"Sino ang batang iyon? Aba'y kapag hindi ako makapagtimpi ay baka masampolan ko siya!" ngitngit na saad ni Boy Kalbo. "Bossing, aba'y ikaw na yata ang hindi nakakakilala sa tinutukoy mong bata? Sila lang naman ang bagong laruan ng babaeng humiwalay sa iyo," nakangising saad ni Bawang. Well, Roodney naman ang pangalan niya iyon nga lang ay binansagan siya ng mga kasamahan sa pangalang Bawang. Dahil umano ay mahilig siyang kumain ng hilaw na bawang. Aba'h! Wala silang magagawa dahil siya ang kumakain hindi ang mga ito. Gamot iyon panguntra sa high blood lalo na sa kasalukuyang sitwasyon napakainit ng panahon. "Kapag ako ang nainis sa iyo, Garlic, ay talagang wala kang balato ngayong araw. Susme, naman. Sino ang magkakagusto sa pokpok at butas ang p*ke na babaeng iyon?" Paismid na bumaling

