LILY POV Mabigat sa loob ko na magsalita laban kay Paul. Hindi ko talaga magawang magalit sa kanya sa ginawa niyang pagtatakip ng katotohanan sa akin pero yung hindi ko nararamdaman na may pakialam pa siya sa akin, ito yung nagpapabigat ng kalooban ko ngayon. "Sorry tapos na tayong dalawa. Hanggang dito na lang ang tulong mo. Hinding hindi mo na ako makikita pa!" sinend ko ito ng mabilisan, walang dobleng pag iisip pa na kailangan kong gawin. "Pero bakit ayaw mong sagutin ang tawag ko? May problema ba?" text niyang muli sa akin ngunit ayaw ko na itong replyan pa. Saktong 8 am ng may natanggap na akong tawag galing sa number ni David. Alam ko na ito na ang tamang panahon para magkausap laming dalawa. "Hello miss Lily?" ang bungad niya sa akin, napangiti ako ng wagas. Ngayon ko lang

