bc

Ang Marioneta

book_age16+
182
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
no-couple
scary
small town
friendship
special ability
tortured
friends
like
intro-logo
Blurb

Nakatala sa banal na kasulatan ang kaganapan tungkol sa pagharap ng Messias sa pulutong ng Diablo na sumanib sa dalawang lalaki. Ang pulutong ng diablong iyon ay nagbalik at pumasok sa isang babaeng pinagmamalupitan na ng buhay. Ang mga sumunod na pangyayari ay napupuno ng takot, kalituhan, at kawalan ng katiyakan ng bukas.

chap-preview
Free preview
Prologo / Kabanata 1: Waiting Shed
Madilim ang kuwartong kinaroroonan nila. Protokol na nila na sa ganitong lugar ganapin ang proseso ng pagpapalayas. Kinailangan pa ng apat na tao para hawakan ang nagpupumiglas na binata. Paniniwala ng mga taong nakapaligid sa kanya’y pinasukan siya ng masamang espiritu. Wala na siya sa sarili. Sinasambit ng kanyang labi ang ulan ng mga mura at ano pang paglalapastangan. Gumagawa siya ng mga kakaibang ingay na nakakapanindig balahibo. Ang ilan niyang sinasabi ay hindi maintindihan. Palagay ng mga pumupigil sa kanya ay nasa ibang lehitimong lingguwahe ang sinasabi ng binata. “Boss, mukhang hindi na kami makakatagal,” sabi ng isa sa mga lalaking pumipigil sa binata. Tig-dalawang lalaki ang nakahawak sa  magkabilang braso ng binata, pero dahil sa espiritu na nasa loob nito, nagtataglay ito ng kakaibang lakas. Hindi magtatagal, siguradong makakawala rin mula sa pagkakahawak ng apat na lalaki ang binata. Isang matandang lalaki ang nasa harap nila. May mahabang balbas na umaabot sa dibdib. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon, kinuha niya ang isang bote ng langis. Naglagay siya ng kaunti sa kanyang kanang hintuturo’t hinlalato. Idinampi niya ang mga daliri niyang may langis sa noo ng nagkukumahog na binata. “PAKAWALAN N’YO ‘KO! PAPATAYIN KO KAYO!!!” sigaw nito nang buong lakas. Ang boses ay malaki. Hindi boses ng isang binata, o ng isang tao. Hindi pa rin naalis sa noo ng binata ang mga daliri ng matanda. Bumulong ang matanda ng ilang salita sa latin, ipinikit ang mata, at saka idinilat. Nagningning ang kanyang mga mata, na parang dalawang bombilya. Sumigaw ang binata na para bang sinaksak siya ng kamagong. Umugoy nang malakas ang kanyang ulo, tumigil, at yumuko. Wala nang malay ang binata. Inalis na ng apat na lalaki ang pagkakahawak sa binata at unti-unti itong inihiga sa sahig. Lumayo sila sa nakahigang binata na parang may hinihintay pang mangyari. Mula sa bibig ng binata, lumabas ang itim na usok. Lumipad ito sa ere at nagkaroon ng korte; katawan, mga binti, mga braso, at ulo. Mula sa ere, bumaba ito. Ang kabuuan nito ay usok na may hugis ng tao. Sa ulo nito, lumabas ang dalawang nagniningas na mata. “Isa na lang ang kailangang gawin,” sabi ng isa sa mga lalaki. “Sino gagawa?” “Ako na lang,” tugon ng matanda. Hinubad niya ang pilak na relo sa kanyang pulsuhan. Inilapat niya ang relo sa kanyang palad. Nagliwanag ito, at naging espada. Nagliliwanag ito na parang nagliliyab na kulay pulang apoy. Hindi pa rin naalis ang pagkakapako ng tingin ng itim na nilalang sa kanila. Ang mga tingin niya ay parang may gustong ipahiwatig. Ang tanging nakikita ng matanda ay takot. Ang masamang espiritung ito ay natatakot sa kanila, sa mga taong katulad nila. Sila ang banta sa mga nilalang katulad nito. Ang mga piniling maging opensa laban sa mga kalabang puno ng kasamaan. Bago pa man makatakbo palayo ang nilalang na itim, iwinasiwas ng matanda ang kanyang espada. Nagpakawala ito ng napakalakas na enerhiya. Ang anyong usok ng nilalang ay naging abo, saka naglaho. Nabawasan na ang mga masasamang nilalang na umaaligid sa mundong ito. May nadagdag na naman sa mga bumalik sa pinanggalingan. Makalipas ang ilang oras, umuwi ang binatang kanina lang ay nasa impluwensiya