PAUL POV Kinakabahan ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Paano kung mabuking ako ng doctor na nagsisinungaling? Paano kung iba ang sabihin niyang assessment kay Lily? Hindi ako makahinga ng malalim dahil sa mga posibleng mangyari. Makalipas ang ilang minuto, nagsalita na ang doctor. "As I can see, malala ang head injury ni Lily at kailangan siyang dalhin sa hospital upang masuri ko siyang maigi," paliwanag pa ng doctor. Lalo akong nayamot sa narinig ko mula sa kanya. Akala ko pa naman, pang isang araw lang ang problemang ito subalit mali ako! Pag dating ng hapon, umalis na ang doctor at next week ng Monday, kailangan namin ni Lily magpunta sa clinic niya upang masuri siya at para na rin madala siya sa Obgyne. Gusto ko na nga siyang ibalik sa Manila dahil wala na rin naman si

