PAUL POV Tatlong araw ang nakalipas ng sapakan namin ni Steven at Michael, naging tahimik ang lahat. Marami na rin ang guards sa hacienda at ayaw nila kaming magkita dahil talagang nagkakainitan kaming dalawa. At ngayon, nandito ako sa kwarto naming dalawa ni Lily. Huling araw na ng libing ni papa ngayon at 8 am ng umaga ay ihahatid na namin siya kanyang huling hantungan. Nagkasundo kaming dalawa ni Lily na parehas kaming magsusuot ng itim sa araw na ito. Palabas na sana kami ng bigla siyang magsalita. "Teka lang Paul." Lumingon ako sa kanya, "Bakit? May problema ba?" "Huling araw na ng libing ngayon ng papa mo. Pero kasi, halata pa rin ang mga pasa mo sa mukha. Alam ko na gusto mong umattend pero-" "Wag mo na itong intindihin Lily. Ayos na ayos lang naman ako. Ang mahalaga naman r

