Chapter Two

1799 Words
Araw ng sabado kaya naisipan namin ni Betchay na mag jogging. Malamig ang simoy ng hangin kaya masarap e exercise. "Oh, ano na palang balita doon sa paghingi mo ng tawad kay Marco?" "Wala. Pinaglaruan lang ako." "Dakilang bad boy yun ehh… Pano pag nalaman ng Papa mo?" "Hindi yun. Hindi naman ako sikat kaya mabubura agad yun sa mata ng mga tao." Tumambay muna kami sa parke para magpahinga at manood sa mga batang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang. "Siguro ang sarap magka pamilya ano betchay?" Hindi ito sumagot kaya tumingin ako sa kaniya. Nakatitig ito sa malayo kaya sinundan ko naman kung saan siya nakatingin. "Diba sa Marco yun Ags? Sino yung babaeng kasama niya?" "Aba malay ko, baka girlfriend? o di kayay ka fling?" "Siguro, pero alam mo ang gwapo niya talaga. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Ang kaso lang, ang yabang kaya no tayo diyan." Naalala ko naman ang nangyari kagabi na kasama siya. Oo ang guwapo niya nga kung titigan sobrang yabang naman at m******s din. "Halika na nga, maghahatid pa ako ng kakanin sa mga suki ni Mama." Ang hindi nila alam ay alam pala ni Marco na nandoon si Agatha kaya naghanap siya ng paraan para pagselosin ito. Gusto niya din magpahangin para makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi din makatulog dahil doon. Pero dumoble pa yata ng makita niya si Agatha sa parke kasama ang kaibigan niya. Hindi mawala sa isip niya ang ngiti nito at ganda. Kaya nung umalis na sila ay napagpasiyahan na din niyang umuwi. Alas sais palang ng umaga ng bulabugin ako nito sa kuwarto. Ang sarap pa naman ng tulog ko. "Anak bangon na dali… May e uutos ako sayo." "Si Mama naman. Ang aga pa kaya.." sabay hikab ko at iidlip pa sana sa pagtulog. "Nag order kasi kahapon si Perla ng puto, dadalhin niya daw sa Probinsiya. Kaya bangon na at ngayon alis nila." Napilitan nalang akong bumangon at nagbihis. Hindi pa nakapag kape at sepilyo ay gumayak na agad ako. Papikit pikit pa akong naghintay ng tricycle sa eskinita ng biglang may bumusina kaya napamulat ako agad. "Ano ba!" Tinanggal niya ang kaniyang helmet at nagulat naman ako at napataklob ng mukha. "Anong ginagawa mo dito? Bakit alam mo bahay namin?" "May kaklase akong nakatira dito. Bakit nasaan ba bahay niyo dito? Tsaka may lakad ka yata?" sabay tingin nito sa dala kong puto. "Inutusan lang ni Mama, uuwi kasi ng Probinsiya nag order nito. Ngayon ang alis kaya nagmamadali ako." "Tara samahan na kita… Wala naman akong gagawin." "Sure ka?" "Oo, may kukunin lang naman ako doon sa kaklase ko." Hindi na ako nag inarte kaya sumakay na ako. Kinuha nito ang kamay ko at iniyakap sa kaniya. "Yumakap ka ng mahigpit baka mahulog ka, nagmamadali tayo diba?" Humawak nalang ako ng mahigpit. Kahit nakakahiya dahil ang baho ko pa at yung nangyari din sa amin ay binalewala ko nalang. Nakarating kami agad sa bahay ni Mang Cario at sakto namang paalis na sila. "Mang Cario, ito na pala ang puto. Pasensiya na kung natagalan." "Okay lang iha, mabuti at naka abot ka." ngumiti ito sa akin at tumitig sa aking likuran. "Sino siya? Kay guwapong bata. Boyfriend mo iha?" "Hindi po, kaibigan lang. Sinamahan niya lang ako." "Oh sige, mag-iingat kayo pauwi." Hinatid ako ni Marco sa eskinita at nagpasalamat. "Salamat pala." "Your welcome. Sige mauna na ako." Aalis na sana ito ng pigilan ko.. "Bilang pasasalamat, Libre kaba mamaya? Gusto mo bang sumama magsimba?" "Okay sige. Mga 7? Hintayin kita dito?" "Sige, ingat." Kahit mayabang at m******s