LILY POV
"Enough! Sa tingin mo ba hindi namin kayang ipagtanggol ang sarili namin ha? Sampid ka lang sa bahay na ito, dapat ay marunong kang lumugar!"
"Kuya, hindi naman ako sumisipsip kay papa at alam ko naman po ang lugar ko sa pamamahay na ito!" pagdepensa ni Paul sa kanyang sarili.
Tuluyan na silang nag away sa harapan ni Sir Thomas. At sa tindi ng sigawan nila ay bigla na lamang akong hinimatay.
Pagkagising ko ay nasa isang silid na naman ako. Nakita ko ang nurse ni Sir Thomas na kinakausap ang asawa ko. Dahil sa masama pa rin ang pakiramdam ko, nahihirapan akong marinig kung ano man ang pinag uusapan nila.
-------------------------
-------------------------
PAUL POV
Medyo masakit pa rin ang mga pasa sa mukha ko dulot ng pag aaway namin ng mga kapatid ko. Hindi ko na sila balak patulan pa pero hindi ko kinakaya ang pag mumura nila kay Papa. Noong wala siguro ako rito ay ganito na nila kung tratuhin ang papa ko.
Naawa naman ako kay Lily, nadadawit lamang siya sa gulo ng pamilyang ito. At ngayon, nag aalala ako sa kalagayan niya dahil sa bigla na lamang itong hinimatay.
"Magtapat ka nga sa akin Paul! Ano ba ang totoong nangyari sa asawa mo?" tanong ng nurse.
"Ahhh..."
"Mayroon siyang head injury. Trust me, alam ko na maaaring nagkaroon siya ng memory loss because of that. Matagal na akong nurse at marami na akong patients na na encounter before akong nakapag trabaho kay sir Thomas."
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na patay na si Lily at ang babaeng kasama ko ay nakita ko lamang sa simenteryo. Magiging komplikado ang lahat kaya naman kailangan ko lang piliin ang mga sasabihin ko sa kanya.
"Actually tama po kayo. Ganyan din po ang sinabi ng doctor na tumingin sa kanya nitong nakaraan. Naaksidente kasi ang asawa ko at wala akong pampagamot sa kanya kaya wala akong ibang choice kung di ang dalhin siya rito."
"Okay fine! Dapat ay sinabi mo ito kanina sa papa mo dahil matutulungan ka niya. And besides, may isa ka pang dapat na malaman sa nangyari."
Kumunot ang noo ko ng mas naging seryoso ang mukha ng nurse.
"At ano naman po yun?"
"Base sa initial check up ko, buntis ang asawa mo! Pero kailangan pa rin niyang mag take ng pregnancy test upang ma confirm. Kaya ipag pasalamat mo na lang na walang masamang nangyari sa bata nang maaksidente siya."
Halos manginig ang tuhod sa kaba ng marinig ko ang sinabi niya sa akin.
"What?"
"Oh bakit para ka yatang gulat na gulat? Mag asawa kayong dalawa, nakatira sa iisang bubong, imposible namang walang nangyayari sa inyo. Nasa tamang edad na rin naman kayo para mag asawa. Alagaan mong maigi ang mag ina mo dahil sila ang kayamanan mo."
Fuck! Gusto kong sumigaw! Gusto kong ibalik si Lily sa Manila at isuko na sa mga pulis, ngayon hindi ko alam kung posible pa ba akong makalabas sa ganitong klase ng sitwasyon. Mukhang mayroon nang asawa itong babaeng nakaratay sa kama.
Subalit nasa harapan ako ng nurse. Hindi pwede na ipakita ko sa kanya na nagugulat ako sa mga nangyayari. Kailangan kong magpanggap na maging masaya.
"Talaga?! Grabe, hindi ako makapaniwala na magiging tatay na ako."
Ngumiti naman siya sa akin, "Congrats! Pero sana maging sapat nang dahilan ang baby ninyong dalawa para magpakasal kayo. Maganda na rin yan habang buhay si sir. Suggestion lang naman. Tawagin mo na lang ako kapag kailangan, kailangan ko nang painumin ng gamot si sir."
Pag alis niya, tumambay muna ako sa balcony. Nakatingin ako sa malayo, tulala dahil napapaisip na ako sa mga posibleng mangyari. Aakuhin ko ba ang anak ni Lily o itatakwil ko siya upang maghanap ng iba? Pero pag tinakwil ko siya, paano kung delikado pala ang buhay niya?
Nalilito na ako sa gagawin ko. Ang hirap pala ng nasa ganitong sitwasyon, marahil ito na rin ang karma ko sa pagsisinungaling ko sa kanya. Naging makasarili ako at ipinagkait ko ang katotohanan sa babaeng ito.
Isang yakap mula sa likod ang naramdaman ko.
"Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo ha?"
Lumingon ako at nakita ko si Lily. Nakayapak lamang siya ng paa.
"Teka lang... dapat nagpapahinga ka sa kwarto ngayon di ba?"
Napangiti lamang siya, "Okay lang ako wag kang mag alala. Sorry nga pala kung nahimatay ako kanina."
"Ha? At bakit ka nagsosorry sa akin? Hindi mo naman kasalanan ang nangyari..."
Hinawakan ko ang kamay niya, "Tara na, pumasok ka na sa loob para makapag pahinga ka."
"Siya nga pala... hindi ko sinasadyang marinig ang sinabi sa akin ng nurse kanina."
Parang tumigil sa pag t***k ang puso ko sa sinabi ni Lily.
"Alin doon ang narinig mo?" tanong ko matapos ang ilang sandali.
"Lahat! At masaya akong malaman na buntis ako sa una nating anak. Pramis, gagawin ko ang lahat para ingatan ang sarili ko."
Bago pa ako maka react, dumating si papa kasama ang nurse.
"Congratulations sa inyong dalawa! Pwede na kayong ikasal!" napangiti si Papa sa amin.
Itinago ko muna ang lungkot sa aking mukha gamit ang isang maaliwalas na ngiti. Para tuloy akong isang wolf na nagpapanggap bilang isang tupa. Ang sama na ng tingin ko ngayon sa sarili ko. Mas naging komplikado na ang sitwasyon namin.
Lumapit siya sa amin at gusto ko na rin siyang kausapin ng masinsinan.
"Pa, sorry po pala ulit sa nangyari kanina ha? Hindi ko po sinasadya na magkaroon ng gulo. Nasasaktan lang ako sa mga sinasabi ng mga kapatid ko sa inyo. Kung saakin lang, kaya kong tiisin ang mga sinasabi nila. Pero sa inyo po, ipagtatanggol ko kayo kahit na anong mangyari."
"Maraming salamat, Paul pero hindi mo na kailangan pang gawin ang bagay na 'yan. Mag focus na lang kayong mag asawa sa magiging kasal ninyo lalo na't magkakaroon na kayo ng anak."
Kasal? Seryoso ba ang naririnig ko ngayon?
"Anak, yan lang ang tanging gusto kong mangyari sa ngayon! Ia arranged ko ang magiging kasal ninyo dito sa hacienda kapag dumating si Helen. Gusto ko na masaksihan niya rin ang pag iisang dibdib ninyong dalawa ni Lily."