Chapter 1.2

2973 Words
Malaya Naglalakad kami papuntang library. Madami pang estudyante sa labas kasi 4 palang ng hapon. May mga nakatambay sa Park, naglilibot sa dept. store, supermarket, foodcourt, may naglalaro bball, may nag swimming, lahat. Parang walang nangyare, which is okay para di magset ng panic sa mga utak nila. "di ko nakitang umiyak yung gf kuno" sabi ni Joaquin "kasi kung ikaw, or ako yon, nadepress na tayo." sabi nya habang inaakbayan ako. "mga haliparot." sabi ni Drei "haha inggit" asar ni Joaquin. Dumating na kami sa tapat ng library. Since Library to ng buong school, para lang din tong public library. "so babi, what are we going to do here?" tanong ni Joaquin habang nakatingala kasi nakatingin sa Library. "bakit kaya may bookstore pa e may library naman?" tanong ni Drei "bobo ka ba? Bilihan ng school supplies yon, bookstore lang tawag" sabi ni Joaquin "e di naman kasi kami nagpupunta don" sabi ni Drei "halatang walang gamit ah." sabi ko Sila kasi yung papasok nang walang dala. Walang ballpen, libro, notebook, bag. Phone lang dala nila tas wallet kahut libro o notebook para sa klase wala. Inaahas na nga ata locker nila ni Benjie kase di binubuksan sayang laki nung locker. Pumasok na kami at umakyat sa 2nd floor kasi nandoon history section. "I need to look for newspapers starting 1990's" "dami non." sabi ni Joaquin "school newspapers or dyaryo sa labas?" tanong ni Andrei. "school's" sabi ko. Nagsimula na kaming maghanap. I got distracted sa iba't ibang libro na nandito. Puro kasi mystery, crime, thriller, horror books yung nadaanan ko HAHAHAHAAHAHAHA. Nagkita kaming tatlo sa isang vacant table. "wala akong nahanap." sabi ko "ako den." sabi nila "dyaryo lang sa labas nakita ko." sabi ni Joaquin. Ganon din ako. Lumapit ako sa attendant na nasa 2nd floor. "maam nasaan po mga school newspaper starting 1990's hanggang ngayon?" tanong ko "ay anak yung mga dyaryo ng school simula 1994 hanggang ngayon nandoon sa may station, lika bigyan kita copies." sabi nya Sumama kami sakanya tapos binigyan nya kami copies ng bawat year. "1990 hanggang 1993 po maam nasaan?" tanong ni Andrei "ay anak di kami binigyan ng newspaper club ng copies non dati e." sabi nung matanda na nag stay sa station na kasama nung pinagtanungan ko. "punta kayo sa newspaper clubroom, baka meron sila." habol nya Kinuha na ni Joaquin yung mga dyaryo tapos dumiretso kami sa newspaper clubroom. Isang building lang ang mga clubroom kaya magulo talaga dito madalas. "need help babe?" tanong ko, sya kasi may dala lahat ng newspaper e ang bigat non. "ay gago pre tara tig kalahati tayo." sabi ni drei. "bat ngayon mo lang napansin putaka" sabi ko. "no its fine." sabi ni Joaquin. Inantay namin yung Elevator, di kami makakapaghagdan kasi nasa 6th floor yung newspaper clubroom. Pagkabukas ng Elevator, may babaeng gulat na gulat nung makita kami. Napatalon sya tapos napatakbo paalis. "anmeron don?" tanong ni Andrei. "ewan" sagot ni Joaquin. Sumakay nalang kami sa Elevator tas umakyat na sa 6th floor. Pagdating sa 6th floor... Magulo. Ang nasa 6th floor kasi, newspaper, multimedia, math tas English. Kaya puro papel tsaka wires talaga. Tsaka dahil nga sa 6th floor, di naman masyado madaming tao nagaapply sa mga club dito may dalawang kwarto pa na bakante na puno ng mga tambak ng lahat ng clubs. Nasan office ng student Council? Nasa tabi ng Principal's office. Malawak yong OSC namin, may meeting table na malaki tapos may shelves tas may