yun. May tinatago din palang bait. Sana ganoon nalang siya araw-araw. Mag-aalas siyete na ng gabi pero nandito parin ako sa kuwarto pabalik-balik dahil hindi ko alam ang isosout ko. Sanay naman akong simple lang, pero ewan ko ba, gusto ko ding maging maganda sa paningin niya. Nakakahiya naman sa isang katulad niyang guwapo ay mapagkamalan pa akong alalay. "Oh, anak hindi kapa nakabihis? Ang kalat na ng kuwarto mo." umupo ito sa kama at paunti unting nililigpit ang mga damit ko. "Wala kasi akong masout na maayos Ma, hindi naman kasi ako sanay sa mga seksi o di kayay dress." "Hindi naman kailangan ng mga lalaki ang seksi at maganda. Ang gusto nila simple lang at may magandang ugali, katulad ng Papa mo." "Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay katulad ni Papa." "Ito anak isukat mo. Bagay ito sayo." Paglabas ng bahay ay tanaw kona agad ang isang sasakyan sa eskinita, pero ang ipinagtataka ko ay wala namang motorsiklo. Palinga linga pa ako sa paligid pero wala parin. Biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at nakita ko siyang nakangiti sa akin. "Wow naman, sana sinabi mo ito ang sasakyan natin ng sa gayon nakapagsout ako ng gown." pa ismid ko sabi. "Kahit hindi na, maganda ka naman." Lumabas ito at pinagbuksan ako ng pintuan. "May ugali ka din palang mabait noh? Akala ko wala." "Wala lang siguro akong trip sa buhay kaya ganon." "Kaya ako pinagtripan mo ganon?" "Hindi naman. Nagandahan lang kasi ako sayo nong nakita kita sa itaas kasama nong papel na hinulog mo." "Sinabi ko naman sayo na hindi sa akin yun." "Mas mabuti narin yun dahil nakilala kita." Nagsimula na itong magmanahe at kalahating minuto ay nakarating na kami sa simbahan. Sa oras ng panalangin ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Ewan ko ba, gusto ng sarili kong halikan ulit. Biglang dumilat ang mata nito kaya napa iwas ako ng titig. Hinawakan niya ang aking kamay at pumikit ulit. Pagkatapos magsimba ay dinala niya ako sa isang restaurant. Pagpasok mo palang ay sobrang ganda na. May pa red carpet ang entrance at tugtug na para bang gusto mo ng matulog. "Bakit dito tayo? Parang mamahalin naman dito. Hindi ko afford, nag carenderia nalang sana tayo." "Ako nagdala sayo rito kaya libre ko." Kumain lang kami tapos nagkwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa aming mga sarili. "Nasaan pala Papa mo?" "Nasa ibang bansa, doon siya nagtatrabaho. Kolehiyo na kasi kaya kailangan mag pursigido." "You know what? I like you." napatigil naman ako sa pagsubo at uminom ng tubig. "You like me? Bago pa nga lang tayo nagkakilala, nagka away pa nga tapos gusto agad? Magmadali kana lang diyan at uuwi na ako." Pagkahatid niya sakin pauwi ay dumiretso na akong lumabas at patuloy sa paglalakad. Tinawag pa ako nito pero hindi kona nilingon. Pagpasok ng bahay ay napasandal agad ako sa pintuan at napahawak sa dibdib. Umu-ulit sa isip ko ang sinabi niya sa akin. Agatha… diba ang sabi mo mas maaga pa ay lalayo kana? Bakit naging magkalapit pa? Iyan tuloy, iba na nararamdaman mo. Pagpasok ng Unibersidad ay nakayuko lang akong naglalakad sa hallway. Ayokong makita ako ni Marco o makita ko siya. Pagpasok sa room ay diretso agad sa upuan at umob-ob. Ayokong pumunta si Marco dito at guluhin ako. Biglang naghiyawan sa labas kaya alam kong nandiyan na siya. Nagkunwari akong tulog para hindi niya ako malapitan o makausap. Nang tumahimik na ay saka ako umayos ng tayo pero sa desk ko ay may nakalagay na bulaklak at sulat. Lahat ng aking kaklase ay napatitig sa akin. Agad