CHAPTER 6

1013 Words
PAUL POV "Malapit na lang ba ang bahay ninyo?" tanong ni Lily. "Medyo malayo pa nang kaunti. Kailangan nating sumakay ng tricycle para makarating tayo sa loob ng subdivision. Kaunting tiyaga na lamang," paliwanag ko pa sa kanya. "Gusto mo bang tulungan na kitang mag bitbit? Parang nahihirapan ka kasi?" nag aalalang sabi niya. "Okay lang ako! Lalaki naman ako kaya sanay akong magbuhat." Pag punta namin sa traysikelan, medyo parang naninibago siya sa mga nakikita niya. Sa kutis pa lang kasi niya, halatang hindi naman siya isang probinsyana. Nang umusok pa ang traysikel, bigla pa siyang inubo. "Takpan mo lang ang bibig mo," sambit ko sa kanya. "Boss saan po kayo pupunta?" tanong ng traysikel driver. "Sa hacienda po si Thomas!" sagot ko. "Nako boss!" napakamot siyang bigla sa ulo, "Kaya ko lang po kaying ihatid hanggang sa bungad ng mansyon niya. Ipinagbabawal na po kasi sa loob ang traysikel." "Wala naman pong problema!" "Ano po palang sadya niyo sa kanya? Mamamasukan po ba kayo?" pag uusyoso niya. "Oo boss, okay lang ba na medyo bilisan natin kasi kailangan magpahinga ng misis ko eh." "Bayad po pala muna boss, bago tayo magpunta! Baka wala kasi akong panukli mamaya eh." Nag abot ako sa kanya ng isang daan tapos hindi na niya ako sinuklian. Hinayaan ko na lang kasi baka gipit din siya.Binaba niya lang talaga kami sa bungad ng mansyon ni papa. Naglakad lang kami ng kaunti hanggang sa marating namin ang tapat ng mansyon ni papa. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Makikilalan niya kaya ako? Ano kayang sasabihin ng step mom ko? Tatanggapin ba nila ako bilang pamilya nila o ituturing nila ako na parang isang alipin ulit kagaya ng dati? Bumalik naman ako sa realidad ng mapakapit ng mahigpit si Lily sa braso ko. Nawala bigla yung kaba ko ng makita ko ang maamo niyang mukha. "Relax ka lang! Siguro naman na miss ka ng papa mo." "Salamat Lily. Siya nga pala, wala ka pang memories ng nakaraan nating dalawa kaya kapag tinanong ka nila, sabihin mo lang 2 taon na tayong kasal. Wala pa tayong anak at nagli live in tayong dalawa. Okay?" Tumungo lang siya sa akin. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang isang matandang guard. Feeling ko nga ay bago lamang siya rito. Tapos mukha pa siyang masungit. "Sino kayo?" tanong niya, medyo napalakas siya ng boses. Sa mga tingin pa lang niya sa amin, sa tingin ko ay iniisipi niyang mga masasamang tao kami. "Baka po pwede niyo kaming papasukin. Ako po si Paul, yung dating lumayas na anak ni Thomas Montreal. Nandito na po ako ulit kasama ang asawa ko." Napangiti naman siyang bigla at pinapasok kami ni Lily sa loob. Mabuti na lamang at sinabi ko kaagad na anak ako dahil baka abutin pa kami ng hapon dito sa labas. "Nako Paul, mabuti na lamang at dumating ka! Alam mo bang hinahanap hanap ka ng papa mo? Walang araw na hindi ka niya binabanggit dito." "Kaya nga po eh! Pero wag po kayong mag alala, hindi naman po mana ang habol ko kaya ako bumalik rito. Gusto ko lang po sanang magtrabaho kasi wala na po kami tutuluyan ng asawa ko sa Manila." "Bakit naman? Anak ka rin naman niya ah?" "Anak sa labas," dismayadong sabi ko. "Pero okay lang po ba kung samahan niyo kami papasok sa loob?" "Oo naman! Pero siya nga pala, naka wheelchair na ang papa mo ngayon. May katandaan na rin kasi siya at hindi na masyadong lumalabas sa kanyang kwarto. At tsaka hindi naman porket ikaw ang anak sa labas, hindi na 'yun nangangahulugan na wala ka nang mamanahin rito." "Grabe ang lawak ng mansyon ng papa mo Paul. Hindi ko lubos akalain na ganitong buhay ang iniwan mo sa probinsya," namamanghang sabi ni Lily. "Talaga? Kaya lang, anak lang ako sa labas eh. Kaya malabo na ako ang magmana ng mga nakikita mo," "Yan ba ang asawa mo? Marunong kang mamili ng babae ha!" bulong ng guard. Ngitian ko lang ang guard. Sinamahan na niya kami sa loob ng mansyon. Napakalawak nito at mas naging moderno ang disenyo. Malayang malayo sa dati nitong hitsura. Marami ring mga kasambahay sa loob at kanya kanya sila ng linis. Nang makita nila kami, nagbulungan silang lahat. Napakapit na lang tuloy si Lily sa akin. "Wag mo na silang pansinin," sambit ko. "Si papa naman ang pinunta natin dito at hindi sila." Sinamahan kami ng guard sa loob hanggang sa mapunta kami sa isang silid. Kumatok ang guard at pinag buksan siya ng pinto ng isang magandang nurse. Tiningnan niya kaming dalawa ni Lily. "Sino po sila Mang Edwardo?" "Ang nawawalang anak ni Sir Thomas!" Binuksan ng nurse ang pinto. Bumungad sa amin ang isang matandang naka wheelchair. Mayroon siyang dalawang kausap na dalawang lalaki na sa tingin ko ay halos ka edaran ko lamang. Sa pakiwari ko, sila ang totoong mga anak ni papa. Bagamat hindi ko sila gaanong nakakasalamuha noon dahil sa madalas akong nasa bukid. Samantalang sila naman, madalas silang naglalaro kasama ang iba nilang mga mayayamang mga kaibigan. At nang makita ko ang mga suot nila, halos manliit ako sa sarili ko. Mas probinsyano pa ang dating ko kaysa sa kanila sa totoo lang! "Pasok po kayo!" nakangiting sabi ng nurse. Iniwan na kami ng guard at pumasok kami sa loob. Si papa, puting puti na ang buhok niya. Ang tanda tanda na niya at nakakalungkot lamang isipin na naka wheelchair na siya. Ilang taon na rin mahigit ang lumipas mula noong hindi na kami nagkita. At hanggang ngayon, aaminin ko na mas nanaig ang pagmamahal ko sa papa ko kaysa sa tampo. "Sino ka?" tanong ng isang matangkad na lalaki. Lumapit siya sa akin ng may seryosong mukha. "Don't tell me you are that f*****g guy... na anak ni Dad sa labas at lumayas dito ilang taon na ang nakakalipas?" "Michael stop that!" pag aawat ni papa. Tinulak siya papalapit ng nurse sa akin. Kinakabahan ako, hindi alam kung ano ang sasabihin niya sa akin. Papalayasin ba niya ako o tatanggapin sa loob ng mansyon niya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD