ata yan sweet." may panunudyong sabi pa nito. " Hindi po ah. Sweet din po siya sa inyo pero hindi niya lang po pinapahalata." saway niya dito. " Maswerte po ang babaeng mamahalin ni Ethan, Tita pag nagkataon. Mabait po si Ethan, maalaga, gwapo, mabango, may topak nga lang paminsan minsan pero responsable po siyang tao." nakatingin sa kawalan na saad niya pagkatapos ay ngumiti. Hindi niya namalayan na mataman siyang pinagmamasdan ng Tita Joyce niya ng nakangiti. " Kung sakali man pong magkagirlfriend po siya balang araw eh sana magkaibigan pa rin kami." biglang lungkot niyang sabi. Mukhang hindi niya kakayanin na makitang may ibang babaeng inaalagaan si Ethan. " Kung pwede nga lang na ikaw ang maging girlfriend niya." pabulong na sambit nito " Po?" saad niya dito. " Wala. Ang sabi ko sana kasing bait mo ang maging girlfriend ng anak ko balang araw." wika nito. Marami pa silang napagkwentuhan at mukhang malapit na nilang maubos ang isang bote ng wine. Nakaramdam na rin siya ng hilo at medyo tipsy na rin siya. Nagtatawanan sila ng Tita Joyce niya ng biglang dumating si Ethan. " Naks naman, kaya pala hindi nasasagot ang tawag ko busy pala kayong dalawa kaka chismis ha." sabi nito at humalik sa pisngi ng ina nito. Ngumiti lang siya at mapungay ang mga matang tinitigan ito. " Paano mo nalaman na andito ako?" tamad na sabi niya dito. " I'll always find you love." Matamis ang ngiting sabi nito sabay halik sa ulo niya. " Hey, lasing ka na ba?" takang tanong nito ng mapuna ang mamulamula na niyang pisngi at mapungay na mga mata. Tumawa lang siya sabay sabing " Hindi ah. Kaya ko pa ngang maglakad eh." Tumayo siya mula sa bar stool at humakbang para maglakad ng gumewang ang tayo niya. Nasalo siya ni Ethan na agad naman natawa. " Yeah right." sabi nalang nito. " Iakyat mo na yan sa kwarto niya Ethan. Magpapahinga na rin ako. Saka dito ka na matulog anak ha." sabi pa ng mommy niya. " Tita, goodnight po." lasing na sabi niya at humalik sa pisngi nito. " Goodnight din anak." nakangiting sabi nito at niyakap pa siya. Magka akbay silang umakyat sa ikalawang palapag ng mansion. Nakapulupot sa bewang niya ang kanang braso ni Ethan. Ipinulupot din niya ang dalawang braso sa bewang nito at humilig sa dibdib nito habang naglalakad paakyat ng hagdan. " Ang bango naman." Komento niya habang sinisinghot-singhot ang dibdib nito. Hindi niya alam dahil ba sa kalasingan at sobrang lakas ng loob niyang yakapin at amoy-amoyin ito. " Behave love please. You're playing with fire." mahinang saway nito sa kaniya habang humihigpit ang hawak nito sa bewang niya Bigla ang kalabog sa dibdib niya ng marealize ang ginagawa. Kinakabahan siya pero gusto niyang itest kung may epekto din ba kay Ethan ang pagkakalapit nila. Oo at lasing siya pero alam niya ang ginagawa niya. Ngayon niya gustong subukan ang kapilyahan na hindi lasing si Ethan. Nasa tapat na sila ng pintuan ng kwarto niya. Kumalas siya sa pagkakayapos dito at sumadal sa hamba ng pinto paharap sa binata. Nanatili namang nakakapit ang mga braso nito sa bewang niya. Pumikit siya ng mariin at nanalangin. 'This is it pansit Lord. Sisimulan ko na po ang paglalandi. Dalangin ko po ay gabayan nyo po ako.' sambit niya sa isip at gustong matawa dahil sa pinag gagawa. San ka makakakita ng manglalandi na kailangan ng gabay ni Lord? Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan lang si Ethan na nakatunghay pala sa kaniya. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito at niyakap ito. " Buti na lang andyan ka lagi sa tabi ko." pabulong niyang sabi malapit sa tenga nito. Naramdaman niyang nanigas ito at humigpit ang pagkakayapos sa bewang niya. Hindi ito kumibo. Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap dito ng hindi man lang kinalakas ang pagkakalingkis ng mga braso niya sa leeg nito. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya ng makitang gahibla ang layo ng mga labi nila. Nakita niyang napalunok si Ethan habang titig na titig sa mga labi din niya. ' s**t! Itutuloy ko ba? Hahalikan ko ba?' naguguluhan niyang sabi sa isip. Napakagat labi siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Nabahag ata ang buntot niya. " Goodnight?" mahinang sabi na lang niya pero pareho silang hindi gumagalaw sa posisyon nila. Halos pareho din ata silang hindi humihinga. "G-goodnight" halos pabulong na nitong sabi. ' Ah bahala na si batman!' sa isip ni Sam at walang anu-anoy dinampian niya ng banayad na halik ang medyo naka-awang na labi ni Ethan. Naramdaman niyang nagulat ito sa biglaang paghalik niya. Nanigas ito, kinabahan naman siya. Hindi ito gumagalaw. ' Samuel Luna tumakbo ka na! Walang reaction si Montelebano! Magkunwari kang nawalan ng malay! Isalba mo ang face mo gurl! kahiya!' nagpapanic ang utak niya. Kumalas siya sa pagkakahalik dito at akmang tatakas at papasok sa loob ng kwarto niya ng biglang magsalita ito " Not so fast love." sabi pa nito at walang anu-anoy hinaklit siya sa bewang ng isang kamay nito at ang isa naman ay napunta sa leeg niya at mariing sinalakay ng maiinit na halik ang kaniyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD