LILY POV Kinabukasan, isang matamis na halik sa labi ang nagpagising sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Paul na nakatayo sa harapan ko. Bagong ligo pa siya at nakasuot ng sando. "Good morning!" nakangiting sabi pa niya sa akin. "Good morning din!" sagot ko sa kanya. "Anong oras na?" tanong ko pa. "10 am na ng umaga. Ayaw sana kitang gisingin kaya lamang ay hindi ka pa kumakain." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nagising na kaagad ang diwa ko. "Tara kain na tayo sa labas. Hinahantay ka rin ni Dad. Ang sabi niya, sabay sabay na raw tayong kumain." Kaagad akong bumangon sa sinabi niya sa akin. Nahihiya talaga ako sa papa niya, ako na lang pala ang hinihintay bago sila kumain. Paglabas ko ay nakita ko naman si Sir Thomas at dalawa niyang anak na sila Steven

