LILY POV Kinagabihan, umuwi na kaming dalawa ni Paul at nagpahinga kaming dalawa sa aming kwarto. Subalit linggid sa kaalaman niya na plano ko na talagang umalis ng kanyang mansyon upang magpunta kay David. Kahit na ano pang gawin niya wala na itong magagawa pa dahil hindi na magbabago pa ang isipan ko. Habang nasa shower si Paul, ginamit ko ang opportunity nito upang hanapin ang calling card ni David. Limitado lamang ang oras ko kaya kailangan kong bilisan. Hinanap ko ito sa bawat sulok ng kwarto hanggang sa makita ko itong nasa basurahan na. Napangiti ako at napapunas sa pawis sa aking noo. Mabuti na lamang talaga at hindi ako nawalan ng pag asa hanggang sa mahanap ko ito. "Anong ginagawa mo?" ang tanong na nagpagulat sa akin. Lumingon ako at nanlaki ang mga mga mata dahil wala pa

