Xycle POV
"Oh ayan, tig isang daan kayong dalawa." bayad niya sa dalawang lalaki. Oo, tama kayo. Pakana ko lang ang lahat kagabi. Ideya niya iyon gawa ng brilliant mind niya.
"Eto lang?" reklamo ng dalawa.
"Eh magkano gusto niyo? Isang libo? Eh ang panget ng acting niyo kagabi."
"Sabi mo 'wag naming saktan ang lalaki kaya ang naisip namin ay tumakbo na lang." paliwanag ulit ng dalawa.
"Oh siya, siya. Idagdag niyo tong sengkwenta. Oh ano happy? Bahala na kayo kung ano gawin niyo diyan sa pera." napakamot na lang ang dalawa ng ulo bago umalis. Dali dali siyang naglakad papuntang campus nila ng makita niyang papasok pa lang ng gate si Alexander. Sinabayan niya ito sa paglalakad.
~~~~
Alexander POV
Papasok pa lang siya ng gate ng campus nila ng may sumabay sa kanya sa paglalakad.
"Hi boyfie." bati nito sa kanya. Binilisan niya na lamang ang paglalakad hanggang makarating siya sa classroom nila. Umupo ito sa may katabing upuan niya.
"Ang gwapo mo talaga, lalo na sa malapitan." Hindi niya na lamang ito pinansin. Kumuha siya ng libro sa kanyang bag at nagbasa na lamang.
"Class, go back to your proper seats." padabog naman itong umalis sa tabi niya. May seating arrangement sila sa classroom kasi iyon ang gusto ni mam Ramirez. May kasamang lalaki si mam. Nakasuot rin ng uniporme ng tulad sa kanila. Siguro siyang transferee ito. Palihim naman na nagtitilian ang mga kaklase kong babae.
" Good morning class. So, we have here a transfer student from Oxin University and he was belong in this class. Please introduce yourself Mr. Lim." utos ni mam sa transferee.
"Hi I'm Sujie Lim. 16 years of age. I hope we can all be friends." pakilala nito. Halos maglupasay na ang mga kaklase niyang babae ng ngumiti ito.
"Mr. Lim, you can sit beside... amm Ms. Rivero." awtomatik na napalingon ako kay Xycle ng lumapit dito ang transferee at umupo sa tabi nito. Nakangiti ito kay Xycle at ganun din si Xycle dito.
'May pashakehands shakehands pang nalalaman ang dalawa.' Napailing siya at napabuntong hininga sa naisip niya. Ano ba ang pakialam niya sa dalawa. Umiling siya ulit at saka tinuon ang paningin sa harapan kung saan kasalukuyang nagtuturo si mam Ramirez.
~~~~
Sujie POV
"At eto naman ang school canteen, halika bili tayo ng pagkain natin." aya ni Xycle habang hila hila siya nito sa kamay. Nagpresenta ito sa kanya na i tour siya sa buong campus nila. Sa totoo lang ay natutuwa siya dito kay Xycle. Napakakulit nito at... inaamin niyang nakukyutan siya dito. Pagkakuha nila ng tray na may lamang pagkain ay naghanap sila ng mapagpe-pwestuhan nila.
"Ayun, dun tayo kay Alexander. Halika ipapakilala kita sa kanya." turo nito sa lalaking nag iisang kumakain sa may side part ng canteen. 'Baka boyfriend niya.' Hindi niya alam kung bakit nalungkot siya sa isiping iyon.
~~~~
Alexander POV
Himala at hindi siya ngayon ginagambala ni Xycle. Halos araw-araw kasi itong palaging tumatabi at sumasama sa kanyang kumain dito sa canteen kahit hindi niya naman ito inaaya. Hindi sa namimiss niya ito. Naninibago lang kasi siya. Naisip niyang mabuti na iyon, walang maingay at kumukulit sa kanya.
Speaking of... Papalapit ito kasama ang kaklase nilang transferee na si Sujie. Umupo ang dalawa sa may upuan sa harapan niya ng hindi man lang nagtatanong kung ayos lang ba sa kanya na umupo ang dalawa dito. Sabagay, ang lahat naman ng seats at table dito sa canteen ay para naman talaga sa lahat ng estudyante rito. Lahat ay pwedeng umupo at kumain kahit saan nila gustuhin. Pero kahit na.
"Alexander, eto nga pala si Sujie. Sujie, si Alexander, kaibigan ko." Wow, Alexander na ang tawag niya saken, hindi na Lex at kaibigan niya na rin ako, hindi na boyfie. Arghhh!!! ano bang iniisip mo Alexander!?!
"Alam ko." matabang na sagot ko dito.
"Hayaan mo na 'yan Suj. May pagkamasungit talaga yan minsan." Ako pa talaga ang pinapalabas na masama ah. SUJ??? Close agad sila.
Out of place lang ako sa pinag uusapan nilang dalawa. Hindi nga nila siguro alam na nandito pa siya sa harapan ng mga ito at kung makatawa ang dalawang 'to, akala mo silang dalawa lang ang tao dito sa canteen. Tinapos niya na ang kinakain niya at tumayo na para umalis. Ni hindi nga ng mga ito napansin ang pag alis niya sa harapan ng mga ito. Bigla siyang nakaramdam ng inis. Naiinis siya sa sa hindi malamang dahilan. Naiinis siya sa sarili niya.
~~~~
Xycle POV
Napansin kong hindi pumasok si Lex ngayong hapon. Nagtanong tanong ako sa mga kaklase ko kung alam nila kung nasaan si Lex. Nasa student council office daw ito. Naisip niyang baka abala ito dahil malapit na ang school fest nila. Hihintayin niya na lamang ito mamayang uwian.
Dismissal...
"Pano ba 'yan Xycle, mauna na ako sayo, ikaw?" tanong ni Sujie.
"May hinihintay pa ako eh. Ingat na lang pauwi."
"Sige ikaw rin. See you tom." kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang umalis.
~~~~
Alexander POV
Past five na ng mapagpasyahan niyang umuwi. Pagod na pagod siya dahil sa dami ng dapat asikasuhin sa paparating nilang school fest. Siya na lamang naiwan sa kanilang opisina. Nauna nang umuwi ang kanyang mga kasamahan. Pagkaligpit niya ng kanyang mga gamit ay lumabas na siya ng kanilang opisina at linock ito.
Habang naglalakad papalabas ng gate ay may napansin siyang babaeng nakatayo roon. Mukhang may hinihintay ito. Si Xycle. Bumuntong hininga siya bago dere-deretsong lumabas ng gate.
"Boyfie" tawag nito. Alam niyang siya ang tinatawag nito ngunit tuloy tuloy lang siya sa kanyang paglalakad. Napahinto siya ng hawakan nito ang braso niya.
"Boyfie, ang bilis mo namang maglakad. Hinintay nga kita ng ilang oras tapos iiwan mo lang ako." hinihingal na wika nito. Bigla namang nag init ang ulo niya sa sinabi nito.
"Sino ba kasing nagsabi sayong kailangan mo akong antayin." galit niyang wika rito. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito ng humarap siya dito. Gulat ang nakarehistro sa mukha nito. Hindi siguro nito inaasahan na ganun ang magiging tono at reaksyon niya para dito.
" W-wala, gusto ko lang." nakangiting sagot nito at pilit na pinapasigla ang boses at ekspresyon bagaman nautal ito sa kanyang sinabi. Tumingin siya rito ng seryoso.
"Pwede ba Xycle, tama na. Itigil mo na 'to. Itigil mo na yang mga pinanggagagawa mo saken. Walang tayo. Hindi kita type kaya malabong magkagusto ako sayo. Desperada ka na eh. Sinasaktan mo lang yang sarili mo at nakakagambala ka na ng tao." galit na sabi ko. Tiningnan rin siya ni Xycle sa kanyang mata. Nangingilid sa mga mata nito ang mga luhang pilit nitong pinipigilan ibagsak ngunit hindi ito nagtagumpay. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagbagsakan ng mga luha nito na paulit ulit naman nitong pinupunasan gamit ang mga palad nito. Alam niya sa sarili niyang nasaktan niya ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Pero iniisip niyang nararapat lang iyon para itigil na nito ang kahibangan para sa kanya. Subalit bakit nakakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon.
"Gusto kita Alexander. Sa ayaw at sa gusto mo, hindi mo mapipigilang kontrolin ang nararamdaman ko para sayo. Oo desperada ako. Assumera. Pero dun ako masaya Lex, hindi ko naman hinahangad na magustuhan mo ako pabalik. Ang gusto ko lang naman ay hayaan mo akong gustuhin ka. Mahal na nga yata kita eh." Patuloy pa rin ito sa pagluha. Nakaramdam siya ng galit. Hindi para kay Xycle kundi para sa sarili niya. Nagagalit siya sa sarili niya. Tinalikuran niya ito. Hindi na kaya ng konsensya na makita pa itong umiiyak. Nasasaktan siya at nasasaktan din ang puso niya sa hindi niya malamang dahilan.
"Nga pala binilhan sana kita ng fishball kanina. Alam kung paborito mo kasi 'to pero itatapon ko na lang. Alam kung hindi mo naman ito kukunin dahil saken galing." wika nito sabay tapon ng hawak na plastik sa basurahan.
"Huwag ka ring mag alala Lex. Ito na ang huling beses na mangungulit ako sayo. Ito na rin ang huling beses na kakausapin kita. Pramis, hindi na ako ulit pilit na sasama sayo sa canteen kahit ayaw mo naman akong kasabay kumain. Huwag ka ring mag alala, ito na rin ang huling beses na hihintayin kita tuwing dismissal. Sorry sa abala Lex. Sorry." malungkot na wika nito atsaka patakbong umalis.
Humarap siya dito. Malayo na ito. Malayo na sa kanya si Xycle. Doon lang niya lang naramdaman ang pagbagsak ng mainit na likidong umaagos sa pisngi niya. Nasasaktan siya pero mas nasaktan niya si Xycle.
'Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko.'