PAUL POV
Kinabukasan naman, 4 am pa lang ay kumpleto na ang isang maleta at isang bag na puno ng gamit naming dalawa ni Lily. Mahirap man pero kailangan na naming umalis. Yung natitirang dalawang libo na ipapambayad ko sana sa renta ng bahay, wala akong ibang choice kung di gamitin ito bilang pamasahe namin pauwi sa probinsya.
Bago ko gisingin siya gisingin, hinanda ko muna ang makakain naming dalawa. Pritong itlog lang na ginisa sa kamatis ang uulamin naming dalawa ngayon. Tapos yung kanin, ininit ko lang kasi wala nang pambili ng bigas. Ginising ko siya ng maihanda ko na ang lahat.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi at nagising na siya kaagad. Nginitian ko siya.
"Good morning Lily, handa na ang almusal nating dalawa. Pwede na tayong kumain."
Mabuti na nga lang at nagawa niyang maibangon ang sarili niya sa kama. Nagkaka lakas na siya kaya nagawa niyang kumain mag isa. Ginamit ko na rin ang oportunidad na ito upang magsalita sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin ng seryoso, "Bakit? Ano ang gusto mong sabihin?"
"Lily, di ba nabanggit ko sayo nitong nakaraan na kailangan nating umuw ng probinsya? Eh, ayaw ko sanang madaliin ang pag uwi natin pero kapos na talaga tayo rito. Kaya kailangan na nating umuwi ngayong araw."
Napangiti siya sa akin, "Wag kang mag alala, papayag naman ako sa gusto mong mangyari. Pwedeng pwede naman tayong umuwi ngayong araw. Kung saan tayo mas magiging komportable, masaya na ako."
Nakakatuwa lang na nakuha ko na rin ang loob niya sa wakas. Ang buong akala ko pa naman ay mahihirapan akong kumbinsihin siya. Pero mali ako, madali lamang siyang kausapin.
"Pangako ko sayo Lily, tutulungan kita na maibalik ang memories mo."
"Okay lang. Ang importante naman rito, hindi mo ako iniwang mag isa sa gitna ng mga pinag dadaanan ko."
Nginitian ko lamang siya. Pagkatapos naming kumain, nakantanggap ako ng text muli kay Mang Tani.
"Papunta na kami sa bahay mo. Patawad iho, kailangan lang kitang iligtas mula sa kapahamakan!"
Halos mataranta ako sa nabasa kong text. Kaagad kong nilagay ang cellphone sa bulsa ko.
"Anong nangyari? Bakit para yatang naaaligaga ka?" tanong ni Lily.
Lumapit ako at tiningnan ko siya ng diretso sa mata, "Makinig kang maigi sa akin Lily, kailangan na nating umalis ngayon dahil baka maiwanan tayo ng bus. Mahirap na at baka hindi tayo makaalis ng maaga. Nahakot ko na naman ang mga gamit natin, wala ka nang iintindihin pa."
Kinuha ko kaagad lahat ng mga gamit namin, kahit na nahihirapan akong mag bitbit, tiniis ko lang. Mas maigi na ito kaysa naman sa pagbuhatin ko si Lily. Alam ko na mahina pa ang katawan niya at hindi pa niya kayang magbuhay ng mga mabibigat na bagay.
Pag labas pa lang namin ay naririnig ko na ang wang wang ng mga pulis. Gusto ko sanang gamitin yung motor ko para makatakas kami kaya lamang ay inarkilahan ko lang din ito. No choice, dumaan kaming dalawa sa bakod ni Lily at tuluyan na naming nilisan ang bahay ko.
Bagamat masasabi ko na biglaan lahat ng nangyari, ipinagpapasalamat ko pa rin na hindi nila kami naabutan sa akto. Sakto naman dahil ma bus pa Batangas kaagad kaming nakita ni Lily. Hinawakan ko ang kamay niya at umakyat kaming dalawa.
Ngayon, makakahinga na ako ng maluwag dahil wala na kami sa masalimuot na buhay dito sa Manila. Napaka hirap mag survive sa pang araw araw. Mabuti pa sa probinsya, kapag may tanim ka lang sa bakuran ng bahay, hindi ka na magugutom pa.
Bigla siyang sumandal sa akin. Grabe, sobrang bilis lamang ng pangyayari. Kung tutuusin, ilang araw pa lamang kaming magkasama subalit ganito na kaagad kalalim ang tiwala niya sa akin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Pwede ka munang matulog sa balikat ko kung gusto mo. Alam ko na puyat ka, sorry kung ginising kita ng mas maaga."
"Okay lang naman," nakangiting sabi niya pa, sabay sandal sa balikat ko.
Sa nakikita ko naman sa kanya, isa siyang mabuting tao kaya napapa isip na lang din ako kung bakit siya ginanito ng ibang tao. Ano ang naging kasalanan niya?
Habang mahimbing siyang natutulog sa balikat ko, isang text message na naman ang natanggap ko galing kay Mang Tani.
"Bahala ka na sa buhay mo iho. Panindigan mo ang ginawa mong ito, naging makasarili ka at ipinagkait mo ang babaeng yan sa pamilya niya," ang sabi niya sa text.
Dinelete ko na lamang ang mensahe niya sa akin at dinelete ko na rin ang number niya. Gusto ko na lang maging payak ang magiging buhay naming dalawa ni Lily. Kung sakali man na bumalik ang alaala niya, aaminin ko naman ang totoo at pinapangako ko sa kanya na hindi ko ipagkakait ang katotohanan sa kanya.
Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe, napansin ko na para siyang giniginaw sa lamig. Malakas kasi ang aircon ng bus kaya pinahiram ko muna siya ng jacket ko. Nagising naman siyang bigla.
"Malapit na ba tayo?" tanong niya.
"Medyo malayo pa tayo kaya pwede ka munang matulog hangga't gusto mo. Gigisiningin na lang kita kapag malapit na tayong dalawa."
"First time ba nating uuwi sa Batangas?"
"Oo, uuwi tayo sa Mansyon si papa! 10 years na rin kasi simula noong umalis ako, paano anak lang naman niya ako sa labas at sobrang galit sa akin ang step mom ko dahil wala raw akong karapatan na magmana ng kahit ano sa ari arian nila. Noong una nga akala ko ay papanigan ako ng papa ko pero hindi, mas nanaig sa kanya yung stepmom ko. Kahit nga anak niya ako, naninilbihan pa rin ako sa pamilya niya at yung pinapangkain ko sa araw araw, yun yung sinasahod ko sa pag tatanim sa hacienda niya."
Kahit ilang beses ko sabihin ang bagay na 'to, masakit pa rin sa akin ang nangyari. Siguro matutuwa ang stepmom at papa ko dahil sa hindi ako nagtagumpay na maging independent. Na kinakailangan ko pa ring sumandal sa kanila para mabuhay ako.
Mahigit dalawang oras din ang itinagal ng biyahe naming dalawa kami nakarating sa Batangas.