LILY POV Naging interesado akong bigla sa sinabi niyang ito. "Talaga ano naman ang napag usapan ninyo?" tanong ko. "Nag offer sila sa akin ng 20 million para lang umalis na raw tayo sa lugar na ito subalit mas matalino pa ako sa inaasahan nila kaya hindi ako pumayag sa gusto nilang mangyari." Nakakatuwa ang prinsipyo ni Paul kaya naman bilang asawa niya sobra akong proud. "Mabuti naman pala kung ganoon. At least kahit papaano, naging mas matalino ka lang sa pagpili ng desisyon. Siguro tama ka rin sa sinabi mo kanina. Wag na lang natin papansinin ang dalawa mong kapatid." "Talaga! Pero ang kinakatakot ko lang naman ay ang pagbalik ng evil stepmom ko. Sigurado ako na gagawin niya ang lahat para lang mawala ako ulit sa buhay ni papa at sa haciendang ito. Si papa naman..." Hindi na m

