PAUL POV Sa isip ko, madala lamang itong sabihin subalit mahirap gawin. Sukdulan na ang kasamaan sa akin ng mga kapatid ko. Samahan pa ng mama nila na nangungunang kontrabida sa buhay ko. "Sige po pa. Bago dumating ang lawyer niyo pa, mabibigyan ko na po kayo ng kasagutan sa tanong ninyo," nakangiting sabi ko sa kanya. "Sige! Gusto kong sabihin mo yan sa harap ko, ng lawyer ko at dalawa mo pang kapatid. At wag na wag kang matatakot sa kung ano man ang sasabihin nila kasi nandoon naman ako. After all, decision ko pa rin ang mananaig at wala silang magagawa kaagad." Sapat na ang sinabi ni papa upang makampante ako. Hinatid ko na siya sa kanyang kwarto at paglabas ko naman ay nagulat ako dahil nasa harapan ko na sila Steven at Michael. Nakasandal pa sila sa dingding at matalas nanaman a

