PAUL POV 12 pm na at ang lahat ng mga bisita ay naghihintay na sa pagdating ni Lily subalit 30 minutes na ay wala pa rin ito. Nasaan na kaya siya? Labis labis na akong nagtataka sa mga nangyayari. Napatingin naman ako kela Michael at Steven na nakatayo sa isang gilid. Dinidistansya nila ang kanilang mga sarili sa akin. Parehas silang nakangisi sa akin na para bang nagtagumpay sila sa kanilang pinaplano. Alam na alam ko na ang mga karakas nila. Naiinis ako, hind naman kasi ako dapat papayag na magsama sila Lily at ang evil kong step mom. Kaya nga lang, masyadong mapilit si Lily at sinabi niya na siya na ang bahala sa kanyang sarili. At ngayon, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko dahil sobra na akong natutuliro. Di malaman kung ano ang aking gagawin. Walang selpon si Lily kaya s

