HANNAH POV
Bata pa lamang ako ay immune na ako sa mga drugs kaya nga dati nang muntikan na akong kidnappin, nagpanggap lang ako na hinimatay subalit nang may pagkakataon ako ay tumakas na ako. Hindi ito alam ng parents ko kasi hindi ko naman sinabi sa kanila.
Subalit ngayon, pakiramdam ko ay labis akong nahihilo pero ang diwa ko ay aware sa mga nangyayari! Ang pagbitbit ni David sa akin papunta sa silid at ang pag gapang ng kanyang kamay sa aking mukha papunta sa aking dibdib.
Kahit naubos ang lakas ko, pinipilit kong kumalas at itulak siya papalayo sa akin. Subalit mas nanaig ang lakas niya kaysa sa pagnanasa ko na makawala.
"You have been paid so enjoy it," ang mahinang bulong niya na nagpatayo sa mga balahibo ko.
"Anong binabalak mo sa akin?" ang mahinang tugon ko, pinipilit kong ibuklat ang mga mata ko subalit nananaig ang hilo ko.
Naramdaman ko na lamang na iginapos niya ang aking kamay at paa sa apat na sulok ng higaan.
"Wag po! Wag po!" pagmamakaawa ko pa sa kanya.
Sa kabila ng pagmamakaawa ko, nagpatuloy lamang siya sa ginagawa niyang panghaharass sa katawan ko.
---------------------------
---------------------------
PAUL POV
Nandito ako sa simenteryo ngayong araw, nakabilad sa tirik ng araw habang patuloy ang pagluha ko dahil sa pagkawala ng asawa ko nang magkaroon ng sunog ang hospital.
"Lily, miss na miss na kita!" ang bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa puntod niya.
Ang sakit sakit, tagos pa rin sa puso ko ang hapdi ng pangyayari. Wala akong nagawa upang pigilan ang nangyari, ngayon, balak ko nang umuwi ng Batangas, lunukin ang pride ko dahil walang wala na rin akong pera. 20 years ago na rin ako noong lumayas ako at nabuhay mag isa.
Subalit ngayon, kailangan kong bumalik dahil wala nang saysay ang pag i stay ko rito sa Manila. Subalit papauwi pa lang ako ng biglang may isang puting van na dumating. Naging masama ang kutob ko, wala pa namang katao tao ngayon sa simenteryo.
Sa hindi kalayuan, huminto ang puting van at bumaba ang limang mga lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng itim sa buo nolang mga katawan. Mga matatangkad sila at nakasuot ng maskara. Lalong tumindig ang balahibo ko sa kaba. Sino kaya ang mga ito at bakit para yatang naaligaga sila.
Nag obserba lamang ako sa mga nangyayari hanggang sa maya maya, mayroon silang binaba. Hindi ko na masyadong makita ang mga nangyayari. Nang umalis na ang van, dali dali naman akong nagtungo rito doon at nakita ko na isang babae ang nilapag nila.
Duguan siya at wala nang kamalay. Punit punit rin ang kanyang saplot. Natatakot ako sa mga mangyayari, sino ang mayroong kagagawan nito sa inosenteng babaeng kagaya niya? Bakit ito ginawa sa kanya? Subalit dahil sa takot akong makialam at hindi ko siya kilala, mas maigi na sigurong hayaan ko na lamang na ibang tao ang makakita sa kanya.
Paalis na sana ako ng biglang may humila sa pantalon ko.
"Tulong..."
Lumingon ako at nakita kong dumilat ang mga mata niya. s**t! Mas lalo akong nagulat dahil hawig na hawig niya si Lily lalo na nang lumuluha siya. Wala na akong pakialam pa kung madamay man ako sa sigalot na kinasasangkutan ng babaeng ito, basta ang nasa isip ko lamang ngayon, kailangan ko siyang iligtas sa bingit ng kamatayan.
Naka motor lamang ako ng dinala ko siya sa kay Mang Tani, ang isang doctor na nawalan ng trabaho dahil lamang sa nagkamali sa operasyon sa kanyang pasyente. Ngayon nagpunta ako sa barong barong na bahay niyang gawa pinagtagpi tagping kahoy.
Kumatok ako at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Oh Paul? Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang napadalaw rito?" tanong niya.
"Mang Tani, kailangan ko po ng tulong ninyo. Hindi ba't dati pa po kayong doctor?"
Napabuntong hininga siya ng malalim, "Matagal na akong wala sa serbisyo."
"Please Mang Tani, kailanga ko lang po talaga ng tulong ninyo ngayon. Mayroon akong babaeng nakita kanina, duguan po siya pero buhay na buhay siya."
"Ha?" bigla siyang nabuhayan ng loob sa kanyang pagsasalita, "Sige dalhin mo siya rito."
Sinunod ko naman siya. Dinala ko ang babae sa loob ng kanyang bahay at nalunasan naman niya ito. Mabuti na lamang at may kilala akong doctor na kagaya niya dahil kung hindi, baka mamatay ang babaeng ito. Hawig na hawig niya talaga ang dati kong asawa.
Umabot ng anim na oras ang gamutan sa babaeng ito bago lumabas si Mang Tani para kausapin ako.
"Nakakalungkot ang sinapit niya, saan mo siya nakita? Sino ang humalay sa kanya?"
"Sa simenteryo po! Mayroon pong van na huminto sa simenteryo kanina at tsaka po nila tinapon ang babae na parang basura. Naaawa nga po ako sa sinapit niya kung hinalay man siya."
"Kailangan ko pa siyang obserbahan ng ilang araw para malaman ko kung ano ang iba pa niyang nararamdaman. Sa ngayon, yung head injury niya ang pinaka malala sa lahat. Tatapatin na rin kita, wala akong equipment na kayang gumamot sa head injury niya sakaling mas lumala pa ito. Sa ngayon, temporary aid lang ang naibigay ko sa kanya. Kailangan ko rin kasing mapigilan ang pagdurugo. Bukod doon, yung mga natamo niyang ibang pinsala sa katawan dulot ng bugbog ay kusa namang gagaling sa loob ng ilang araw."
Ngitian ko siya, "Maraming salamat po sa inyo Mang Tani, utang na loob ko po sa inyo ang buhay nang babaeng 'yan."
"Doctor pa rin naman ako at mabuti na lamang ay tanda ko pa kung paano gumamot ng pasyente. Subalit magtapat ka nga sa akin, bakit ako ang tinakbuhan mo? Pwede mo sana siyang dalhin sa hospital dahil baka may pamilya siyang maghahanap sa kanya."
Napailing ako, "Pasensya na po kayo... isasauli ko naman siya sa pamilya niya sakaling gumaling siya. Pero hangga't hindi pa siya magaling, baka pwedeng dito na lang po siya pansamantala?"
"Nako Paul! Mahirap ang sinasabi mo. Parehas pa tayong mapapahamak niyan."
"Pangako ko po sa inyo, kapag nagising po siya at naging okay, ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkita sila ng pamilya niya."