ng isang demonyo, ay umuwi sa kanilang bahay na walang alaala ng kahit na ano’ng nangyari. .......................................... Isang labing tatlong taong gulang na babae ang hawak sa braso ng dalawang lalaki. Kahit payat ang mga braso nito, nagtataglay ito ng kakaibang lakas dahil sa espiritu na nasa loob nito. Sumigaw ang batang babae ng mga banta laban sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang boses niya ay hindi pantao. Nagpapaulan din ng mga mura ang babae. Sila ay nasa isang bahay na nasa gitna ng kabukiran. Walang ibang bahay o tao sa paligid maliban sa mga taong kumuha sa batang nasa kontrol ng isang diyablo. Kapansin-pansin sa loob ng bahay ang mga rebultong kakaiba ang mga hitsura. Nakapaligid sa pangyayari ang mga tao. Para lang silang mga tipikal na residente ng bayan. May mga trabaho, pamilya, libangan, at iba pa. Pero ang mga pangyayaring tulad nito ay tinuturing nilang ministeryo. Mula sa mga nakapalibot na tao, lumapit ang isang matanda sa pangyayari. May hawak siyang palakol. Makinang na kulay asul ang bakal. Kumikinang ito ‘pag nasisinangan ng araw. Ang talas ng talim nito ay nasubukan na sa maraming paraang karumaldumal. Ang hawakan ay may nakaukit na pangalan. Alejandro.  Patuloy pa rin ang nakakabinging sigaw ng bata. Kahit ano’ng pilit na pagkukumawala nito ay wala pa ring nangyayari. Ang tanging kaya gawin nito ay ang magsisisigaw lang. Pinagmasdan ng matanda ang kahabag-habag na kalagayan ng batang babae. Isang inosenteng batang babae na naging biktima ng tradisyon ng mga nilalang na puro kabuktutan. Ang mga inosenteng tingin ay napalitan ng isang tinging napupuno ng poot at kasamaan. “Pakawalan n’yo ‘ko dito’t wawasakin ko ‘yang mukha mo!” pagbabanta ng babae. Indikasyon ito na hindi na dapat pang pakawalan ito. “Kahabagan nawa ng diyos namin ang iyong kaluluwa, hija,” dasal ng matanda. Iniangat ng matanda ang hawak na palakol. Kuminang pa ang talim nito nang mahagip ang sinag ng araw na galing sa bintana ng bahay. Huminga nang malalim ang matanda at buong puwersang iwinasiwas pababa ang hawak na palakol. Dahil nakatingala ang batang babae, tumarak ang talim ng palakol sa mukha nito. Tumilamsik ang dugo sa sahig at mukha ng matanda. Parang nahati ang mukha ng bata dahil gitnang-gitna ang pagtama ng paalakol. Ang lapad ng talim ay umabot mula sa malapad na noo ng bata hanggang sa taas ng labi. Hinugot ng matanda ang talim ng palakol mula sa mukha ng wala nang buhay na bata. Kita ang mahabang nagdudugong linya sa gitna ng mukha nito gawa ng pagtarak. Umagos ang pulang-pulang dugo mula sa mukha. Dumaloy sa leeg, sa dibdib. Kumalat sa bulaklaking damit. Wala nang pinapakawalang puwersa ang bata dahil patay na ito, kaya binituwan na ito ng dalawang lalaki. Bumagsak sa sahig ang bangkay. Rinig ang paghampas ng mukha sa sahig. Umagos ang dugo sa sahig na parang ilog, na umabot pa sa paanan ng matanda, dahilan para mamantsahan ang kulay puti nitong sapatos. Ang mga tao sa paligid ay parang nanonood ng isang pagtatanghal, pero wala silang kaaliwang nadarama. Sila ay tapat sa kanilang ministeryo. Madugong ministeryo. Kinaladkad nila ang bangkay ng batang babae sa labas at inilibing. Ang bukiring iyo’y nagmistulang taniman ng mga bangkay ng mga taong nawalan na ng silbi para sa mga diablong namamahay sa kahit na sinong bukas na bahay.   1 WAITING SHED   I Gabi. Kumportableng nakaubo sa malambot na sofa si Jessica Jean Rosario. Bagama’t marami nang sira at butas, napapakinabangan pa rin. Ang hitsura nito ay nababagay sa hitsura ng loob ng bahay. Simple lang. Walang kahit ano’ng kapansin-pansing marangyang bagay. Ugali na niya ang umupo dito at manood ng teleserye sa lumang model ng telebisyon. Maaaring makalimutan niya ang ibang bagay, pero hindi ang palabas na sinusubaybayan niya. Tapat siya sa mga iniidolong artista. Para siyang kinuryente sa Silla Electrica nang bumukas nang malakas ang pinto. Sa lakas ng pagkakabukas nito, tumama pa ito sa pader na nagdulot ng nakakabinging kalampag. Hindi laging ganito ang bukas ng pinto tuwing gabi. Pero kapag ganito, hindi maganda ang indikasyon.  Nakita niyang pumasok si Mang Jun, ang apat na pu’t limang taong gulang niyang tatay. Laging barber’s cut ang gupit ng buhok. Matangos ang ilong. May kaunting balbas sa kanyang baba. Pagiwang-giwang ang lakad niya. Nagku-krus ang mga paa niya. Sa bawat hakbang ay para siyang matutumba. Isa lang ang ibig sabihin nito; lasing na naman siya. May mga pagkakataong nagiging mapagmahal na ama ni Mang Jun, pero ayaw na ayaw ni Jessica na nalalasing ito. Naiiba ang ugali niya dulot ng espiritu ng alak. Nawawala ang pinagtityagaan niyang pagmamahal. “Uh... Jessica, nakaluto ka na ba ng hapunan?” Tanong ni Mang Jun. Tuluyan nang inialis ni Jessica ang tingin sa telebisyon at pinatay ito. Ito ang pinakamabuti niyang gawin sa mga pagkakataong tulad nito. Sigurado siyang may mangyayaring hindi maganda ngayong gabing lasing ang ama. Nagsimulang tumindig ang kanyang balahibo nang balikan ang mga nakaraan niyang karanasang hindi niya makalimutan. “Ah, hindi pa po. Lulutuin ko na po ‘yung longganisa,” nanginginig na sagot ni Jessica. Patuloy ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Hindi niya alam kung ano’ng mangyayari sa kanya. Napag-isip-isip niya na dapat hindi na lang niya ibinabad ang sarili sa telebisyon para makapagluto ng hapunan dahil hindi sigurado kung kailan ang gabi na uuwing lasing si Mang Jun.  “Ano’ng ginawa mo maghapon?” Tanong ni Mang Jun, “nanood ng TV? Kaya hindi ka nakapagluto ng hapunan?” Diretso ang tingin niya kay Jessic, parang mga latigong nakaakma. “Sorry,pa. Magluluto na—“ Hindi na naituloy ni Jessica ang sasabihin nang maramdaman niyang may humamblot sa kanyang hanggang balikat na buhok at hinila ito. Nagsusumigaw ang sakit sa kanyang anit, parang mapupunit. NAgsimula na ang kinakatakutan niyang mangyari. “ARAY! Papa! Sabi ko magluluto na ‘ko! Bitiwan mo ‘ko Pa! Lasing ka lang!” Hindi tamang sabihin ito ni Jessica ngayon, kahit totoo. Hinila siya ni Mang Jun sa buhok at biglang sinikmuraan nang malakas. Ang sakit ay bumaon pa sa kanyang kalamnan. Halos maisuka ni Jessica ang kanyang bituka. “HINDI AKO LASING!” sigaw ng lasing na lasing na si Mang Jun. Dumagundong sa buong bahay ang kanyang hiyaw. “Sa susunod na uuwi ako, dapat nakaluto ka na ng hapunan, kung ayaw mong mas malala pa ang mangyari sa ‘yo,” may diin sa boses ni Mang Jun. Kung may banta man siyang bibitiwan, lagi itong totoo. “KUHA MO?!” Tumutulo na ang luha galing sa mga bilugang mata ni Jessica. “O-opo,” nanghihinang sagot ni Jessica. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mukha at pumunta sa kusina at nagsimulang magsaing at magluto ng ulam. Si Mang Jun ay umupo sa sofa na nasa harap ng telebisyon at binuksan ito. Bumungad ang eksena sa pinapanood na teleserye ni Jessica. “Itong mga kalandian pa na ‘to ang inuuna mong hayop ka,” pagkasabi nito, nilipat niya ang channel para manood ng laro sa PBA. Nang matapos nang mag-ahin ng hapunan si Jessica, tinapik niya si Mang Jun sa braso para ayain nang maghapunan. Tumayo si Mang Jun mula sa kinauupuang sofa at pinatay ang telebisyon, saka pumunta sa lamesa para maghapunan. “P*nyeta,” mura ni Mang Jun. Hindi rin ito magandang indikasyon para kay Jessica. Mula sa pagkakayuko ay tiningnan niya ang ama na nakatingan na nang masama sa kanya. Bumalik na naman ang kanyang takot at kaba. “Hilaw! Hilaw ‘yung kanin!” Inihahanda na ni Jessica  ang sarili sa kung ano na naman ang mangyayari. Nakita niyang lumipad ang kinakainang plato ng tatay niya papunta sa kanyang