LILY POV Pag gising na pag gising ko, puro puti na naman ang nakikita ko. "Doc kamusta po ang pasyente?" ang may ari ng boses na ito, alam kong walang iba kung di si Paul. "She's okay pero maselan ang pag bubuntis niya. I strongly suggest na wag muna siyang lalabas ng bahay o wag muna siyang magpapa stress upang maiayos ang lagay ng baby ninyo." Napanatag ang kalooban ko na hindi napaano ang baby sa sinapupunan ko. Magandang balita ito para sa akin. "Doc, mawalang galang po sana subalit hindi kasi ako ang ama ng batang nasa sinapupunan niya," ang sagot ni Paul na nagpaalala sa akin kung bakit ako nasa hospital na ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi kami mag asawang dalawa. Paano niya ako nagawang lokohin ng ganito? Sino ba talaga ako at sino ang mga taong

