LILY POV Nag traysikel ako papunta sa labas ng aming village. Napabuntong hininga na ako ng malalim, ngayon mag isa na ako. Tumambay muna ako sa loob ng isang convenient store at tsaka ko dinial ang number ni David. Sana sa unang tawag ko pa lang ay sumagot na ito. Sa unang attempt ko ay walang sumagot. Ganoon din sa pangalawa at pangatlong attempt ko. Nawawalan na ako ng pag asa. Ang tanga tanga ko lang, sana pala ay kinontak ko muna ito kanina bago ako umalis. Nag order muna ako ng tubig at biscuit para kahit papaano ay mayroon akong kakainin habang naghihintay ako. Natulala lamang ako sa cellphone ko hanggang sa makalipas ang mahigit isang oras, nakatanggap ako ng tawag mula isang unknown number. Mabilis ko itong sinagot sa pag aakalang si David na ang sasagot. "Who is this?" tan