mukha. Napahiyaw siya sa pagkakatama ng plato sa kanyang noo. Kumalat sa kanyang mukha ang mainit na kanin at bagong lutong ulam dahilan para mapaso siya sa mukha. Agad niyang inalis ang kalat sa mukha gamit ang kamay, dahilan para mapaso rin ito. Namuo ang mga butil ng luha sa kanyang mata dulot ng sakit at pagkabigla. Tumayo si Mang Jun mula sa pagkakaupo at lumapit kay Jessica. Ito na ang karurukan ng mangyayari sa kanya ngayong gabi. “AYUS-AYUSIN MO ANG SAING MO!” Hiyaw ni Mang Jun sa mukha ni Jessica. Dinakma niya sa balikat ang anak at itinumba sa sahig. Unang tumama ang braso ni Jessica sa pagkakabagsak kaya nasaktan siya. Muli niyang naramdaman ang kamay na humablot sa buhok niya at hinila pataas. Mula sa pagkakadapa sa sahig ay napaluhod siya. Sinampal siya ng tatay niya. Lumatay ito sa malambot niyang pisngi na parang tato. “WALA KANG SILBI! WALA KANG KUWENTA!” Sinundan pa ito ng sapak na nagpadugo sa ilong ni Jessica. Nagpadagdag pa ng sakit ang bakal na singsing ni Mang Jun na lagi nitong suot. Bumakat sa mukha ni Jessica ang hugis na bituin na nakaukit sa singsing ng ama. Gumapang ang sakit sa kanyang mukha. Hinatak pani Mang Jun nang mas mataas ang buhok ni Jessica. Sa tindi ng sakit, nasuntok ni Jessica ang tatay sa pribadong bahagi ng katawan. Ang kahinaan ng lahat ng lalaki. Hindi alam ni Jessica kung bakit niya nagawa iyon, parang mas nauna pang gumana ang katawa niya kaysa utak. Agad na nawalan ng lakas si Mang Jun. Napaluhod siya hawak ang kanyang alaga. Halos mamilipit siya sa sakit. Ungol lang ang kanyang napakawalan. Hindi siya makasigaw sa sakit. Lukot na lukot din ang mukha niya sa tindi ng pag-ngiwi. Hindi na nagdalawang-isip si Jessica, agad siyang tumayo at kumaripas ng takbo para makalayo sa tatay. Kailangan niyang lumayo sa banta para mailigtas ang sarili mula sa p*******t na maaaring hindi pa niya nararansan. Nagpapaulan ng mura si Mang Jun natila ba mga bala ng baril tumatama sa kanya. Habang nakatayo sa bunganga ng pintuan, nilingon ni Jessica si Mang Jun, “sorry pa. Sorry. Sorry,” Namimilipit pa rin ito sa sakit dahil matagal pa bago mawala ang kirot kapag ang maselang bahagi ng katawan ang napuruhan. Habang papalayo sa bahay, narinig ni Jessica ang mga sigaw ng tatay na nagkaroon na ng lakas para makasigaw. “WALANG ‘YA KA! BUMALIK KA DITO!” May ilang kapitbahay na lumabas ng bahay dahil sa pagsigaw ng Mang Jun. Ang iba sa kanila’y naantala ang tulog. Wala sa mga taong ito ang nag-aabala para alamin ang nangyayari tuwing nangyayari ang mga ganitong pagkakataon.   II Habang naglalakad-takbo, napupuno ng pag-aalala ang isip ni Jessica. Natatakot siyang baka paglingon niya sa likod niya’y nando’n at nakasunod ang tatay niya, nanlalaki ang mga namumulang mata at nagngangalit ang mga ngipin na parang leong nakakita ng batang usa. Sa kabutihang palad, hindi siya sinundan nito, kung hindi, makakaranas pa siya ng mas matinding sakit, lalo na’t sinaktan niya ito. Matapos ang ilang liko sa mga kanto, nakapagpahinga siya sa isang waiting shed. Umupo siya sa kalawanging upuan at sumandal. Naghahabol pa rin siya ng hininga. Inubos ng magkahalong pagod at pangamba ang kanyang lakas. Namahinga lang siya do’n at pinanood ang mga sasakyan nagdaraan sa kalsada. Ang iba’y Bus, na napansin niyang may sakay na mag-ama. Kandong at yakap ng tatay ang anak niyang babae na natutulog. Para bang kinukutya siya ng pangyayari. Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi siya puwedeng bumalik ng bahay dahil may tama pa ang tatay at malamang ay naipon pa ang galit nito. Tumingala siya sa madilim na langit, sa maliwanag na buwan, at sa kawalan ng mga bituin. Inalala niya kung bakit galit na galit sa kanya ang tatay Jun niya. Ang nakaraang kasing dilim ng tinitingala niyang kalangitan. Dati silang masayang pamilya, nagmamahalan. Ngunit ang nanay ni Jessica, si Nanay Leni, ay nadagit ng kamunduhan. Nagkaroon siya ng relasyon sa ibang lalaki, at no’ng sampung taon pa lang si Jessica ay iniwan niya ang mag-ama at sumama sa lalaking hindi niya pinakasalan. Iniwan niya ang mga taong itinuturing siyang yaman at sumama sa lalaking hindi siya mahal. Sa isang lalaking gusto ng walang bayad na patutot. Labis na nadurog ang puso ni Mang Jun sa ginawa ng asawa. Sinuklian ng pagtataksil ang kanyang tapat na  pagmamahal. Ipinagpatuloy ng mag-ama ang buhay. Nando’t nagmamahalan pa rin sila. Ngunit dahil sa labis na pagkadurog, binalikan ni Mang Jun ang bisyo na kanyang itinigil noong siya’y binata pa lamang; ang paglalasing. Mapagmahal at maaalahanin pa ring ama si Mang Jun sa kabila ng nangyari, ngunit hindi na kasing init ng dati. Kapag nakainom at nalasing, nag-iiba ang ugali nito. No’ng unang apat na taon simula nang iwan siya ng asawa, hindi nagiging maganda ang pakikitungo niya sa unica hija. Minsang sinusungit-sungitan niya si Jessica, at dumadalas ang pagpalo sa anak, hindi tulad ng dati. No’ng masaya pa sila, pinapalo rin niya si Jessica ‘pag nagkakamali, bilang pagdidisiplina, dahil ‘yon sa pagmamahal niya. No’ng naglasing uli siya, pagkalasing na lang ang nagtutulak sa kanya para saktan ang anak. Ang sumunod na apat na taon ay mas matindi. Dito nagsimulang pagbuhatan ng kamay ang nagdadalagang si Jessica, pero hindi lang pagpalo. Minsan kapag umuuwing lasing, natutulog nang may pasa sa mukha si Jessica. Sasusunod na araw, makikita ni Mang Jun ang pasa sa mukha ng anak at tatanungin kung saan galing iyon. ‘Pag sinabi ni Jessica ang nangyari, maiiyak siya’t yayakapin ang anak at hihingi ng tawad. “Hindi na ‘ko iinom, pangako. Para hindi na kita masaktan,” laging sinasabi ni Mang Jun. Pero hindi laging permanente ang pagbabago niya. Magdadaan ang ilang araw, linggo, o buwan, babalik uli sa paglalasing si Mang Jun at masasaktan si Jessica. Mas naging malakas ang hatak ng mundo kay Mang Jun. May mga pagkakataong mas malakas ang hatak ng mundo sa kahit na sino. Hindi magawang magsumbong ni Jessica dahil alam niyang makukulong ang ama sa kasong Child Abuse at Physical Injury. Mahal niya si Mang Jun, at mahal din siya nito. Pero nagagalit at natatakot siya sa tatay tuwing malalasing ito. Lagi niyang idinadahilan sa sarili na oo, sinasaktan ako ni papa, pero hindi siya ‘yon. Dala lang ‘yon ng pagkalasing niya. Pero batid niyang may kasalanan pa rin ang ama dahil ayaw niyang tigilan ang bisy. Pero laging napapalambot si jessica ng yakap at paghingi ng tawad ng ama. “Mahal na mahal kita, alam mo ‘yan, anak.” Minsan niyang tinangkang magkaroon ng komunikasyon sa Nanay niya para may masabihan ng pinagdaraanan, ngunit nabigo siya. Ang katotohanan, ang nanay niya mismo ang pumutol ng daan  pa sila’ymagkausap. Umagos pa ang luha niya, dahil sa mga sakit na tinatamo niya. Higit pa sa sakit na nararamdaman niya pisikal. Ang mga pasa at sugat na natatamo niya kay Mang Jun ay naglalaho, ngunit ang nagmarka sa puso ay hindi mabubura. Ang dating masayang pamilya, puno’t nababalot ng pagmamahal, ay nauwi sa pagtataksil at sakitan. Ito ang sakit na siguradong umukit sa kanyang puso at mananatili sa kanya hanggang sa siya’y mawalan ng buhay. Sa likod ng sakit ay may poot. Kasalukuyang nakakubli, pero mas lumalapit pa sa sukdulan ang tindi habang dumadaan ang mga araw, habang siya’y nasasaktan ng ama. Kasalanan mo ‘to, Ma. Ikaw ang mas dapat sisihin. Ramdam ang lamig ng bakal na upuan sa kanyang likod habang nakasandal. Pamaya-maya’y may narinig siyang tunog na nanggagaling sa likod ng pinagpapahingahan niyang waiting shed. Ang likod ng nito ay malaking espasyo sa pagitan nito at ng pader ng subdivision, maluwag, kaya hindi imposibleng may maglakad papalapit dito galing sa likod.  Naririnig niya ang mga kauskos ng tuyong dahon at d**o, palatandaan ng paghakbang ng paa. Naisip niya ang tatay niya, nasa likod niya. Inaasahan niya ang kamay na dadakma sa kanyang buhok at hihilahin pataas. Pero ang narinig niya ay maraming hakbang. Sino kaya ang mga ‘to? Magbabarkadang naulol sa droga at sabik na siyang paglaruan?  O mga halimaw na handa siyang sakmalin at pagpirapirasuhin? Bigla siyang napatalon at napatayo dahil sa mga naiisip niyang posibilidad. Lumayo siya sa pinanggagalingan ng tunog. Hinaharap niya ngayon ang bakanteng mahabang upuang bakal ng waiting shed. Sa likod nito ay nagmistulang kadiliman, hindi lang iyon, pati ang buong paligid. Tila nagtago ang maliwanag na buwan sa likod ng mga maitim na ulap. Ang natira lang na ilaw ay ang galing sa mga lamp post. Sa lane niya, isa lang ang gumaganang lamp post, malayo pa sa kanya. Ang mga sasakyan ay parang nagtago rin para pagkaitan siya kahit ng kaunting liwanag. Nakita niya sa pagitan ng itaas ng sandalan at likurang bahagi ng bubong ang mga kumikinang na mga mata na unti-unting umuusbong sa kadiliman. Marami sila, sampu? Isang daan? Hindi siya makatakbo, ni hindi makagalaw, hindi makahinga nang maayos. Pinagmasdan pa niya ang mga nagniningas na mata habang dumarami. Para siyang nahihipnotismp. May mga halakhakan ding umusbong. Mga bulungan. “Malapit na Jessica... malapit na ang oras namin... ipagpatuloy mo lang ‘yan...’pagpatuloy mo lang... mag-aabang kami... hanggang sa handa ka na.” Tingin niya’y ang mga boses na ito ay mag-iiwan ng marka sa kanyang isipan, ang mga boses na maaari pa niyang marinig, ang mga boses na hindi makakapagpatulog sa kanya.  Patuloy sa pagbulong-bulong ang mga nilalang sa likod ng waiting shed, pero hindi na niya ga’nong maintindihan. Patuloy pang lumakas ang mga bulunga’t tawanan. Dumami pa sila. Parang pulutong na nag-oorasiyon. Ang mga boses ay napuno ang kanyang ulo at patuloy na umalingawngaw sa kanyang isipan. “Makakapasok... na... kami... makakapasok... makakasok...” sabi ng mga boses. Hindi alam ni Jessica kung ano’ng ibig sabihin nito, pero batid niyang sa kanya ito sinasabi dahil binanggit ng mga ito ang kanyang pangalan. Isang kamay ang dumakma sa kanyang balikat. Malaki, parang kamay ng isang lalaki. Bumalik ang lahat sa dati. Muling lumabas ang buwan mula sa kinatataguan nito, pero hindi nagbigay ng saganang liwanag. Bumalik ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada, pero hindi ga’nong marami. Ayaw niyang lingunin kung sino ang nakadakma sa balikat niya. Ayaw niyang lingunin ang tatay niya, habang may bakas ng pagkalasing sa mukha nito. Ang mga pula nitong mata, at ang gigil. “Miss, okay ka lang ba?” Mahinahon ang boses. Hindi siya si Mang Jun. Nilingon niya ang lalaki. Isang lalaki na sa palagay niyang nasa dalawampu’t taong gulang. Maamo ang mukha dahilan para mamula si Jessica. Hindi agad nakatugon si Jessica sa lalaki. Huminga lang siya nang maluwag. “Nakita kasi kita. Tulala ka. Parang hindi ka makagalaw. Kung nakita mo lang ‘yung hitsura mo, para kang nakakita ng multo,” may pag-aalala sa boses ng lalaki. Sumagot si Jessica,”ah... eh... ayos lang ako. May ano... iniisip lang ako.” napupuno ng kanyang ilong ng pabango ng lalaki. “Sure ka miss ayos ka lang?” “Oo.” “Ba’t parang sinaktan ka? Sa’n galing ang mga pasa mo sa mukha?” Kahit medyo madilim sa paligid, nakita pa rin ng lalaki ang bakas ng pambubugbog ni Mang Jun kay Jessica. Sa nasaksihan niyang mga nilalang sa dilim, panandalian niyang nakalimutan ang mga bakas ng p*******t sa mukha niya. “Ah...wala ‘to. Sumemplang lang ako no’n nu’ng nagmotor ako.” “Uuwi ka ba? Pahirapan maghanap ng jeep dito na hindi puno ‘pag gabing-gabi na. Sa’n ka ba nakatira?” “Diyan lang sa... ano... sa kabilang bayan,” pagsisinungaling ni Jessica. “San Miguel o San Rafael?” “Uh...” hindi agad nakasagot si Jessica. Hindi siya pamilyar sa mga lugar dito sa San Ildefonso, Bulacan, lalo na sa katabing bayan. Mag-aanim na buwan pa lang nang lumipat sila dito sa bayan galing Caloocan. Hindi sila no’n makapagbayad sa upa ng bahay, mabuti na lang at may isang kamag-anak na may bahay na hindi na tinitirhan dito sa San Ildefonso kaya ibinenta na lang sa kanila nang murang halaga. “Sa... ano... sa San Miguel,” sabay turo sa direksiyon ng San Rafael. “Nako. E baka wala ka nang masakyan pa-San Miguel. Hatid na lang kita,” alok ng lalaki, sabay ngiti. “Ah...eh ‘wag na. May susundo naman sa  ‘kin.” “’Kow! Eh anong oras na. Baka hindi ka na masundo.” “Mayro’n ‘yan. Hinihintay ko.” “Malamang wala na. Hatid na kita. Hintayin na lang natin ‘yung van namin.” “Please. Ayaw ko. ‘Wag ka makulit.” “Kulit mo!” Hinawakan ng lalaki nang mahigpit ang braso ni Jessica na may puwersa ng paghila,”ihahatid ka lang naman. Ikaw na nga tutulungan eh.” “’Wag na nga sabi. Bitiwan mo ‘ko,” pinilit alisin ni Jessica ang kamay na nakadakma sa braso niya. Nagpumilit siyang mumawala, pero ayaw magpatinag ng lalaki, “bitaw!” “’Wag ka nang pasaway...”nilakasan na ng lalaki ang paghila. Hinawakan na rin niya si Jessica sa kabilang braso. “Walang hiya ka,” naramdaman na ni Jessica na may hindi tamang mangyayari. Iniakma niya ang kamao at sinapak ang lalaki, deretso sa mukha. Naramdaman niya sa kamay niya na may parang nabali o nadurog. Kumirot ang kanyang kamao, pero siguradong mas napuruhan ang tinamaan nito. “’Wag kang makulit, hayop ka!” Kahit papa’no pala ay may natutunan siya sa tatay niya. Napaatras na lang ang lalaki habang hawak ang nagdudugong ilong, “eh tarant—“hindi na niya natuloy ang mura. Nakita niyang tatangkain na naman siyang suntukin ni Jessica, kaya inunahan na niya ito ng suntok. Napaluhod na lang si Jessica hawak ang tiyan dulot ng buong puwersang suntok, “lalaban ka pa ha! Bart! Tara nga dine! Dalhin na natin ‘to!” sigaw ng lalaki sa kanang direksyon. Para siyang tumatawag ng katulong para kuhanin ang nahuling isda. No’n lang napansin ni Jessica ang nakaparadang L-300 na Van hindi ga’nong malayo sa waiting shed kung nasaan siya ngayon. Hindi niya ito nakita agad dahil nakakubli ito sa dilim. Nakita niyang may bumaba ng Van at nagmamadaling tumakbo papunta sa kinarooonan niya at ng lalaki para bitbitin ang nahuling isda. “Putek na ‘yan CJ. Tiba-tiba tayo diyan!” sabi ng kakarating lang na lalaki na si Bart. Sa sinabi ni Bart, alam ni Jessica kung ano ang ibig niyang sabihin. Kahit sinong lalaking makamundo ay magkakainterest sa kanya. Sa ganda pa lang ng mukha at ganda ng hubog ng katawan niya. “Miss, sino sumapak sa ‘yo?” Pangungutyang tanong ni Bart. Rinig sa kanyang boses ang pagkasabik na maibsan ang biglaang uhaw na naramdaman. “’Wag siya mag-alala. Papasayahin natin siya ngayong gabi. Buhatin na natin. Ako sa binti. Ikaw sa braso,” sabi ni Cj, na nagbalat kayo bilang isang maginoo kani-kanina lang. Gusto niyang humingi ng tulong sa mga dumadaang sasakyan, pero hindi siya makasigaw dahil ramdam pa rin niya ang kirot sa sikmura. Madilim din ang kinaroroonan nila kaya hindi sila ga’nong nakikita ng mga taong nasa loob ng mga sasakyan. Malayo ang waiting shed sa shoulder. Nanghihina pa rin siya sa sakit. Laking pasasalamat niya nang isang tricycle ng tanod ang dumadaan sa shoulder, kaya may posibilidad na makita ang ginagawang pagdukot kay Jessica. May dalawang malaking flashlight ang nakakabit sa sidecar. Nahagip ng ilaw ng flashlight ang nangyayari kaya nakita ng tanod sina CJ at Bart nang bubuhatin pa lang nila si Jessica, “HOYOYOYOY!” parang sunud-sunod na putok ng baril ang sigaw ng isa sa mga tanod.  Kung ipagpapatuloy nila ang pagbuhat kay Jessica papuntang Van, baka maabutan pa sila ng mga tanod ng mga baranggay tanod. “Tanga naman kasi ni Jimboy! Ba’t kasi sa malayo pa pumarada?!” Singhal ni CJ. Binitiwan na lang nila ang nahuling isda na si Jessica at tumakbo papuntang Van. Pagkasakay nila, agad na umandar ang Van paalis. Hindi na hinabol ng mga tanod ang Van, agad nilang nilapitan si Jessica. “Ayos ka lang ‘ne?” Tanong ng isa sa mga tanod.   III Nakakahinga na nang maluwag si Jessica ngayong nakasakay na siya sa tricycle ng dalawang tanod. Katabi niya ang isang tanod, at ang isa’y nagmamaneho. Ramdam niyang ligtas siya, maliban na lang kung ang mga tanod na ito ay katulad lang din ni CJ. Namukhaan niya ang mga tanod na ito. Dumalo ang mga ito sa isang sunday service sa isang kapilya sa baranggay niya. Kampante siyang relihiyoso ang mga ito, kaya hindi siya dapat mabahala. “Ba’t ba kasi nasa labas ka pa? E gabi na,” bagama’t may pagkamasungit, may pag-aalala pa rin sa boses ng kalbong tanod,”uso ngayon ‘yung dukot-dukot na ‘yan. ‘Yung isasakay sa Van tapos ibebenta para maging kuwan... maging ano... basta alam mo na ‘yun.” “Pasensya na po. Bibili sana akong gamot,” pagsisinungaling ni Jessica. “Eh sarado na mga botika dine. Hindi naman sila twenti-por ars open. Anong oras na. Mag-aalas nuebe ata.” “Di ko po alam eh. Kakalipat lang namin dito,” may panginginig sa boses niya. “Napa’no ka ba? Ba’t may pasa sa mukha?” “Ah... sumeplang po ‘ko no’n sa—“ “Jusko! ‘Kala ko naman sinapak ka pa ng mga ‘raulo na ‘yun! ‘Wag ka mag-alala, mas magbabantay pa kami dine. Titignan namin ‘yung CCTV kung narecord ‘yung Van. Sigurado ka bang okay ka lang?” “Opo.” “Ano pangalan mo ine?” “Jessica po. Jessica Rosario.” “Ah...’yung anak ni ano...ni Jun. Jun Rosario. ‘Yung kakalipat lang diyan sa Sapang Putol?” Isang baranggay sa San Ildefonso ang Sapang Putol, kung saan nakatira si Jessica. “O-opo,” hindi na siya nagulat na kilala ng mga ito si Mang Jun. Malamang ay nakainuman niya ang isa sa mga tanod na ‘to. “Ah... tumatambay minsan ‘yun sa Toda. Umiinom din minsan sa tapat ng tindahan ni Aling Cora. Malapit na ba tayo sa inyo?” Tanong ng matandang Baranggay tanod. Inalok nila si Jessica kanina na ihatid na siya ng bahay. Pero ang pinagtuturong direksiyon ni Jessica ay sa iba tutungo, hindi sa bahay niya. “Ah opo. Liliko pa po sa kanto na ‘yon,” tugon ni Jessica, sabay turo sa isang kanto. Madalas bumisita si Jesica kay Vicky kaya kabisado na niya ang direksyon. May mga palatandaan naman siya gaya ng ukay-ukay store at Barber Shop.  Lumiko ang tricycle sa kanto. Hindi kadiliman ang mga kalye sa baranggay na kinaroroonan nila ngayon. Sa natitirang oras ng biyahe, nakatulala lang si Jessica. Blangko ang isip. Pinapakinggan ang ingay na ginagawa ng motor ng tricycle. Hindi na muna niya nilaro’t pinaulit-ulit sa isip ang nangyari sa kanya sa waiting shed. Ang tangkang pagdukot sa kanya ay magdudulot sana sa kanya ng trauma. Hindi niya masyadong dinibdib ang karanasang ito. Mas natuon pa rin ang pansin niya sa mga nilalang na nagpakita sa kanya sa likod ng waiting shed. Huminto ang tricycle sa itinurong bahay ni Jessica. “’Kala ko Sapang Putol? Sa Poblacion ‘to eh. Sigurado ka dine ka talaga nakatira?” Pagtatakang tanong ng katabing tanod. “Opo,” mahinang sagot ni Jessica, saka bumaba ng tricycle, “salamat po.” “’Kala ko naman sa Sapang Putol kayo nakatira. Ingat ka hija. Sa susunod naman maghanap ka ng kasama ‘pag lalabas ka nang gabi. O kaya ‘wag ka na lumabas nang gabi. Delikado ka,” pagpapaalala ng tanod. “Sige po. Salamat po ulit,” pagkasabi nito, umandar na ang tricycle at umalis. Pinanood ito ni Jessica na lumisan hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
111.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.6K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook