4

1026 Words
PAUL POV Halos maudlot ang pag uwi ko sa probinsya dahil sa nangyaring trahedya sa babaeng ito na nakita ko. Hinahawakan ko ang kanyang mukha. Hawig na hawig niya talaga si Lily. Subalit hanggang ngayon naman ay hindi ko mapagtanto kung bakit siya ginanito ng ibang tao. Habang hinahawakan ko siya, unti unting dumilat ang kanyang mga mata indikasyon na mukhang magaling na siya. Kaagad akong tumayo, sakto at nagpapainit ako ng noodles para sa breakfast. Kailangan kong mag tipid ngayon lalo na't kailangan kong umuwi ng probinsya para makapag trabaho. Pagbalik ko naman ay naka sandal na siya sa kama, tulala at halatang naninibago sa mga nakikita niya. Paglapag ko ng mangkok, tsaka ako umupo sa higaan. "Mabuti naman at gising ka na. Ilang araw ka ring walang malay." Lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng ilang sandali. Ngumiti ako kahit na kinakabahan ako sa seryosong titig niya sa akin. "Sino ka? Nasaan ako?" Kagaya ng inaasahan ko, ito ang mga una niyang itatanong sa akin pagkagising niya. Sasagutin ko na sana siya ng bigla itong magsalita muli. "Teka... sino ba ako?" Halos matulala na lamang ako sa gulat dahil sa kanyang sinabi. Saglit lang, bakit hindi niya kilala ang kanyang sarili? "Wala ka bang naalala sa nangyari sayo?" tanong ko sa kanya. "Wala..." ang tanging nasagot niya, napahawak pa siya sa kanyang ulo. Halatang bigla itong sumakit. "Wait lang... wag mo munang pwersahin ang sarili mo kung wala ka pang naaalala." Samantala, bigla naman siyang napalingon sa nakadikit na picture naming dalawa ni Lily bago pa siya mawala. "Teka lang? Ako ba ang babaeng kasama mo sa picture?" tanong niya. Napalingon ako sa picture at napa isip. Oo nga, pwede kong palabasin na mag asawa kaming dalawa. Uuwi naman ako sa probinsya, siguro hindi naman kami matutuntong dalawa. Bilang gusto ko pa ring buksan ang puso kong magmahal, siguro ay okay na kung siya na ang papalit sa asawa ko. "Oo ikaw ang nasa picture! Ikay si Lily ang asawa ko. Pero naaksidente ka nang namamalengke ka kaya nawala ang memorya mo." Pinagpawisan ang noo ko sa sinabi ko. Hindi ko na alam kung tama pa ang pag gawa ko ng kwento pero sinasabi ng puso ko na panindigan ko ang pagsisinungaling ko. "Aksidente?" "Wag kang mag alala, ang sabi sa akin ng doctor, magiging maayos din naman ang kalagayan mo. Medyo malala lang daw ang head injury mo. Pasasaan pa't magiging maayos din ang lahat." Para makasigurado ako na makukuha ko ang tiwala niya, hinalikan ko pa siya sa kanyang kamay. Narinig ko naman na kumalam ang sikmura niya. "Kumain ka na habang mainit pa ang noodles na inihain ko para sayo," sambit ko sa kanya. Sumunod naman siya sa gusto kong mangyari. Kumain siya at halata ko na gutom na gutom siya. Subalit, pagkatapos ko siyang pakainin, direthasahan na akong nagsalita. "Siya nga pala Lily, kailangan nating umuwi sa Batangas sa biyernes. Wala na kasi akong trabahong naghihintay dito sa Manila kaya kailangan na nating umuwi." "Pero paano ang memorya ko? Saglit lang... naguguluhan ako sa nangyayari. Paano tayo nagkakilalang dalawa?" "Two years na tayong kasal Lily, pero wala pa tayong anak dahil hindi pa natin kayang magkaroon ng sariling pamilya. Kaya lang, kailangan na nating umuwi ng probinsya dahil mas giginhawa ang buhay nating dalawa doon." Bahala na talaga kung nagsisinungaling ako sa kanya. Ang sa akin lang, gusto ko siyang maging asawa dahil kamukhang kamukha niya talaga si Lily. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pagsisinungaling kong ito subalit dapat ko na itong panindigan. Sinagot ko lahat ng naging tanong niya sa akin. At sa bandang huli, mukha namang nakumbinsi ko siya na talagang mag asawa kaming dalawa dahil sa wala talaga siyang maalala. Nang kinagabihan ding ito, habang siya ay natutulog at nagpapahinga, sinamantala ko na ang pagkakataong ito upang tawagan si Mang Tani. Siya lamang ang makakapag paliwanag sa akin ng mga nangyari. Sinigurado ko naman na hindi ako maririnig ni Lily dahil dumistansya ako sa kanya. "Hello Mang Tani," wika ko. "Kamusta Paul? Bakit ka napatawag? Kamusta na yung babaeng tinulungan mo?" "Heto! Mabuti naman at nagising na siya. Kaya lang may malaki pa po siyang problema eh," nag aalalang sabi ko. "At ano naman yun?" tanong niya. "Nawalan po siya ng memorya sa nakaraan. Siguro matindi nga talaga ang head injury niya kagaya ng sinasabi ninyo." "Kaya nga kung ako sayo, dalhin mo na siya sa hospital dahil sila ang mas makakatulong sa kanya ngayon. Marami namang mga murang clinic jan kaya pwedeng pwede kang magpunta." "Pero natatakot din kasi ako, paano kung hinahanap na siya ng pamilya niya?" "Kung ako sayo Paul, wag mo na sana itong patatagalin pa dahil habang tumatagal, mas lalo mong inilalagay ang sarili mo sa kapahamakan." "Basta po... yun lang naman ang tinawag ko sa inyo. Magandang gabi na lang." Kaagad ko siyang pinatayan ng tawag dahil ayaw ko nang marinig kung ano pa ang mga sasabihin niya sa akin. Kung hindi siya magiging sang ayon sa mga plano ko, mas maigi na lang siguro na wag ko na lamang tanungin ang opinyon niya. Lumalim na ang gabi subalit nanatiling tulog si Lily. Grabe, kahit na ilang beses ko siyang tingnan, hindi ko pa rin makakaila na isa siyang magandang babae. Sayang nga lang, siguro kung nagkakilala kami sa mas maayos na paraan, baka hindi ako maging makasarili sa kanya. Muli akong nakatanggap ng mensahe mula kay Mang Tani, isang balita na labis kong ikinatakot. "Maniwala ka sa akin Paul, ikapapahamak mo ang ginagawa mo. Mas maigi pa na dalhin mo muna siya sa hospital at sasamahan kita sa Police Station, pero pag hindi mo pa yan ginawa bukas, pasensyahan na lamang tayong dalawa dahil ako na ang gagawa nito." Nako! Mukhang seryoso si Mang Tani sa kanyang sinabi. Pero mas maigi na lamang siguro kung itatakas ko na lamang si Lily bago pa mahuli ang lahat. Mali rin pala ako ng taong nilapitan ko dahil isusumbong niya rin pala ako. Nag impake na ako ng mga gamit na dadalhin naming dalawa ni Lily, bago pa sumikat ang araw, aalis na kami sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD