Chapter 2. 1

3130 Words
Malaya 7:00pm nagutom na ko. "ano gusto nyong kainin?" tanong ko "ano meron jan?" tanong ni Shan "pork, beef, chicken, fish, sayote, carrots, potato marb--" "potato marbles with cheese." sabay na sabi ni Shan tsaka Crissel All time fave kasi namin yon tas tuwang tuwa pa sila sa luto ko kasi daw sakto lang timpla. "oy ano ulam nyo?" tanong ni Benjie "magluluto si Laya potato Marbles" sagot ni Clei. "ay patatas. Joaqs ano ulam naten?" tanong nya "magluluto ko fried chicken." sabi ni Joaquin "LAYA GUSTO KO DEN NONNNN!!!" sigaw ni Ayi Nangiti ako tas nilabas ko na yung dalawang kilo ng potato marbles tsaka isang buong chicken "fried ba?" tanong ko "kaya ba magroast tonight?" tanong ni Clei Tumango ako. May oven naman. "kahit 9pm na tayo kumain para gutom na gutom." sabi ni Crissel Uunahin ko na yung chicken para habang nagroroast niluluto ko na yung potato marbles. A/N Gais try nyo personal recipe q i2 and bet sya ng fam q hehe kayo na bahala sa measurements kasi di q alam ano bet nyong alat tamis asim or what Sinugatan ko yung chicken tsaka hiniwa yung isang side para flat sya tas nagtimpla ako sa bowl ng soy sauce, tomato ketchup, oyster sauce, sesame oil, tapos nag minced ako garlic tsaka leeks. Nilagay ko yung chicken sa glass tray, skin side down, tas binuhos ko na yung marinade. Binalutan ko ng Cling Wrap tapos nilagay ko sa fridge saglit. Kahit 1hr lang sya don manunuot na lasa. Pero yung iba gusto 24 hrs kahit wala naman masyadong pinagbago sa lasa. Sa loob ng 1hr. nilabas ko yung potato marbles tas nilagay sa malaking planggana. Huhugasan dapat to isa isa tsaka ibabrush kasi di na aalisin yung skin. Gara naman kung kakain ka tas may lupa yung kinakain mo di ba Kulang ang 1hr sa paglilinis ng 2kg na potato marbles pero go lang kaya nagsimula na ko pero di bale nang late para manuot lasa ng chicken natin. "kain tayo." aya ni Nari "masarap magluto chef namin dito kaya mejo matagal, pang 5 star kasi" sabi ni Shan "pwede na mag asawa" habol ni Sheenah "wag kayo mag aalala papakasalan ko yan" rinig kong sabi ni Joaquin Di ako kumibo....kinikilig ako putangina. Habang kumakain na mga lalaki, sila (girls) nagbabasa parin. "gago nakakahiya tayo lalaki tayo pa nauna kumain." sabi ni JJ "gaga okay lang, nagpapagutom kami." sabi ni Clei. Binago ko yung rules abt sa pagbabasa. Ang sabi ko iwanan nila ng marka yung Page na sa tingin nila suspicious tas maya maya namin pag uusapan lahat. 1hr and 30 mins chaka lang ako natapos hugasan yung mga patatas Sinalang ko na yon sa cold water na nasa kaldero tas tsaka ko sinilaban yung kalan. Baka magtanong kayo Bat di mo isalang yung patatas pag kumukulo na yung water? The answer is : para pantay yung pagluto. Pagka kasi sinalang natin yung potatoes habang kumukulo na yung water, ang tendency mauunang maluto yung labas compare sa loob and we do not want that hihu Nilabas ko na yung chicken sa fridge tas tinanggal yung cling wrap. Binaliktad ko yung chicken, yung skin na yung nasa taas tapos pinasok ko sa oven. Oven safe naman yung glass tray na pinaglagyan ko. Pre heated na yung oven ng 360° tas roast kang natin chicken ng 360° for 40-50 mins. Sakto na sa pagluluto ng potato marbles. Habang nag aantay, nag minced na ulit ako garlic tas nilabas butter tas nag grate na ko parmesan tsaka cheddar cheese After 30 mins, naluto na yung potatoes. Dinrain ko na yung potatoes tas nilagyan ng olive oil yung pot. Nag gisa ako ng garlic tas nilagyan ko ng isang stick ng butter. (di ko alam pano nyo tinatawag yon pero di yung buong bar ng butter,yung maliit na rectangle lang) "Ang bangooooo" biglang react ni Tintin Nilagay ko na yung patatas tas naghalo. Nakakatakot haluin kasi ang dami baka matapon pero syempre dapat dahan dahan. Binuhusan ko na ng cheddar tsaka parmesan cheese tas tinimplahan ko ng salt tsaka pepper tsaka dried basil leaves. Binuhos ko yon sa oval na pot tas nag topping ng cheddar tsaka parmesan cheese tas nagsalang ulit ako butter tas binuhusan ko ¼cup milk tapos isang karton ng all purpose cream (Nestlé Cream) Nilagyan ko ng cheddar tsaka parmesan tas hinalo hanggang matunaw yung cheese. Sakto 50 mins ng chicken yung pagluto ng cheese sauce. Hinain ko na yung chicken sa malaking plate yas kumuha kutsara tsaka tinidor. "magpaplato pa ba kayo?" tanong ko "di na kutsara tsaka tinidor nalang." sabi nila. Sinerve ko na yon tas nakita ko sa laptop lo na nagbabasa ulit mga Bois. "tara kain" aya ko. Nilingon nila kami tas nakita pagkain namin. "sarap naman nyan." sabi ni Alexis "Joaquin bukas gusto ko non." turo ni Andrei Kumain na kami. ______________ As usual naubos. 11pm natapos kaming basahin mga dyaryo tas maliban sa napunit na page, wala na kaming nakitang suspicious. "para san ba newspapers?" tanong ni tintin "wala tawag lang ng laman." sabi ko. "gaga l***g yan" sabi ni JJ "Tange!! Kutob kasi." sabi ko. "feeling ko connected to sa case ni Del Carmen." sabi ko "hala may mumu sa school." sabi ni Benj "gago. Di pramis feeling ko. Ay wait may nabasa ko." sabi ko Kinuha ko yung dyaryo last year 2020 A/N lets all pretend that covid isn't a thing T.T I miss my friends and Jowa na T.T "ano meron jan?" tanong ni JJ "sabi dito week 5 ng s.y 2020 article written by Ate Cheska na college na ngayon, grade 9 tayo nito, may dalawang estudyanteng nawala. Sinabing hindi nag dorm yung dalawang students kaya uwian sila." sabi ko "gr12 sila pareho, meaning college na sana sila ngayon. Huling beses na nakita yung dalawa nasa clubroom. Member sila ng Math Club." "oh, ano connect nyan sa pagkamatay ni Del Carmen?" tanong ni Clei "wait hala nakalimutan ko ieexplain ko." sabi ko tas binatulan ako ni Clei NAKALIMUTAN KO KASI ANO CONNECT DEPUNGAL "tuloy mo na." sabi ni Mara "nasa club room sila, nagpiprepare para sa Math week na gaganapin right after exam week. Chineck ang CCTVs pero wala namang nakita na dumaan sila para umalis or may dumaan na kumuha sakanila." tuloy ko "come to think of it, 5th week na din ngayon exams na next week tapos same day nangyari yung pagkawala nila, ayan oh, Monday din." sabi ni Crissel. Di ko na napansin yung detail na yon pero goods na den na napansin nya. "so ano? May pattern?" tanong ni Shan Nag shrug ako balikat kasi kung pattern, last na tong kay Del Carmen kasi wala nang sumunod na crime after non. "how come di natin nabalitaan yang pagkawala nung dalawa?" tanong ni Benj "ako alam ko." halos sabi naming lahat "di ka kasi nagbabasa dyaryo" sabi ni Alexis "edi haunted nga yung school?" tanong ni Andrei "no." sagot ko "e ano?" tanong nilang lahat. "nasa school lang may kasalanan." sabi ni Joaquin. Napakatalino ng jowa ko hihi Tumango ako. "pano yon?" tanong ni shan "ang sad isipin na sa young age ganto mga nagagawa ng mga kabataan." singit ni Jass Umagree kami kasi tangina high school mag aabduct ka ng estudyante. "kaso, di pa naman tayo sure kung murder nangyari kay Del Carmen di ba?" sabi ko "bukas ata makukuha autopsy sabi ni Tito." sabi ko "curious ako sa laman ng phone, baka napaaway si Del Carmen habang nasa rooftop tas aksidenteng naitulak." sabi ni Mara "pero sino di ba?" sabi ni Clei "pero about sa a*******n last year, pano makukuha yung dalawang babae nang walang may alam? Syempre di ba mag iingay tsaka papalag yon?" tanong ni Alexis "edi madami sila." sabi ko Nag froze ako....madami sila..... "anyare?" tanong ni Shan Naalala ko yung sabi ni Clei nung madaling araw. "gago Clei." sabi ko gulat na gulat Ang bilis ng t***k ng puso ko tapos tong si Clei tsaka lang narealize tapos yung mukha nya gulat na gulat. "ano??" tanong ni Sheenah "Laya kaya mo ba iaccess footage kahapon?" tanong ni Clei Tumango ako. "ha?? Para saan footage??" tanong ni Jass "gurl wag mo alisin cctv sa TV, baka may mangyari." sabi ni Crissel Kumuha ako HDMI sa kwarto ko tapos cinonnect ko laptop ko sa TV. "mag share screen ako para makita din nila." sabi ko Dalawang screen na yung CCTV namin then nirewind ko yung video hanggang sa umabot sa kaninang 12am. Pinaliwanang ni Clei lahat ng nangyari na syang nagbigay kilabot saming lahat. "bat di natin icheck?" tanong ni Sheenah "nakalock na mga fire exit" sagot ni Clei "edi pano sila nakapasok?" tanong ni Benj "edi may susi tanga ka." sagot ni Nari "di naman tayo pwede mag conclude na connected yan sa kaso ni Del Carmen di ba?" sabi ko. "baka kasi Janitor lang." sabi ko ulit "di naman mabubuksan ng Janitor sa 4th floor yung pinto aa 5th tsaka 6th tsaka para lang mailock tsaka mabuksan yon dapat may susi ka." sabi ni Clei "ang creepy putanginanyo." sabi ni Ayi na nag aayos na ng tutulugan namin Nag buzz phone ko tapos nakita ko si Mai tumatawag. "yes Mai?" "ate tulog kana ba?" utal na sabi nya "hindi pa bakit? Kasama ko ibang officers may ponag uusapan kami. Musta? " "may pauwi po kami, may senior high po na sumusunod samin." sabi nya "bat ngayon mo lang sinabi? Hanggang saan ka sinundan?" tanong ko Sinet ko yung phone sa speaker para marinig nilang lahat pati nila Joaquin. "hanggang bahay po ate, nahalata po nung kaibigan ko kaya po dun kami dumiretso sa bahay ng pinsan nya na kavillage lang namin. Katapat lang po ng bahay ko yung bahay ng kaibigan ko kaya di po muna kami dumiretso don, ngayon palang po kamj naihatid pauwi" paliwanag nya 11:37pm na tapos ngayon lang naihatid? Ano yon simula kaninang 6pm hanggang ngayon nag aabang sila don? "bat ngayon lang kayo naihatid?" tanong ko "para daw po sure na wala na sabi nung Kaibigan ko." kwento nya "alam ng tita nya na sinusundan kayo?" tanong ko "hindi po, baka po kasi magpanic yung tita nya, may sakit daw po kasi sa puso. Sinabi nalang po namin na nagpapalipas oras lang kaya po minessage namin mga magulang namin na don po muna kami." kwento nya "ano itsura kamo." bulong ni Mara "alam nyo ba ano itsura nung sumusunod?" tanong ko "hindi po ate e, naka surgical masks po silang tatlo. Isang babae po tapos dalawang Lalaki hindi po namin sure if Gr11 or gr12 silang lahat pero po yung uniform po nila pang senior high." kwento nya. "baka don lang din nakatira sa village?" mahinang tanong ni Andrei "baka taga jaan lang din sa village Mai?" tanong ko "hindi po! Maliit lang po tong village namin kaya po alam na po namin sino mga nakatira, wala po senior high na nakatira dito ako na po pinakamatanda." paliwanag nya "nag aabang po sila sa labas ng bahay ng tita ng kaibigan ko. 10mins po siguro sila don nakamasid lang." paliwanag nya. "Mai kamusta ka?" tanong ko. Baka kasi nagpapanic na yung bata kawawa naman. "okay lang po ate, wala naman na pong nakasunod samin pauwi." sabi nya "mabuti. Simula ngayon maging cautious kana sa paligid mo. Sabihan mo na rin yung kaibigan mo. Nakakapanic yang nangyari sainyo." sabi ko. "opo ate. Kwinento ko lang po baka po makatulong sainyo. Goodnight ate." sabi nya tapos binaba na nya yung call. "sinabi nyo ba na nagiinvestigate tayo sa kaso ni Del Carmen??" tanong ko kay Andrei tsaka Joaquin "gaga magkakasama tayo kanina sa tingin mo ba nasabi namin yon nang di mo naririnig?" sabi ni Andrei Oo nga ano. "grabe talino nung bata." sabi ko "bakit?" tanong ni Jass Kwinento ko yung nangyari kanina sa club building pati don sa pano nagpalusot yung bata. Namangha sila pero si Clei di naconvince "pano kung kasabwat yung bata?" sabi nya "pano kung nilulure out nya lang tayo para kakapambiktima pa sya? Okaya pano kung inuutusan sya na kunin atensyon natin kasi tayo na isus---" "Clei wag mong ituloy." sabi ni Shan Oo nga, pano kung strategy lang to para isunod kami. "wala naman silang ginawa sa mga batang sinundan di ba?" sabi ni Benj Yan din sabi ko nung umaga patungkol sa mga tao aa fire exit... Pero seryoso nga wala naman silang ginagawang masama. "alam nyo, matulog na tayo alas dose na." sabi ni Ayi na kakatapos lang maglatag. "oo nga babe sleep na kayo jan. Matutulog na rin kami." sabi ni Joaquin. Nagpaalam na kami tapos binaba ko na yung call. Nagsihiga na kami tas ako sa sofa na ko nahiga. Di ko alam kung makakatulog ako... Gusto ko na malaman yung autopsy, kung sino sumunod kina Mai tapos yung mga tao sa Fire exit. YUNG BAG! Kukunin ko yung bag sa fire exit bukas pag maliwanag na. ______________ Nag 6am na. Nakatulog naman ako pero sobrang babaw. Like feeling ko may nakatingin sakin or magigising ako na para kong ginising nang mabilis, tas simpleng galaw ko nagigising ako tas mahirap na maghanap ng pwesto. Bumangon na ako kasi tulog pa silang lahat, ako na magluluto almusal. Nagluto ako pancakes tas inihain ko yung tinapay tas naglabas ako canned tuna tsaka cheese spread tas lettuce. Nagprito na rin ako Ham tsaka Hotdog. Nagising na sila tapos nag almusal na kami. Naggayak na kami para makapasok na. As usual, pagbukas ng pinto magkakahalo na babae tsaka lalaki sa building namin. Nagkakagulo na, maingay. Mabuti na rin siguro. Tsaka kami lang yana bothered sa nangyayari. Pagdating sa school building, nakita ko si Mai tsaka yung kaibigan nya pero di nya kami napansin. Dumiretso na kami sa locker tas kanya kanyang punta na sa mga classroom. Kaming dalawa lang ni Clei magkaklase tas si Nari, Joaquin, Benj, tsaka Andrei na,tapos si Mara, Sheenah, Tintin tsaka Ayi tapps sila JJ tsaka Gelo magkakaklase tas si Shan, Jass, tsaka Crissel magkakaklase. Naghati hati na kami kasi di makakasabay sa enrollment yung iba kaya di kami magkakaklase. Yung mga lalaki ewan ko bat di sabay sabay nag enroll. Di talaga kasi kami isang grupo. Friends ko mga babae tas friends ni Joaquin mga lalaki syempre. E jinowa ako tas tuwing may laban banda kasama ako lagi kaya nataon na magkakasama kami tas pinakilala ko sa mga kaibigan ko, nagkakasundo naman sila. Pagkadating sa classroom, wala pa don sila Joaquin di naman umaabsent yon kaya baka may dinaanan lang. 3mins before bell, dumating sila pawis na pawis halatang tumakbo. Naupo na sila sa mga upuan nila kasi parating na homeroom teacher namin. Pagpasok ni Ma'am binaba na nya gamit nya. "rise up!" sigaw ng classroom representative namin, si Gheline Hindi President or what yung tawag sakanila, class rep lang kasi ganon din naman trabaho. Tumayo na kaming lahat "Good Morning Ms. Dianne." bati namin kay Maam Nag good morning sya "sit down." sabi ni Gheline Naupo na kami tas nagcheck na ng attendance si Ma'am. Pagtapos nyang mag attendace, tumunog intercom sa room...yun yung speaker na may mag sasalita para mag announce. "good morning Fernandinians, this announcement is to inform you that classes are suspended." Nagsigawan silang lahat sa room dahil sa tuwa. "we will use this day to give respect to your schoolmate Lenard Del Carmen who passed away yesterday. He fell from our school rooftop. We request everyone to have a break and go back to your classrooms later 2:30pm so that we can give our condolences. Thank you and God Bless." "okay students, class dismissed." sabi ni Maam, tumayo na kami tapos binalik mga libro sa locker "nagmadali pa tayo pre puta." sabi ni Benjie "bat ba antagal nyo?" tanong ni Clei "traffic." sagot ni Nari Binatukan sya ni Clei. "tinanghali gising hehe." sabi ni Andrei. ____________ Walang laman yung bag.... Nandito kami sa fire exit para kunin yung bag... "ano mga anak, kanino ba yan?" tanong ni Kuya Ben. Kinuha ni Joaquin yung bag tapos sinabing ilalagay sa lost and found. Nagpunta kami sa School Building tapos inilagay sa lost and found yung bag. Nagpaalam sila Joaquin na pupunta sa Studio para mag jamming. Pupunta kami don pero punta muna kami sa supermarket para bumili kutkutin. "grabe pa kaba natin wala naman palang laman." sabi ni Ayi. "sa cctv meron di ba?" sabi ni Crissel. "oo gagi. Punong puno yung bag." sabi ni Shan. Gym Bag kasi yon, kaya kung anong laman non edi sobrang dami? As a player di napupuno nang palobo yung gym bag ako. Extrang damit, tubig, jersey lang kasi laman. Tsaka ganon lang din dala nung iba. Ang sapatos naman namin nakasabit lang. "baka kinuha na?" sabi ni Jass "Wala naman tayo nakita kagabi na dumaan don para kunin yung bag." sabi ni Clei "tsaka dumaan sila sa 4th floor tas 6th floor tas sa 5th floor nilagay yung bag?" "ewan sa mga yon. Masama parin kutob ko." sabi ni Clei Si Clei samin pinakasensitive. Malakas pang amoy, panlasa, pandinig, pandama. Sensitive din like mabilis mapagod, masugatan, masaktan, matakot. Si Mara yung damage namin HAHAHAHA parang sa laro...sya yung core or slayer. Pero tahimik lang sya, di mo mahahalatang ganon syang tao. Si Shan naman yung may pinakamadaming source. Madami kasing kakilala tsaka kaya nyang makipag usap sa ibang tao kahit walang kailangan di kagaya ko na sobrang mahiyain,makikipag usap ako sa ibang tao pag may kailangan ako tsaka pag konti lang tao sa paligid. Isang himala na nga na nakapag public speak ako nung election Si Crissel naman pinakamasipag mag aral samin tsaka pinaka inosente. Pag tinanong mo sya ano ibig sabihin ng Karat (s*x/kantot) yung karat sa jewellery isasagot nya. Si Ayi naman pinakafunny samin. Kaya nyang pagaanin yung mood sa kahit anong sitwasyon, ang mahalaga di sya affected. Si Jass naman yung mabait. Di nagmumura, tsaka paladasal. Spiritual Representative e. Si Kristene yung pikon samin. Pag napikon to di mo aasahan outcome. Like baka makasira sya pader ganon. Hulk ba HAHAHAHAHA Tas ako. Di ko alam ano ambag sa grupo namen (kasi ako nagsasalita gara naman kung magiging hambog ako) pero ako pinakamalandi hehe. May jowa e hehe. De, ako School Presi syempre. Base sa pinapahiwatig nila, ako may pinakamataas na IQ. Lahat alam ko tas lahat nasosolve ko kahit unang beses ko lang maka interact. Ako daw pinaka talented. Di ko alam, di ko naman napapansin e. Ang alam ko lang magaling ako mag overthink. *-*-*-*-*-*-* A/N hi sorry lateee. Try ko mag update weekly next time or everyday para di nakakabitin tsaka para di ko makalimutan ano yung naiisip kong plot HAHAHAHAHA Pls share the story and vote pag nagustuhan. Pag hindi nyo bet or nakulangan kayo open po ang comments. Love u all po
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD