LILY POV
Sa nakikita ko sa mukha ni Paul, para bang tumututol siya sa mga nangyayari. Nag usap sila ng papa niya hanggang sa sumilip na ang buwan sa kalangitan at pinalitan ang araw. Sa kwartong ito mismo na kami nagpalipas ng gabi. Nasa labas si Paul, naghihithit ng sigarilyong hindi maubos ubos. Tapos umiinom pa siya ng alak.
Pero ang weird lang. Bakit sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, wala akong kahit na anong nararamdaman para sa kanya. Mabait siyang lalaki at maalalahanin. Kung tutuusin nga, maswerte ako sa kanya. Pinilit ko pa ring tumayo kahit na hindi pa nanunumbalik ang buo kong lakas.
Gusto ko lamang gamitin ang pagkakataon na ito upang makausap ng masinsinan ang asawa ko at para mawala ang agam agam ko tungkol sa nakaraan ko. Kagaya ng kanina, gusto ko sanang yakapin siya sa likod kaya lamang bigla itong nagsalita.
"Lily, please pumasok ka sa loob at magpahinga. Masama sayo ang mapagod. Naninigarilyo pa ako, mamaya pa ako papasok sa loob."
Humarap siya sa akin. Tinapon niya ang sigarilyo sa lupa at tinapakan ito.
"Pwede ba tayong mag usap saglit? May ilang bagay lang akong gustong linawin na alam kong ikaw lang naman ang makakasagot. At tsaka tamang pahangin na rin dito sa labas."
"Anong gusto mong pag usapan nating dalawa?" tanong niya.
Tumabi ako sa kanya at napatingin din ako ibaba ng malawak nilang hacienda. "May pamilya pa ba ako bukod sayo?"
"Wala na. Sa kasawiang palad, wala ka nang pamilya dahil lahat sila ay namatay sa sunog dati. Ako na lang ang nag iisang pamilya mo," paliwanag niya habang nakatingin din sa kawalan.
Nalungkot ako sa sinabi niya sa akin. Gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang tungkol rito. Naramdaman ko na lamang ang tapik ng kamay niya sa akin.
"Wag kang mag mabahala. Nandito lang naman ako, kayang kaya kong gawing kumpleto ang buhay mo. Lalo na ngayong magkakababy na tayong dalawa at magiging tagapagmana nang hacienda ni papa. Mabibigyan ko na kayo ng magandang kinabukasan."
Napayakap ako sa kanya at tuluyan na akong humagulgol ng iyak. Masakit man pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na wala na akong uuwiang pamilya. Ramdam ko naman ang pagmamalasakit niya sa mahigpit na yakap niya sa akin.
Mabuti na lamang at nandito si Paul upang alalayan ako. Muli siyang nag kwento sa akin ng kumalas siya sa pag kakayakap.
"Alam mo naaalala ko pa noong bata pa ako, madalas akong maglaro sa baba ng hacienda kasama yung mga anak ng mga katulong namin. Madalas kaming nagtatakbuhan at naglalaro ng tagu taguan sa mismong baba ng hacienda. Tapos titigil lang kami kapag darating na si Madam Helen. Yung totoong asawa ni papa. Masungit kasi ang babaeng yun. Ang tawag niya nga sa amin ay mga hampaslupa."
"Grabe! Nakaka kaba naman kapag nakadaupang palad ang babaeng yan. Sa kwento mo pa lang, kontrabidang kontrabida na ang datingan niya."
"Sinabi mo pa! Palagi naman siyang ganyan, palibhasa kasi mayaman sila at siya ang nagpapasahod sa aming mga tinatawag niyang hampaslupa. Di niya alam, mabaho rin ang tae niya at mapanghi rin ang ihi niya."
"Hahahah!" ang malakas kong tawa.
"Oh bakit naman? Totoo naman ang sinabi ko eh, may nakakatawa ba? Tao lang siya na maarte at feeling niya lahat ng tao ay kaya niya gawing alila dahil mayroon siyang pera. Di niya naisip na tao rin siya at darating din ang panahon na ibabaon siya sa lupa. Ang buong akala ko nga patay na ang tao na yan eh. Totoo nga talaga yung kasabihan nila, matagal mamatay ang isang masamang damo."
"Relax ka lang! Anak ka rin naman ni Sir Thomas at mayroon ka ring karapatan na tumira rito. Hindi mo naman kasalanan na naging anak ka sa labas. Kaya kung sakali mang dumating siya rito, wag mo na lang pansinin ang mga sinasabi niya-"
"Wag palampasin ang sinasabi niya para sa sarili ko pero hindi para sa papa ko. Ngayon na nandito na ako, hindi ako makakapayag na alipustahin lamang siya ng sarili niyang pamilya."
Nakakatuwa lamang na nagiging matapang na si Paul. Samantala, bigla namang tumulo ang malakas na ulan sa labas kaya pumasok na lamang kami. Sakto namang mayroong kumatok sa loob.
"Kakain na raw po sabi ni sir Thomas," nakangiting sabi ng kasambahay.
"Pwede bang dito na lang tayong kumain?" hinain ko kay Paul.
"Ha? At bakit naman?" nagtatakang tanong niya.
"Baka kasi mag away na naman kayong magkakapatid. Mainit pa ang sitwasyon kaya sana ay tayo na lamang ang umiwas sa gulo," paliwanag ko kay Paul.
"Nako Madam. Ang gusto po kasi si Sir Thomas ay palaging kumpleto ang buong pamilya niya kapag kumakain," pagsingit naman ng yaya.
"Wag kang matakot Lily. Ako ang bahala sayo, pinapangako ko naman na hinding hindi ako magsisimula ng gulo lalong lalo na't nandito si papa."
Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami. Sa sala, marami na namang mga pagkain nag nakahain. Grabe, ganito ba sila araw araw? Parang ang sarap sarap pala talagang tumira sa ganitong lugar. Tila ay nananaginip lamang ako... at ayaw ko nang magising pa.
Tumabi kami ni Paul sa papa niya. Samantalang dumistansya naman ang mga kapatid niya sa kanya. Sana talaga ay wala nang gulo sa pamilyang ito.
Lumingon sa akin si sir Thomas, "Lily, wag kang mahihiya, asawa ka ng anak ko at buntis ka. Pwede mong kainin lahat ng gusto mo rito. Pero kung mayroon kang gusto na wala rito, pwede tayong magpa order," sambit niya.
Samantala, napatingin naman sa akin sila Steven at Michael dahil sa gulat nila.
"Ano pa? Buntis siya?" kunot noong sabi ni Steven.
"Oo buntis ang asawa ni Paul at plano ko silang maikasal pag dating ng mama Helen ninyo. Dapat lang na maging bago ito dahil magkakaroon na ng bagong Montreal."
Halatang halata ko ang pagkasuya sa mga mukha ni Steven at Michael sa kanilang narinig mula sa bibig ng kanilang ama. Feeling ko tuloy ay responsable rin ako mga nangyayaring ito.
"Paul, we want to have a moment with you later!" sambit ni Michael, "At pangako ko sayo, kakausapin ka namn ng masinsinan. Walang mangyayaring gulo!"