LILY POV
Mas lalo akong kinakabahan sa sitwasyon lalo na kay Paul. Hindi ko man siya matandaan sa alaala ko, nakikita ko naman sa kanya na isa siyang mabuting tao. At kung kaharap na niya ngayon ang mga taong nag alipusta sa kanya dati, kailangan na mas ipakita ko sa kanya ang pag suporta ko.
"Pa!" nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ni Paul, "Patawad kung ilang taon akong nawala! Kung ilang taon akong naging rebelde. Pinili kong mabuhay mag isa at malayo sayo-"
"Wag mong sisihin ang sarili mo anak! Kung tutuusin, ako naman talaga ang mayroong matinding kasalanan sayo. Kahit na anak kita sa labas, dapat ay itinuring kita bilang buong anak dahil sa akin ka rin nanggaling. Para lang sa kaalaman mo, mayroon akong inatasan para hanapin ka. Pero ngayong nandito ka na, masaya na ako dahil mabibigyan na rin kita ng porsyento sa mga mamanahin mo."
"What?" ang sabi pa ng isang lalaki, "Dad, you can't do that! Michael and I worked really hard para lang sa mga mamanahin namin sa inyo. And now we are going to give him share just because he appeared!" pag rereklamo pa niya.
"Steven, kapatid niyo pa rin siya kahit na magkaiba kayo ng nanay. At anak lang kita kaya wala kang magagaw sa desisyon ko. Lahat kayong magkakapit ay bibigyan ko ng tag iisang hacienda. At itong lupa ko, ibibigay ko ito kay Paul, end of conversation," mariing sabi ni Sir Thomas.
Tama lang pala ang desisyon ni Paul na umuwi rito sa Batangas dahil magiging maginhawa na ang buhay naming dalawa. Umalis na sila Steven at Michael. Natira kaming apat sa loob kasama ang nurse ni Sir Thomas.
"Pa, maraming salamat po sa inyo! Pero feeling ko, sobra naman kung ako ang magmamana ng haciendang ito. Tama ang sinabi nila Steven at Michael, sila ang naghirap para rito."
Ngumisi si Sir Thomas, "Hindi totoo ang sinabi ng mga kapatid mo! Kung ano ang naririnig mo sa kanila kanina ay puro kasinungalingan. Wala silang ginawa kung di ang uminom, magpa party at waldasin ang pera ko upang bumili ng mga pansarili nilang mga luho. Kagaya sila ng stepmom mo na nasa ibang bansa ngayon."
"Si tita Helen?"
"Nakatakda siyang umuwi sa susunod na buwan. Mayroon lamang akong pina asikaso sa kanya sa France."
Bakas ko kaagad ang takot sa mukha ni Paul nang marinig niya ang pangalan ng kanyang tita. Siguro talagang naging malupit ito noon. Hinawakan naman ni Paul ang kamay ko.
"Siya nga po pala pa, si Lily, ang asawa ko. Dalawang taon na po kaming magka live in dalawa," pagpapakilala niya sa akin.
Tiningnan ako ng papa niya mula ulo hanggang paa. "Aba! Mukhang bata ka pa iha, ilang taon ka na?"
Nako! Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil sa nawalan ako ng memorya.
"25 po," sagot ni Paul.
Nagpapasalamat naman ako dahil sa niligtas ako ng asawa ko.
"Alright! Pumunta tayo sa labas, magkakaroon tayo ng celebration dahil sa dumating ka na sa mansyon ko!"
Natutuwa ako sa ngitian ni Paul at nang kanyang ama. Mukhang wala na ngang lamat ang relasyon nila. At ngayon, tsaka lamang sumagi sa isipan ko ang mga tanong kagaya ng may pamilya pa ba ako at wala bang naghahanap sa akin sa Manila. Alam ko na si Paul lamang ang makakasagot ng mga ito kaya tatanungin ko siya pag nagkaroon ako ng pagkakataon.
Samantala, natuloy ang pag uusap namin sa labas. Sa mismong sala na may mahabang lamesa, dito kami nakaupo. Sobrang dami ng mga pagkain na nakahain sa amin. Mga gulat, prutas at mga ulam na mababango ang amoy. Ang swerte ko naman pala sa asawa ko.
"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ni Paul sa akin, "Ipaghahain kita."
"Kahit ano," sagot ko.
"Siya nga pala," pagputol ni sir Thomas sa amin, "Mag live in partner lang ba kayong dalawa o kasal kayo?" tanong niya.
"Pa, hindi po kami kasal ni Lily subalit nakatira kami sa iisang bubong. Mahal po namin ang isa't isa at soon, baka mangyari na po ang kasalan," sagot niya habang nakatingin siya sa akin.
Sa mga titig pa lang niya, nararamdaman kong mahal na mahal niya ako. At kung sakali man na alukin niya ako ng kasal, papayag naman ako ng walang pag aalinlangan.
"Siya nga pala anak, ano ang nangyari sayo sa Manila?"
"Mahirap po ang buhay sa Manila. Sobrang mamahal ng mga pagkain. Bawal talaga ang tamad sa lugar na 'yun kasi walang magiging asenso ang buhay. Nagawa ko mang mapagtapos ang sarili ko sa college, malas pa rin pag dating sa trabaho kasi puro sisante ako. Kaya nga napagtanto ko na hindi talaga sa akin ang Manila."
"Tama 'yan. Mahirap naman talaga ang trabaho sa Manila. Pero humahanga ako sayo dahil sa angking sipag mo. Hindi ka kagaya ng dalawa mong kapatid na puro asa na lang sa hingi. Hinihintay nga yata nila akong mamatay bago nila kamkamin lahat ng meron ako. Kaya mabuti na lamang at dumating ka."
"Ganyan ba talaga kasama ang tingin mo sa amin Dad? Mana lang ang habol namin sayo kahit na kami ang nagpapakahirap na magtrabaho sa labas?"
Lumingon ako sa pintuan, si Michael ang nagsalita at kasama niya si Steven. Pumasok sila sa loob at naupo sa harapan namin ni Paul.
Hindi kami umimik mag asawa.
"Dad, you know what, you always thought that we are not good kids just because our mom taught us how to be tough. No matter what happens, tatay ka pa rin naman at kung wala ka ay wala rin kami rito sa mundo. So please, stop that non sense," dagdag pa ni Steven na napasandal sa upuan niya.
Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Baka magkaroon pa ng gulo sa mansyon nila.
"Pero ngayong dumating na ang kapatid ninyo, mababantayan na niya ako!"
Tiningnan nila ng masama si Paul.
"Pa relax lang po, sa tingin ko naman ay hindi naman talaga kayang gawin ni Steven at Michael ang bagay na yan eh," pagtatangol ni Paul sa mga kapatid niya.