PAUL POV 7 am ng umaga, nagising ako. Mahigpit pa ring nakayakap sa akin ni Lily. Gusto ko na sana siyang gisingin subalit ang himbing ng kanyang tulog. Ngayong araw pa naman ang honeymoon naming dalawa sa Baguio. Maaga pa naman ngayon kaya siguro ay ayos lang. Maghihilamos muna ako at magsisipilyo ng ngipin. Kailangan ko ring lumabas para kamustahin si papa at baka sumisipsip na naman ang dalawa kong kapatid kasama ang plastik kong step mom. Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo, nagpunta ako sa labas. Nakita ko si Michael at Steven, nag aalmusal silang dalawa. Masama pa rin ang tingin nila sa akin pero wala na akong pakialam pa. "Ano, excited ka na ba sa honeymoon!" ang tanong ni Papa na nanggaling sa likod ko. Pagharap ko ay hindi siya inaasikaso ng kanyang nurse. Bagkus ang

