bc

I'M HIS DESPERATE LOVER (Tagalog) COMPLETED

book_age12+
43
FOLLOW
1K
READ
second chance
student
drama
comedy
bxg
brilliant
campus
highschool
rejected
school
like
intro-logo
Blurb

"Pwede ba Xycle, tama na. Itigil mo na 'to. Itigil mo na yang mga pinanggagagawa mo saken. Walang tayo. Hindi kita type kaya malabong magkagusto ako sayo. Desperada ka na eh. Sinasaktan mo lang yang sarili mo at nakakagambala ka na ng tao." - Alexander

"Gusto kita Alexander. Sa ayaw at sa gusto mo, hindi mo mapipigilang kontrolin ang nararamdaman ko para sayo. Oo desperada ako. Assumera. Pero dun ako masaya Lex, hindi ko naman hinahangad na magustuhan mo ako pabalik. Ang gusto ko lang naman ay hayaan mo akong gustuhin ka. Mahal na nga yata kita eh."- Xycle

chap-preview
Free preview
One
Xycle POV "So Mr. Alexander Garcia is our escort for this school year." Nagpalakpakan ang lahat ng mga kaklase ko ng iannounce ni mam Ramirez ang nanalo sa botohan ng classroom escort. Lalo na ako with matching standing ovation pa. Bebelabs ko 'yan eh, hehehe. "Now for the muse, who wants to nominate?" agad akong nagtaas ng kamay. "Yes Ms. Rivero?" "I nominate myself mam. I, Xycle Rivero will run for that position."nakangiti kong wika. Wala naman sigurong masama kung inominate ko ang sarili ko di ba? "Any nominees?" tanong ulet sa amin ni mam. I raised may hand for the second time. "Yes, again Ms. Rivero?" "I closed the nomination mam. Hindi naman po siguro masama kung isa lang po ang candidate di ba?" tanong ko. "Oo kung okay lang sa mga classmates mo." Tiningnan ko ang mga classmates ko. "Ayos lang po mam." sagot nilang lahat. Thank God, they all agreed. Sa ganda ko ba namang ito, wala na silang karapatang mag inarte. "So our muse for this school year is no other than, Ms. Xycle Rivero." Nagpalakpakan ulit ang mga classmates ko maliban kay Alexander na parang wala namang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Break Time... Dali-dali kong linigpit ang mga gamit ko at sinundan ang papalabas na si Alexander. "Lex, congrats nga pala. Escort siya yiieeee." sabi ko sabay sundot sa braso ng maabutan ko siya ngunit patuloy lang ito sa paglalakad. Ayyy, walang naririnig. "At biruin mo pinili pa ako ng mg classmates natin na maging muse ng klase, ang saya di ba? Hehehe." sabi ko ulit pero hindi pa rin ito namamansin. "Oh sige, sabay na lang tayo sa canteen." sabay pulupot ng kamay ko sa braso nito. Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kamay niya na nakapulupot sa braso nito. "Baka kasi ano, mawala ako." with matching puppy eyes pa ako niyan. Tinanggal nito ang pagkakapulupot niya sa braso nito at tumingin sa kanya ng seryoso. "4 years ka na dito. Imposibleng mawala ka pa." wika nito sa wakas at nagpatiuna na sa paglalakad. "A-alam mo 'yun? Sabi ko na nga ba eh, may pagtingin ka rin saken. Hintayin mo ako boyfie." sigaw ko at saka ito hinabol. ~~~~ "Lex, anong gusto mo dito? Ako kasi gusto ko nitong spaghetti at saka coke." tanong ko dito habang pumipili ng pagkain sa food court ng canteen. Hindi siya nito pinansin at kinuha na lamang ang tray na may lamang burger at ice choco drink. "Isa rin pong burger at ice choco drink. Salamat." dali-dali niyang hinanap si Alexander pagkakuha niya ng tray. Nakita niya ito sa may table na pandalawahan at may kasamang babae. "Excuse me, ako kasi diyan." tiningnan siya ng babae "Can't you see, I'm eating." mataray na litanya ng babae. "Nakikita ko ang ginagawa mo, hindi ako bulag. Aalis ka diyan o ibubuhos ko itong choco drink sa pagmumukha mo at kung hindi mo alam, boyfriend ko lang naman 'yang kaharap mo." wala ng nagawa ang babae kung hindi tumayo sa upuan. Inirapan pa siya nito bago umalis at lumipat ng ibang table. Tsk tsk, takot rin palang mabuhusan ng choco drink eh. Umupo na siya kaharap si Alexander. Napansin niyang kanina pa pala sila pinapanuod ng mga estudyante sa canteen. Umiwas ito ng mga tingin ng tingnan niya rin ang mga ito. Napailing na lamang siya. "Alam ko at alam mo na wala tayong relasyon." malamig na wika nito. "Wala akong alam Lex. Basta isa lang ang alam ko, na meron tayong relasyon at boyfriend kita." nakangiting wika niya rito. Napailing pa ito bago tumayo sa kinauupuan nito. Tapos na pala itong kumain. Hindi man lang siya hinintay at nauna na itong lumabas ng canteen. For now, hahayaan niya na muna itong mapag isa. 'Sa ayaw at sa gusto mo Mr. Alexander Garcia, boyfriend kita at ako ang girlfriend mo.' Tinapos niya na rin ang kanyang kinakain at lumabas na ng canteen. ~~~~ Alexander POV Ala sais na ng makalabas siya sa campus nila. Bilang presidente ng Student Council, ay abala siya sa maraming paperworks at preparations para sa paparating nilang school fest na gaganapin next week. Naisipan niyang maglakad na lang pauwi tutal malapit lang naman ang bahay nila sa paaralang pinapasukan niya. "Tulong! Tulungan niyo ako!". Nakarinig siya ng sigaw ng babae mula sa madilim na eskinita na ilang metro lang ang layo sa kinaroroonan niya. Pamilyar ang boses na iyon. Tumakbo siya papalapit sa eskinita. Nakita niya ang dalawang lalaking hawak hawak ang magkabilang braso ng... Tama nga siya. Kaya pala pamilyar ang boses nito sa kanya. Hawak hawak ng dalawang lalaki ang kaklase niyang pinagpipilitan na may relasyon silang dalawa. Namukhaan niya rin ito dahil sa liwanag ng buwan. Mukhang napagtripan ito ng mga lasing. Bakas sa mukha nito ang matinding takot. "Wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay." singhal sa kanya ng lalaking panot. "Bitiwan niyo siya." walang emosyong utos niya sa mga ito. Lalapit na sana siya sa mga ito ng... Bigla itong magsitakbuhan. Akala pa naman niya ay mapapasabak siya sa bugbugan. Nagulat siya ng bigla siyang niyakap ni Xycle. "Huhuhu salamat Lex. Kung hindi ka dumating ay baka kung ano na ang nangyari saken. Baka balak akong r**e-in ng mga 'yun at iwan na lang na nakahandusay ang kawawa kongkatawan dito huhuhuhu. Kung hindi ka dumating ay baka kinabukasan bangkay na akong matagpuan dito ng mga pulis huhuhuhu." mangiyak ngiyak nitong turan habang sumisinghot singhot pa. Masyado na itong OA at advance mag isip. Bumitaw siya sa yakap nito. Humarap ito sa kanya. "Lex, you are my knight in shining armour. Thank you for saving me. Utang ko sayo ang buhay ko. Halos masuka siya ng biglang lumubo ang sipon nito sa ilong. "Ayy sorry, pahiram nitong panyo mo ah." sabay kuha nito ng panyo sa bulsa ng kanyang pantalon. Sininghutan nito ng sipon ang panyo niya." "Don't worry, lalabhan ko 'to. Isasauli ko na lang sa iyo bukas." sabay lagay ng panyo sa loob ng bag nito. "Alis na ako." akmang tatalikod na sana siya ng hawakan nito ang kamay niya. "Lex, pwede bang magpahatid sayo sa bahay. Nakakatakot na kasi sa daan eh kung maglalakad pa ako ng mag isa. Baka may makasalubong naman akong mga sira ulo." tumango siya rito. No choice naman siya eh, alangan namang hayaan niya itong umuwi mag isa lalo na't babae ito. At baka balikan pa ito ng mga sira ulo kanina. Hindi kakayanin ng konsensya niya kung may mangyaring masama rito. Don't get me wrong. Its just that... Tss, do i need to explain myself? Nah, nevermind. Mabuti na lang at hindi ito nangungulit saken hanggang makarating kami sa kanilang bahay. Which is good. "Salamat sa paghatid. Halika pasok ka sa loob, dito ka na lang matulog tabi tayo." pilya nitong wika. "Joke, masyado ka namang seryoso Lex." Tsup... Nabigla siya ng halikan siya nito sa kanyang pisngi. "Goodnight." kumaripas ito ng takbo papasok sa loob ng kanilang bahay. Napahawak siya sa kanyang pisngi kung saan nito hinalikan. Napabuntong hininga na lamang siya ng mapagtanto niya kung ano ang ginagawa niya. Tumingin muna siya sa bahay ni Xycle bago ito tuluyang linisan para umuwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook