Chapter Three

1898 Words
Pagdating sa bahay ay wala si Mama. Pero may iniwan naman itong sulat na mamamalengke lang. Pumunta ako ng kusina para uminom sana ng tubig ng biglang may tumunog sa lamesa "Si Mama talaga.. Naiwan pa ang cellphone." May isang text message galing kay Papa. Hindi ko ugaling makialam pero nacurios ako kaya binasa ko ang text "Kumusta anak natin? Nag-aaral ba ng maayos? Pagsabihan mong wag mona magka boyfriend." Nilapag ko ito pabalik sa lamesa at pumasok sa kuwarto para magbihis. Si Papa talaga, para namang ewan. Paulit-ulit nalang kami. Nagising ako ng tapikin ni Mama sa pisngi. Nakatulog pala ako. "Kain na, tatawag Papa mo mamaya." Hindi paman kami natatapos kumain ay tumawag na si Papa through video call. Hindi ko ito pinansin. Alam ko namang paulit-ulit na naman ang kaniyang tanong pero ama ko siya kaya kailangan kong igalang at irespeto. "Agatha.. kamusta kana anak?" "Okay naman pa.. Ikaw diyan? Huwag po kayo magpaka pagod." "Okay lang.. para din naman sayo to." Nagkuwentuhan lang kami sandali tsaka pumasok na sa kuwarto para magsagot ng mga takdang aralin. Iniwan kona si Mama para makap-usap naman sila ni Papa. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ang kaganapan kanina. Hindi ko alam pero may gusto naba ako sa kaniya? Naku agatha.. Antok lang iyan kaya matulog kana lang. Bumangon ako ng maaga dahil maaga ako pupunta ng Unibersidad. Kaming mga scholar kasi ang naka assign sa pag design ng stage sa darating na Nutrition month sa susunod na Lunes. Naligo lang ako at nag ayos ng sarili. Pinagbaonan nalang ako ni Mama ng umagahan para dw hindi ako gutumin. Pagdating sa school ay agad ako dumiretso sa faculty para kunin ang mga gagamitin pero hindi pa pala nakabili. "Ms. Dimagiba, ikaw nalang e assign ko sa pagbili ng mga materyales. Wala pa kasi si Ms. Tuazon kaya ikaw nalang mona." sabay bigay sa akin ng lista at pera. Nagpara na agad ako ng traysikel sa labas papuntang mall at agad na sumakay. Tapos na akong bumili at uuwi na sana ng mahagip ng aking mata si Marco na may kausap na seksing babae sa isang resto. Hinawak hawakan pa niya ang buhok nito at inamoy amoy. "May pa I like You pang nalalaman, babaero naman pala." umalis na ako doon at agad ng bumalik sa school. "Agatha bili ka muna ng tubig ohh.. Nauuhaw na kami." sabi ng isang kasamahan ko sa scholarship. "Sige." Habang papunta ng Cafeteria ay nakasalubong ko si Marco kasama ang mga kateam niya sa basketball. Ngumiti ito sakin pero tinarayan ko lang ito at dinedma. Katapos kong bumili ay pabalik na sana ako ng may mabunggo ako sa aking harapan. Tiningnan ko ito at kita ko sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tinulak ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. "Agatha sandali… Galit kaba sakin? May nagawa ba ako? Nong isang araw tawang tawa pa tayo tapos ngayon hindi mo ako papansinin?" "Hindi ako galit. Baka wala lang ako sa mood." "Tulungan na kitang magdala niyan." binigay ko sa kaniya ang tubig at umalis "Edi ikaw na magdala… Pakihatid sa stage." Hindi muna ako bumalik doon dahil na aalala ko naman si Marco kasama ang babae niya kaya nagpalipas muna ako ng isang oras sa Library para makapag pahinga. Naalimpungatan ako ng may kumikiliti sa aking ilong. Agad akong napamulat ng mata at napa atras. "Ano ba? Nakikita mong natutulog yung tao.. Ano bang ginagawa mo dito?" nag senyas naman itong huwag maingay kaya nilibot ko ang aking paningin at maraming nakatingin samin. Oo nga pala, nasa library ako. Umusog ako ng konti at umayos sa pagkakaupo. "Nandito kana naman ba para asarin ako? Wala ako sa mood pwede?" "Im sorry kung may nagawa akong mali." sabay lahad sakin ng isang pulang rosas. "Namitas kana naman ba hallway? Alam mo namang bawal yun." "Oo bawal pero para sayo hindi." ngiti pa nitong sabi. Bumalik na agad ako sa stage para makatulong sa pag ayos. Magkakabit sana ako ng kurtina sa taas pero hindi ko maabot. Patalon talon pa ako pero wala paring nangyari.. Bigla namang may humawak sa kamay ko kaya agad akong napalingon at napaharap sa kaniya. "Tulungan na kita." Sampung segundo din kaming nagkatitigan kaya naitulak ko siya at gumawa nalang ng ibang gawain. "Wala ka bang pasok? Scholar students lang gumagawa nito." "Wala akong pasok. Vaccant pa namin ngayon kaya tulungan nalang kita dahil wala naman akong gagawin. " Alas siyete na ng gabi ng matapos namin ang gawain sa stage. Konting walis at floorwax lang ay okay na. "Agatha mauna na ako ha?" "Oh sige.. Mag-ikngat ka." Nandiyan pa naman ang guard ng school kaya alam kong hindi pa sarado. Niligpit ko lang ibang gamit para ibalik sa faculty at uuwi narin ako. Madilim na sa hallway non papuntang faculty kaya binilisan ko nalang ang paglakad. Pero para may nakasunod sakin. Paglingon ko wala naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero may nakasunod parin. Lingon ako ulit pero wala parin kaya pagharap ko ay napasigaw ako at tumakbo. "Tulong…" Hindi ko alam kung saan na ako papunta dahil nanginginig na ako sa takot. Sumiksik ako sa gilid ng basurahan para hindi makita. Palapit ng palapit ang yapak kaya ang lakas din ng t***k ng puso ko. Ilang saglit pa ay nawala ang mga yapak kaya dahan dahan akong tumayo at naglakad. Napasigaw na naman ako ng bigla akong hawakan nito sa kamay. Tinakpan niya pa ang aking bibig para hindi makagawa ng ingay. "Huwag ka ngang maingay, mapagkamalan pang kidnapper ako." Inalis ko ang kaniyang kamay saking bibig at tinulak. "Papatayin moba ako sa takot ha?.. Ikaw lang naman pala." "Uuwi na kasi sana ako kaso nakita kita kaya sinundan ka baka ano pang mangyari sayo." "Kaya ko naman ang sarili ko." "Kaya? Takot ka nga.. Tapos kana ba? Ihahatid nalang kita. Peace offering?" sabay ngiti nito sakin. Huminto muna kami sa plaza para kumain ng balot. Nagkuwentuhan at napagpasiyahan na rin naming umuwi. "Salamat sa paghatid.. Ingat ka." "Ikaw ang mag ingat.. Takot ka ehh.." Tinarayan ko nalang ito at pumasok na sa loob. Pagpasok ko ng bahay ay madilim na. Natulog na siguro si Mama. Nagbihis lang ako tsaka pumuntang kusina para kumain. Sinilip ko muna si Mama bago pumasok sa kuwarto at humiga. Napangiti nalang ako ng maalala ang mga kaganapan kanina. Agatha, nahuhulog kana ba sa lalaking yun? Patay ka talaga sa Papa mo kung ganoon. Nagising ako dahil sa sikat ng araw, tumayo ako para takpan ng kurtina ang bintana at bumalik sa pagkakatulog. "Anak.. hindi kaba papasok?" "Saglit lang ma.. Babangon din." Tiningnan ko ang orasan at napabalikwas ng bangon. Dumiretso ako ng banyo para maligo pagkatapos ay nagbihis at umalis agad. Tinawag pa ako ni Mama para sa umagahan pero hindi kona ito pinansin. Agad na akong pumara ng traysikel. Alas nuwebe na pala ng umaga, late na ako sa klase. Naku Agatha naman.. Pagpasok ng Unibersidad ay tahimik na ang hallway ng mga oras na iyon. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating ng room. "Si Ma'am?" tanong ko sa isa kong kaklase ng pagdating ko ay wala namang katao-tao. "Nag meeting para sa darating na Nutrition Month. Suwerte mo kung hindi naku.." "Nasaan yung iba? Bakit wala?" "Hindi mo alam? May practice ngayon ang Basketball team kaya panigurado nandoon sila nanonood." Umupo nalang ako sa aking desk at matutulog nalang sana ng makarinig ng sigaw papasok sa aming room at hinablot ako. "Besss… Ano kaba? Nood tayo ng Practice ng Papa Marco mo." "Ikaw nalang. Inaantok ako ehh.." Pero ang gaga isinama parin ako. Umupo kami sa pinaka ibabaw ng bench para makita namin ang naglalaro. Todo kantiyaw ang mga girls at ang mga boys naman todo kantiyaw din. "Ang guwapo talaga ni Marco no? Alam mo bang ang ganda ng girlfriend niya? Nakita ko sila sa isang restaurant kahapon. Pinicturan ko pa nga sila, ito oh.." Napalingon ako sa aking katabi ng banggitin niya ang pangalang Marco. Nakijoin ako sa kanila at tumingin doon sa litrato. Kita sa litrato na hinalikan ni Marco ang noo ng babae. "Oh diba ang sweet nila? Sana ganoon din maging boyfriend ko." Umiwas nalang ako sa kanila at nagpatuloy nalang sa panonood. Hinanap ng aking mata si Marco at nakita ko ito pero parang may hinahanap din ito. Ako ba hanap niya? Saktong titingin na sana siya sa itaas sa direksyon namin ng biglang may lumapit sa kaniya na babae at binigyan ng tubig. Pinunasan pa ng babae ang pawis niya at yumakap sa kaniya. Yumakap din siya pabalik at ngumiti. Iwan ko ba pero tumayo nalang ako at umalis. Hindi ko alam ang aking nararamdaman. Iniwan kona si Betchay doon at tumakbo na palabas ng gym. Napadpad ang aking mga paa sa isang garden na tahimik. Hinawi ko ang mga dahon at may nakita akong isang napakagandang fountain na may maliit na kubo. Pumasok ako doon at sa kakaisip ay nakatulog ako. Sakto namang pagtingin ni Marco sa itaas ay nakatalikod na si Agatha sa kaniya at dali daling umalis. Katapos ng practice ay hinanap niya ito kung saan saan pero hindi niya mahanap. Hindi na din siya nakapag concentrate sa laro dahil sa nangyari. Nagising si Agatha na madilim na ang kapaligiran. Ang haba pala ng naitulog niya at inabot ng dilim. Lumabas na siya at dumiretso sa room para kunin ang bag at kaniyang mga libro. Sobrang tahimik na ng hallway kaya nong palabas na siya ng gate ay bigla siyang nakarinig ng iyak. Nagkatinginan sila ng guard. "Kuya may tao paba dito?" "Hindi ko alam maam. Magsasara narin ako, baka guni-guni lang yon." Pero naririnig ko parin ang iyak kaya sinundan ko ang tinig nito at napadpad sa isang bench kung saan madilim. May nakita akong lalaking nakaupo at nakayuko. "Kuya, magsasara na si Manong. Ayaw mo pa bang umuwi?" napatingin ito sakin at bigla akong niyakap. "Alam mo bang boung maghapon kitang hinanap. Saan kaba nagpunta? Bakit ka umalis sa practice ko?" "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Gabing gabi na tapos may pa iyak ka pa. Napagkamalan ka tuloy naming multo." "Im sorry kung nagselos ka man doon sa nangyari." hinawakan pa nito ang aking kamay. "Sorry? Selos? Bakit may gusto ba ako sayo? Tayo ba?" "Hindi. Pero alam ko sa mga mata mo na nagseselos ka. Umamin kana lang kasi.. kasi ako matagal ng umamin sayo." "Alam ko namang trip mo lang ako diba?" pa iyak ko pang sabi. "Maniwala ka.. dati yon pero iba na yung nararamdaman ko para sayo. Agatha, mahal na kita." Hindi ako makasagot at tulala lang na nakatingin sa kaniya. Halo-halo ang aking emosyon. Niyakap ako nito at doon na ako natauhan. "Hindi.. Mali ito Marco. Alam mo naman ang sitwasyon ko at sitwasyon mo diba?" "Hindi yun mahalaga. Mahal mo rin ba ako?" "Siguro dahil iba na din ang nararamdaman ko para sayo." hinawakan nito ang aking mukha at hinalikan ako sa noo. "Huwag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako." sabay yakap nito sa akin. "Sino ba kasi yung babaeng yumakap sayo kanina?" tumawa lang ito at tiningnan ako sa mga mata. "Pinsan ko lang yun. Huwag kang mag alala, ikaw lang mamahalin ko." Dahil sa sitwasyon naming dalawa ay inilihim nalang namin ang mga nangyayari sa amin. Sinabi ko naman sa kaniya na ayaw ko ng g**o at ayaw kong makarating kay Papa kaya um-oo naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD