LILY POV Umagos na ang luha sa mga mata ni Paul. At bilang asawa niya, ramdam na ramdam ko ang hinagpis sa biglaang pagkawala ng kanyang ama. Subalit hindi nagpatalo si tita Helena at ang mga anak nila. Humagulgol din sila ng iyak at talagang naglumpasay pa si tita Helen sa harapan ng kabaong ng asawa niya. "Thomas? Bakit mo kami iniwan? Sana ay naisip mo man lang na lumaban dahil makikita mo sana ang mapapangasawa ng mga anak mo! Ngayong wala ka na, ang hirap nang ipagpatuloy ng buhay namin. Mahal na mahal ka namin ng mga anak mong totoo!" Tumigil sa pag iyak si Paul sa tila ay pagpaparinig na naman ni tita Helen. At bilang maikli ang pasensya ni Paul, kailangan ko siyang i comfort. Hindi na lamang namin pinansin ang sunod sunod na pag paparinig nito sa amin. Pagkatapos naman ng burol