sariling ref tsaka lutuan panga. Kumatok na si Drei sa pinto ng newspaper club. Binuksan nya yon dahan dahan tas may papel na lumipad sa mukha nya. "hmfff" pigil na tawa ni Joaquin. "deputa" sabi ni Andrei. Tumingin ako sa loob kasi nakabukas pinto, nagkakagulo silang lahat... May nagsisigawan may tumatakbo may nagliliparang papel "nasan na yung article three????" "mamaya na yung sa sports!" "uhm..." sabi ko "NASAN NA DAW YUNG AR---Ms. Malaya hala." gulat na utal na sabi nya, di ko sya kilala pero babae sya. "drop the Miss." "ano pong meron bat po kayo nagawi dito?" tanong nya. "HOY NASAAN NA YU---" napahinto sa pagsigaw yung isang babae na balak pagalitan tong bumati saken. Nginitian ko sya kaya lalo nyang nilayo tingin nya sakin. Pinatahimik nung isang babae yung mga tao sa clubroom. Mga 7 sila don kasama yung dalawang babae. " anong ginagawa nyo? Masyado atang madami?" tanong ko. "ay may bago po kasing article na naisama. Yung tungkol po sa suicide nung grade9 kanina, di pa po alam paano namin maisisingit kasi po madaming balita this week." Since nasa school nga lang kami, weekly lang sila naglalabas ng dyaryo nila. "I see. Pwede mabasa?" tanong ni Andrei. Pinapasok nila kami tapos dahil nga makalat sa loob, tinambak nya lahat yung papel na nasa sofa dito sa sahig tas don kami pinaupo. Lumapit sakin yung babae na sumalubong samin. Nagbigay sya listahan, nandito siguro lahat ng nandoon sa crime scene kanina. Verified tong newspaper club kaya sure na accurate lahat ng nilalabas nilang balita and once na magkamali sila or imbento ang balita nila, gagawing 75 ang general average nila or lower. Ambigat ng parusa di ba? Pero for me tama lang din kasi pano kung maging journalists sila tas peke mga infos nila di ba? Ang nakalagay sa listahan yung pangalan tsaka section nung biktima syempre. Kung saan sya natagpuan tapos ano kutob na nangyari. Ang nakalagay ay suicide... Di ko alam kung aaggree ako na suicide ba or sasabihin kong murder. Di pa naman confirmed na murder nga pero kung kami magcoconclude, murder yon. At kung murder, ayokong magtago ng truth sa mga kapwa ko estudyante kaso kasi yung reputasyon ng school masisira tsaka pag sinabi na murder, madaming matatakot. "ate Malaya bat po kayo napunta rito?" tanong nung babae "ay ano kasi, pwede makahingi sample ng school newspapers noong 1990 hanggang 1993?" tanong ko "SAMPLE DAW NG DYARYO MULA 1990 HANGGANG 1993!!!!!" sigaw nung babae na di magawang tumingin samin. Hinanap nila yung dyaryo kaso mukhang tense na tense sila sa buhay. "kung wala okay lang, meron naman kami nung sa 1994" sabi ko. Nakakaawa kasi nagsisigawan na sila. "di po maam, nandito lang po yon. HANAPIN NYO SA BAWAT CABINET! BAKA NAIHALO SA MGA BAGO!" sigaw nung isa pang babae. "katakot dine" bulong ni Andrei "yaan mo na napepressure sa presensya mo." sabi ko. "maam eto po, kaso po may pilas po yan isang page sa 1992." sabi nung babae na kanina pa tahimik "bakit may pilas?" tanong ni Joaquin. Oo nga, kung file to iniingatan to ng club kasi kailangan ng Documentation di ba? "recently lang po kasi nakabalik samin yang year 1990 hanggang 1999. Nakita lang po namin jan sa labas kasama po ng ibang tambak." kwento nya "e pano mo nalaman na dyaryo nyo yon?" tanong ko. Syempre di ba sino bang gagalaw ng tambak? "kakasali ko lang po kasi sa club this school year, ang maglinis lang po trabaho ko kaya po alam ko po yung mga bagong kalat sa hindi." paliwanag nya. Tinignan ko si Joaquin tas nakatingin din sya sakin... Pinapahiwatig ng tingin nya na makakatulong tong bata "be ano name mo?" tanong ko. Alangang ipatanong ko sakanila edi natakot yung bata. Si Joaquin pa naman di mukhang gr10. Broad shoulders, 5'11 ang height, light brown ang mata, messy ang buhok. Tas si Andrei matangkad na payat. Nakasalamin, laging nakahoodie tsaka malulunod ka sa titig kaya nakakailang pag kakakilala mo lang sakanya pero maganda rin kasi usually pag nagkataon na nasa disciplines office (D.O) nakikichismis sya sa ibang bata na may kaso tas syempre mapapatingin sya sa bata tas yung bata mapapatingin sakanya edi matatakot yung bata tas mapapaamin. Di ko alam kung talent yon pero mukha nga although laging sinasabi ni Andrei na wala naman syang ginagawa nakikinig lang sya. "Mai!!! Asan na yung pinapakuha ko???!" sigaw nung babae na di tumitingin sakin. Nagulat yung bata kaya sya siguro si Mai. "anjan na po, natabunan ng ibang papel." utal na sabi nya. "sino club president dito?" tanong ni Andrei. Nagtaas ng kamay yung babae na di makatingin samin "hihiramin muna namin to saglit balik nalang namin after basahin, tsaka si ate, jan lang kami sa labas." sabi nya tas lumabas na kami kasama yung bata tas sinara ko yung pinto "so ano name mo?" tanong ni Joaquin "Mai Dela Vega po." sagot nya "anong grade kana?" tanong ulit ni Joaquin "7 palang po." sagot ni Mai "alam mo na ganyan magiging trabaho mo sa newspaper club?" tanong ni Joaquin Balak ko din itanong yon kaso nakakahiya baka maoffend, buti nalang palatanong tong jowa ko. "hindi po e." sagot nya na may pagkadismaya "bat ka ba sumali don?" tanong uli ni Joaquin Nagspark yung mata nya, tas excited syang nagkwento. "journalist po kasi both parents ko, dito po sila nag aral kaya simula po nursery dito ko pumasok--" Napaisip ako sa kwento nya about sa parents nya.... Kung dito sila nag aral tas journalist sila ngayon.... Edi alam nila ano nasa napilas na copy? "kaso po di po sila nakasali sa newspaper club - -" Putangina naman tatanong ko palang e "kaya po ako nalang sumali para sakanila. Kaso busy po parents ko kaya di ko pa po nasasabi na nasa newspaper club ako. Uuwi po sila sa bahay pag gabi, tulog na po ako tapos po pag umaga paalis na po ako papunta school mahimbing po tulog nila." Taena ansad. Although ako nga di ko nakakasama parents ko pero okay lang sakin.... I mean, may magagawa pa ba ko? Tsaka feeling ko kasi malilimitahan mga gusto kong gawin pag andito sila... Ngayon ngang di kami magkakasama puro na sila paalala e. " sumali po ako sa club kasi gusto ko po sila maging proud tsaka po may talent po ako sa photography tsaka po sa writing." It runs in the blood duhhhhhhhh "we? Patingin!!" sabi ni Andrei... Nakakatuwa kasi alam na alam nila pano makipagkasundo sa bata... Ako kasi lumaki talaga ko mag isa kaya wala akong alam jan maliban sa mag tiis sa ingay ng mga bata Nilabas ni Mai yung phone nya tapos pinakita nya mga sceneries na nakuhaan nya pic...mga players, magjowa, chemists, clubroom nila, teachers, basta ang galing. Literal na talent sa photography. Tas binuksan nya notes nya sa phone, puro tula. Tas may nakita akong bagong note... Today lang naisulat "Mai pwede tignan yon?" turo ng jowa ko don sa note na ngayon lang ginawa. "hala, kapareho lang po yon nung nakita nyo kanina sa article na ilalagay sa dyaryo." sabi nya pero binuksan nya parin. Maganda. Ang ganda ng pagkakasulat nya, tamang tama yung words, punctuations, grammar... Sensya na Grammar police ang lola nyo. "ganda ah. Bat di ayan yung ilalagay sa article?" tanong ni Drei "pagdating pa po ako ng gr9 makakasulat e." sabi nya "gr7 po ako po tagalinis, gr8 tuturuan ko po mga bagong sali sa club mga lilinisin tas gr9 palang po ako makakapag sulat tsaka makakagawa dyaryo." sabi nya "sino gumawa ganyang rule?" tanong ko. Wala naman kasing rule na ganon. Pag may potential ang bagong sali, isalang kaagad. Iintrohan lang ng nga do's and don'ts. "sila ate Faye po" sabi nya. "yung club presidents po ng mga club na andito sa 6th floor. Yon po sabi nila saming mga bagong sali" Nagkatinginan kaming tatlo. "napakabobong rule." sabi ni Andrei. "anong gagawin natin? Magsusumbong tayo?" tanong ni Joaquin "hindi. Gusto mo kausapin namin?" tanong ko. "wag po! Sasabihin po nila napakasimbungera ko." sabi nya Oo nga. Ganon din pag nalaman ng teachers. Papahirapan ko nalang yung club tangina nila. "Mai, bigay ko sayo number ko tsaka social media ko,imessage mo ako don pag kailangan mo ng kausap tsaka pasabi sakin if may suspicious n anangyayari sa loob. But promise me not to tell anyone na nagkakausap tayo." sabi ko tapos tinype ko na number ko sa phone nya "opo ate. Pero bakit po ako? Bat di yung club president" tanong nya "di ko sya bet" sabi ko. Di ko talaga trip yung club presi nila. Gr12 yon or Gr11. Basta mas matanda saken alam ko mukha ng mga kabatch ko. "tsaka Mai, pagpasok mo wag kang magsasabi sakanila ng tungkol sa pinag usapan natin." sabi ni Joaquin "tanga edi magsususpetya yon." sabi ni Andrei Tangina ano pwede naming ipakwento sa bata. "sabihin mo pinakwento ko mga nangyayari sa club." Gulat silang napatingin sakin. Nagulat din ako sa sinabi ko di ko alam bat yon lumabas sa bibig ko. "gago ka ba? E ayun yung pinag usapan" sabi ni Andrei "basta Mai yon sabihin mo." sabi ko... Nagulat ulit ako. Di ko kontrolado bibig ko "ate..." utal na sabi nung bata Napunta sakanya atensyon namin tas nakayuko sya mukhang natatakot. "pwede po bang tawagan kita ngayon?" "sige pagbali--" "di po ate, as in ngayon po bago po kayo umalis tas wag nyo pong ibababa." bigla nyang sabi Napaisip ako bakit pero tinawagan nya number ko, sinagot ko iyon. Nagkabit sya ng airpods tapos tinago nya sa makapal na bagsak nyang buhok. "papasok na po ako. Maraming salamat po sainyo." sabi nya Pumasok na yung bata tas umalis na kami.... Tinapat ko yung phone sa tenga ko para makinig. Nirecord ko din para pag may mangyari may back up ako. Di ako nag switch sa speaker kasi baka may makasalubong kami. Nag hagdan na kami kasi 6pm na balikan na sa mga dorm kaya gamit na gamit elevator. Nung papaliko na kami...nakasalubong uli namin yung babae sa elevator kanina...paakyat sya. Nagmadali ulit sya paakyat nung nakita kami. "Mai ano pinag usapan nyo???" boses nung babaeng sigaw nang sigaw kanina. "pinakwento lang po nila yung mga nangyayari sa club." sagot ni Mai. Confindent pagkakasagot nya kaya hindi kahinahinala. "ano mga sinabi mo? " tanong nung Club Presi ata. Ampanget ng boses e. "yung tungkol po sa kung paano nakukuha nilalagay sa article natin." sabi nya. Mukhang pinupulbos si Mai...natahimik yung paligid. "yon lang po tanong nila e. Tas pinakwento lang po yung buhay ko sa bahay, akala daw po kasi nila parents ko nagsulat nung napilas na article" pambasag sa katahimikan na sinabi ni Mai PUTANGINA. PANO NYA NALAMAN YUNG TUNGKOL DON??? SINABI KO BA??? DI NAMAN DI BA??? Ganon ba katalino tong batang to? Grabe "ang galing mo babe" sabi ko "bakit?" tanong nga Di ko pinansin at nakinig nalang. "ah ganon ba. Osha, magligpit na kayo 6pm na." sabi nung club presi. Nakarinig ako ng mga bagsakan ng malalaking portions ng papel tsaka pagsasara ng cabinet. Nakalabas na kami sa club building pero di ko pa binababa yung call. Pabalik na kami sa dorm pero mejo malayo yon kasi dadaanan pa namin school building tas ilang tindahan (mall, lib, etc.) *-*-*-*- A/N Hi sorry magulo yung story... Pero kasi ang pwesto nyan pagpasok mo sa gate nakaharap ka sa school building... So we'll start the illustration sa left. Sa pinakadulo is the club rooms, courts, and pools (kasi club ang sports kaya malapit lang don yung club building) then the School building tinabi ko na iyon sa school building kasi para mabilis na rampa nila ryt after classes kung didiretso man sila sa club tas katabi ng school building yung mga dept. store, chapel, Library, tas kung ano ano pang tindahan na mababanggit tapos yung dorm na. Bale mahabang lakaran talaga kasi madaming dadaanan. Huhu sorry gets nyo di ako magaling mag explain. *-*-*-*-*-*-* "ate Faye una na po ako. Anjan na po si Sarra sa labas" narinig kong sabi ni Mai "ah sige Mai, ingat kayo."sabi nung Club Presi. " ate Malaya anjan ka pa? " bulong nya " baka anjan kaibigan mo malaman na kausap mo ko. "sabi ko walang pwedeng makaalam na naguusap kami ni Mai. Di naman sa pagiging makapal mukha pero baka madaming mainggit sakanya. " di po ate, magkikita po kami sa labas ng club building. Narinig mo po ba?" "Oo Mai." sagot ko. "ate malapit na po ako sa baba ng building. Text nalang po kita pag may update ako." sabi nya "ingat ka Mai." sabi ko "tumahimik sa club room nung lumabas tayo." biglang sabi ni Joaquin Napalingon ako "ahhh kaya pala nasabi ni Laya yun." sabi ni Andrei "alin?" gulat na tanong ko "yung sasabihin nya pag tinanong sya." sabi nya "hindi, di alam ni Laya na masasabi nya yon." sabi ni Joaquin Kinilig aq. Kilalang kilala aq ng jowa q hihi. HAHAHAHAHAHAHA "eh?" nagtataka si Andrei "pagkasara na pagkasara ni Laya ng pinto may narinig akong may nagbubungguan, mga naguunahan siguro sa may pinto para makinig." sabi ni Joaquin "di ba soundproof mga kwarto? Pano mo nalaman na natahimik?" tanong ni Andrei "gago dorms lang sound proof." sabi ni Joaquin. Onting lakad nalang malapit na kami sa dorms, magkatapat lang naman mga building namin kaya gora lang. Pumasok na kami sa building ko tas hinatid na nila ko sa kwarto namin. Pinasok na rin nila mga dyaryo tsaka hinati namin para makatulong nga bois sa pagbabasa. Nasa kwarto na iba naming gfriends tas nagpaalam na sila Joaquin. "may nakita kayo?" tanong ni Crissel. "yea. Newspapers." sabi ko tas pinakita sakanila yung mga dyaryo tsaka yung pilas na page. "asan page neto?" tanong ni Clei "aba malay ko. Binigay sakin ng newspaper club yan wala na yang page na yan." sabi ko "anyway, magbasa kayo jan kung ilan kaya nyo." Tas tumawag na si Joaquin via Discord. Magkakasama na sila sa kwarto nila Joaquin at nagbabasa na rin. "if you find something suspicious sabihin nyo kagad without hesitation." sabi ko. Mahalaga tong kasong to di ako matatahimik hangga't di napapatunayan na suicide ang nangyari. *-*-*-*-*-* A/N Hi sorru di q alam kung mamementain q pag update ng story but I'll do my best. Nag aaccept din po me ng criticisms and suggestions for improvement. Open po ang comments. Stay safe everyone. Praying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD