PAUL POV Hindi ako nakasagot ng ilang sandali. Napapabuntong hininga na lamang ako. Pagkakatiwalaan ko ba ang dalawa kong kapatid o makikipag plastikan ako sa kanila. "Anong problema Paul? Matagal kang hindi umuwi rito sa hacienda natin. Na miss ka rin naman ni Michael." "Steven, wag ninyong pilitin ang kuya niyo kung ayaw niya," pag aawat ni papa. "Pa okay lang po," finally nagawa ko ring makapag salita pagkatapos ng ilang sandali. "Mukhang wala naman po silang masamang intensyon kung bakit nila ako gustong kausapin." Matapos naming kumain, hinatid ko muna si Lily sa kanyang kwarto at tsaka ako nagpunta ulit sa sala kung saan ko nakita na naghihintay sila Steven at Michael. Hindi kagaya kanina, ngayon ay parehas naman silang nakangiti sa akin. Para bang walang nangyaring sapakan ka