kong kinuha ang sulat at binasa.. "Im sorry." Kinuha ko ang bulaklak at sulat para sana isauli sa kaniya pero wala na ito. Di bale, mamaya nalang lunch break. Pagkatapos ng klase ay pumunta muna ako sa library para maghanap ng libro tungkol sa projects ko, hindi ko maabot-abot ang nahanap kung libro kaya may tao sa aking likuran at siya na ang kumuha sa akin. Napalingon ako at napatitig sa kaniya. "Salamat." sabay kuha nito at umalis pero hinawakan ako nito sa kamay. "Can we talk?" "Para saan? tungkol ba kagabi? Naku wala yun. Baka nabingi lang ako." "Hindi ka bingi at alam kong narinig mo yun. Nagustuhan mo ba ang bulaklak?" "Marco.. Lilinawin ko lang sayo. Ayoko pang magka jowa, lalo na pag nalaman ng Papa ko. Hangga maari lumayo kana sakin. Ayokong masaktan." "Hindi naman kita sasaktan, mamahalin pa nga kita." Dahil doon tuluyan na akong lumabas at pumunta ng cafeteria. Pagpasok palang yung mga mata nila nakatitig na sakin. Alam ko naman kung bakit. Umupo ako sa isang sulok at doon kumain. Bigla namang may lumapit na babae sakin at binuhusan ako ng malamig na tubig. Ayaw ko siyang kalabanin dahil sa isip ko, iniisip ko ang Papa pati scholarship ko. Niligpit ko nalang ang pinagkainan ko at aalis na sana ng harangan ako nila. Pinagbabato ng pagkain pero dedma lang sa akin kahit masakit na. Nakahinga lang ako ng maluwag ng biglang may yumakap sakin at tumigil ang lahat sa pagbabato ng kung ano-ano. Tumingin ako sa kaniya at tumitig sa kaniyang mga mata. Bigla nalang kami napangiti dalawa at sabay tumakbo. "Pagpasensiyahan mo nalang sila, alam ko naman kung bakit." "Sinabi ko naman sayo na tigilin mona ako para walang gulo." Nandito kami ngayon sa isang clinic para gamutin ang mga natamo kung sugat at makapagbihis narin. "Huwag kang mag alala, hindi na nila magagawa yun sayo ulit." "Oo kasi anak ka ng Principal." "Hindi sa pagmamayabang pero kaya ko naman ang sarili ko na wala sila. Ayaw kong umasa pagdating ng araw." "May problema ka din bang pinagdadaanan kahit ang happy na ng life mo?" "Iniwan kami ng daddy ko dahil sumama siya sa ibang babae kaya nasanay akong mang bad trip din ng babae. Im sorry kung isa ka doon sa kanila." "Sana sa umpisaxsinabi mona ng alam ko, hindi yung nasampal pa kita tuloy." Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay pumasok na isang babe. Seksi, maganda at sopistikada ang dating sakin. "Mom." Agad naman akong tumayo, tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. "Anak, how are you? Ano bang pinag gagagawa mo sa buhay? Come into my office. Now!" Bago ito lumabas ay masama pa ang titig nito sa akin pero sabi ni Marco siya na ang bahala. Jusko, nakaharap kona talaga ang Principal. Baka droped out na ako nito. Gabayan ako ng Panginoon na sana mali ang iniisip ko. Huwag naman sana… Sabay na kaming umuwi ni Betchay. Hindi ko nga alam kung bakit niya nalaman na nandoon ako sa clinic kaya tinanong ko siya. "Bakit mo pala alam na nandoon ako sa clinic? Trending na naman ba?" "Hindi noh.. Bigla kasing sumulpot si Marco sa kalagitnaan ng klase namin. Pinapasabi puntahan kita sa clinic tapos sabay na dw tayo umuwi. Ikaw ha… Ano ng status mo? May namamagitan naba sa inyo ni Papa Marco?" sinundot sundot pa ako nito sa tagiliran. "Naku wala.. Friends lang kami." "Friends? Pero iba naman ang sinasabi ng mata mo." "Wala nga sabi.. Mabuti pa magpara ka nalang ng traysikel ng makauwi na tayo."tumalikod pa ako dito dahil ayaw kong makita niyang namumula ang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD