Chapter 2.2

2181 Words
MALAYA Kung ano anong chichirya nalang kinuha namin tas 1.5 na soft drinks. 9am palang kaya mahaba haba pa oras namin para mag antay. Dumiretso na kami sa studio para makisama kina Joaquin "Laya kelan ka nagpagupit?" tanong ni Clei "ay bago magpasukan, sabi kasi ni Joaquin try ko daw magpashort hair, batet?" sabi ko "wala, ngayon ko lang napansin na maigsi nga buhok mo than usual." sabi nya "speaking of, gaga malapit na birthday mo ah." sabi ni Clei "oo, last day ng exam." sabi ni Clei "alam nyo dapat merong tricycle dito okaya bikes tangina napakalayong lakaran." sabi ni Clei Kasi di ba nga, mabilis sya mapagod "yaan mo na, exercise na rin." sabi ko Hindi masalita samin si Sheenah, Tintin, tsaka Mara. Pero pag si Tintin tsaka si Mara magkasama maingay sila as in. Di naman sa di komportable samin si Mara tsaka Tintin, ayaw lang nila ng maraming tao na nakapaloob sa convo. Halimbawa dalawa o tatlo lang kayong nag uusap ganon. "pasan kita Clei" sabi ko Apakakulet kase nya tas athletic pa kaya halohalo talaga. Umabot na kami sa studio tas naabutan namin na si Andrei tsaka si Nari lang andon "asan sila?" tanong ni Clei "tinulak sa building." cold na sabi ni Nari Nanlamig mga katawan namin, nakakakilabot. "putangina mo." sabi ko "tignan mo pa sa labas." cold na sabi nya. Nilamig ako, yung boyfriend ko! "tangina ka Rex pag napaiyak mo si Laya lagot ka kay Joaquin." sabi ni Drei "di nga mukhang kinabahan e." sabi ni Nari Ang normal face ko kasi para kong nakasimangot na masungit na ewan. Basta di ako nakasimangot ganto lang talaga mukha ko T.T Pero pramis natatakot ako "ngayon ba tamang oras na yan ang gawing joke?" pagtataray ni Clei "haha sorry Ya" sabi ni Rex tas umapir "asan ba sila?" tanong ko "bumili bagong string, nasira e." sabi ni Andrei "kailangan apat pa sila?" tanong ni Clei "oo mabigat string e." sabi ni Nari "e kayo bat kayong dalawa lang?" tanong ni Nari "close ba kayo?" tanong ni Clei "hinde. Bat ba apakasunget mo?" tanong ni Nari "crush moko?" tanong nya kay Clei "yuck." sabi ni Clei "makaYuck naman to! Ikaw ba si Mina ha??" sabi ni Nari Mina, Myoui Mina ng TWICE "ako pa nga lang nag yuck na pano pa si Mina?" sabi ni Clei "osha, Laya kaw muna sa drums wala drummer namin." sabi ni Andrei "si Jj? Marunong yon di ba?" sabi ko Jusmiyo nakakapagod layo layo ng nilakad ko "e pagod yon layo nilakad." sabi ni Nari "kami den." sabi ni Clei "ikaw lang, basketball player tong si Laya sanay yan magtatatakbo." sabi ni Rex Nag away na naman sila... Dumating na sila Joaquin, nahiga muna ko sa sofa dito tas nag selpon Ay ang OOTD ko pala naka short ako tas Army Green na oversized Hoody Nag fleet ako na nasa studio ako habang nirerecord jowa ko na kumakanta tas minention sya, tas scroll sa Twitter saglet. Maya maya may nag follow saken, Magkahiwalay kasi public account ko sa private, 3.8k followers ko sa public tapos less than 50 yung nasa private, lyk u know, trusted lang. Marami naman nagfafollow sakin everyday, marami din naghahart sa twts ko kaya di na big deal sakin kaso nakuha nya atensyon ko. @user82728197617 ang username tapos ako lang ang finafollow. Kahit sabihin nating bago lang acc, dapat may nafollow na syang mga idol nya di ba? "babyyyy" "babe" "bebe" "HOY TANGA!" "ano putanginamo?!" sabi ko Jowa ko tinatawag ako jusko namura ko sorry puta "sorry hehe." sabi ko "you've been spacing out lately. Anong nangyayari?" tanong nya "wala hehehe" sabi ko tas pinatay ko phone ko Tinaas nya paa ko tapos naupo sya tas pinatong nya binti ko sa lap nya tas minassage. "kailangan nila vocals bebe." sabi ko "di, si Benjie na bahala." sabi nya "ay nga pala bebe nagmessage si Gab" sabi nya Si Martin Espiritu, friend nila na overseas,nag aral yon dito last yr. "babalik daw sya dito." sabi nya "ow wow." sabi ko di kami gaano close. "san kwarto non?" habol ko "kasama nila Jeremiah tsaka Tyrone" sabi nya "ah edi don lang din" sabi ko "don lang available e." sabi nya Nagpaalalay ako sakanya na tatayo ako tas yumakap ako "nag joke si Nari kanina tungkol sayo." sabi ko "ansabe? May babae na naman ako?" sabi nya "gaga. Tinulak ka daw sa Building. E ang seryoso ng mukha nya tas si Andrei di kumikibo kaya kinabahan ako." kwento ko. Niyakap nya lang ulo ko tas kiniss ako sa buhok "di mangyayari yon nukaba." sabi nya Ambango ng jowa ko, di sya amoy pabango pero amoy bagong ligo sya kahit naglakad na sya nang malayo. Pag to nawala di na ko magjojowa pa "jusko umalis nga kayo sa paningin ko." reklamo ni Clei "ikaw tong lumingon e." sabi ni Joaquin Nangiti lang ako. ______________________________ Nag 2 30 na at nandito na kami sa room. "mga anak, change of plans. Lahat daw po tayo ay lalabas sa school building tapos doon mag gagather." sabi ni Maam habang nakatingin sa Phone "please mga anak walang tatakas, respeto sana sa kapwa nyo estudyante."sabi ni maam Nagsitayo na kami at lumabas Pagdating sa labas, andon na rin ibang estudyante, may harang sa part na binagsakan ni Lenard tapos nasa harap yung principal tsaka ibang admins tas teachers. " dear students, kindly offer your prayers to your co students who just passed away." sabi nung Principal. May moment of Silence tapos may ilang students na nag iiyakan,mga friends siguro andon din yung isa nyang kaibigan na lalaki tas gf. Mapa-lalaki o babae mga nag iiyakan pati ibang teachers. " please guide his soul and may we dig up the roots of this accident. I pray that this will be the last time this will ever happen in the history. In Jesus's name I pray, amen." bulong ko Natapos na din mag pray si Joaquin tsaka si Clei... Si Clei mukhang masungit padin. May nagbabother dito, di sya ganto madalas e. Maya maya pinaalis na kami tas sakto dumating tito ko. Naupo kami sa may bench. "may ibang fingerprints sa kanyang uniform sa bandang likod, walang katulad na fingerprints sa mga kaklase nya kaya pwedeng masabi na tinulak nga kasi ang sabi, hindi lumalabas ng classroom ang biktima kahit breaktime, hindi rin daw ito pala cr sabi ng kaibigan nya. And nabalitaan namin na right before the mahulog ng biktima ay nandoon ang kotse ng principal, siguro kaya sya tumagilid ay inakalang hindi aalis ang sasakyan, nagkataon na paalis ang principal nung oras na yon." paliwanag ni Tito So that explains the reason why he fell sideways "matagumpay naming nabuksan ang phone nya at tinignan ang messages." sabi nya "may isang number don na hindi nakaregister sa school ang nagdideath threat sakanya. Possible na ito ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ngunit hindi masabi kung death threats na pabiro ito." pagpapatuloy nya "pwede po na dalawa number nung murderer." sabi nung assistant nya. "pwedeng ganon. Matanong ko lang, malaya bang nakakapasok ang outsiders sa school?" tanong ni Tito "nakakapasok po sila pero mahigpit po na chinecheck ng guards mga gamit nila." sabi ni Crissel "may g*n detector, tas may babae tsaka lalaki po na nagkakapkap, plus, pati po temperatures and medical certificate tinitignan nila." habol ni Shan Sya nga madaming source kaya umaabot sya sa main gate. Yung ate nya kasi dito nag aaral, gr12. "tsaka kung makakaakyat ang outsider sa rooftop, inescort ni Lenard yon kung ganon." sabi ni Jj "officer ba kayo ha??? Sabi officer ang bahala sa gantong kaso e." sabi ni Clei HAHAHA ang officer kasi dito ako, si Joa2, si Clei, si Crissel, si Jass, tsaka si Shan. "pake mo ba ha? Makakatulong naman kame e HAHAHAHA." sabi ni Ayi "may point si Jj." sabi ko "kung sa labas manggagaling yon, si Lenard ang dahilan bat sya nakaakyat." habol ko "umakyat kaya tayo?" aya ko Nag agreehan silang lahat pati si tito tsaka yung isang around 20-30s year old na pulis Nagmessage si tito sa Principal kaya nakaakyat kami, sarado pa kasi yung rooftop kahit mga gagawa ng harang wala pa. "nga pala Laya, musta mommy mo?" tanong nya Tagal na din silang di nagkikita ni Mommy, si Mommy kasi nasa Japan di gaano umuuwi. "okay lang po tito, si tita tsaka Anika po ba?" tanong ko "ayon, 3 years old na si Anika hinahanap ka haha." sabi nya Nakarating kami sa rooftop Mahangin. Kinakalabit ako ni Joaquin na mejo nagpapanic tas di sya nagsasalita. Tinignan ko yung tinuturo nya, napatingin din yung iba kasi agaw atensyon yung pagkakalabit nya " is that...." react ni Mara Nilapitan ko yon tas.... Kutsilyo, may dugo. Nilagay yon ni Tito sa Zip Lock na bag. "ipapaverify muna namin kung kaninong dugo at sinong may hawak nito." sabi nya Bumaba na kami at umalis na sila tito. Naupo muna kami sa bench sa harap ng school Building. May clear view kami ng school building ngayon. "baka kaya nahulog si Lenard kasi may saksak sya?" tanong ni Benjie "wala akong nakitang butas sa damit nya." sabi ni tintin Hanga talaga ko sa observation skills nya tsaka kay Mara e. "pwedeng nag away si Lenard tsaka isa pang tao sa taas, isa sakanila may hawak na kutsilyo tapos habang nag aaway, nahulog si Lenard." sabi ko "e may dugo yunv kutsilyooooo" paalala ni Shan "may sugat yung isa pa." sabi ko Natahimik sila, kung mapapatunayan na kay Lenard yung dugo, edi nasaksak na si Lenard bago mahulog. Kung kay Lenard ang finger prints, may sugat ang nakakita ng nangyayari. "edi madali na nating malalaman kung sino yon." sabi ni Andrei "di rin, pano pag magaling magtago ng sugat" sabi ko "pano pag sa loob ng damit nasaksak?" tanong ni Joaquin. "edi alamin sino may butas na Uniform." "tatanungin natin lahat ng may hiwa dito?" tanong ni Alex Tumango ako. "pag nagkataon lang naman na may nakasalubong kayo, wag yung iisa isahin nyo sila tas tatanungin san nakuha yung sugat." sabi ni Clei "pwede ren, mas mabilis yon." sabi ni Benjie "hindi. pano pag nasa bandang dulo yung isa pa tas nalaman na nag iinspect ng sugat or butas sa uniform? Edi nakapag tago okaya nakapag isip na sya ng dahilan." sabi ni Joaquin "luck is on our side I guess." sabi ni Tintin "pano?" sabi ni Clei "naka uniform tayong lahat every monday, malalaman kaninong uniform yon." habol nya "pagkakatanda ko yung sampayan kada dorm nasa likod, and magkatalikod ang dalawang building. Meaning, nakikita ng bawat side ang mga sampay ng bawag isa." sabi ni Ayi "pano pag di nya nilabhan? Like tinapon nya sa trash or sa room nya sinampay." sabi ni Jass "edi yung pagtanong ng sugat lang chance natin." sabi ni Sheenah Lumingon ako sa kaliwa ko... May tao?! Nanonood sya samin nakatago sya sa likod ng mga basurahan. May sumusunod saamin. "baby balik na muna kayo sa dorm, mukhang uulan, lika na." sabi ni Joaquin. Lumakad na kami, lumingon uli ako pero wala na sya...pero ramdam kong may nakatingin parin. "you oki?" tanong ni Clei Tumango ako. Nakatingin lang naman sya, wala naman syang ginagawang masama. Di ba?? ____________________ Nakabalik na kami sa dorm, sila Joaquin din nasa dorm na nila. Tinext ko sya To: Babi If may makita kayong uniform na may butas sa building ng mga babae, let us know what floor tsaka pang ilang room. Kami na bahala mag look out sa building ng mga lalaki kasi mas madali yon para saamin. Pero pag pupuntahan yung room, kami na rin bahala kasi baka matagalan pa kung pupunta kami sa building nila, bababa pa kami ng 5th floor tas pano kung nasa 8th floor pa yung may ari ng uniform (hanggang 10th floor kasi ang dorms). From: Babi Hai hai. Gotcha baby Hai means okay/ yes in Japanese. "pano kung suicide nga?" tanong ni Sheenah Dito ulit sila matutulog, sa 3rd floor kwarto nilang lahat. "pag suicide, wala nang thrill mga buhay natin." sabi ni Mara Oo nga, kung walang mangyayaring ganto wala kaming pagkakaabalahan ngayon. This will be a wonderful year. *-*-*-*-*-*-* A/N (June 16 2021) Hi 2k words lang muna sorry natagalan T.T BTW, i did some edits on the characters' names. Feeling ko mabibisto ko ng mga nakakakilala sakanila T.T Bawi aq next ud Open ang comments sa criticisms tsaka suggestions mwa. Another edit: (June 20, 2021) Hi sorry matatagalan next ud, sobrang makakalimutin ko kasi nakalimutan ko kung paano mauuwi sa balak kong mangyari yung mga nangyayari. Sorry I'm onli 16 y/o while typing this story (although I've written a lot of w*****d stories way back 2015-16) and I really don't know anything much abt the world, lahat po ito ay fantasies and sariling kaalaman ko lang po huhu T.T I really dk if my mind is still okay but I am mentally traumatized po kaya natatagalan ud (maliban sa nakakalimutan ko yung balak ko mangyari) nadadalas po kasi breakdowns and overthinking. I'm really sorry but I'll do my best, thank you for your patience and support.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD