"Hey, what the hell you are doing?!" sa gulat dahil sa biglang pagbangga ng isang lalaking hindi kilala ay iyon ang nanulas sa labi ni Sean Emerson. Huli na upang bawiin ang tunay niyang pagkatao o ang pagbabalatkayo. "Aba'h! Aba'h! Palaban si Totoy. English spokening pa. Naunawaan n'yo ba mga utol ang sinabi niya?" nakangising saad ng lalaking sadyang bumangga sa binata na walang iba kundi si Bawang. Kaya't kahit gustong bawiin ni Sean Emerson ang paraan nang pananalita ay pinanindigan na lamang niya. Iyon nga lang ay sa ibang paraan. "Marami akong baon na English sa bulsa ko mga Tol. Ano ba kasi ang dahilan at bigla kayong nanghaharang?" kibit-balikat niyang tanong. Ngunit lihim ding manalangin na huwag silang hamunin nang labanan. Dahil dalawa lang sila ng tauhan niyang nagpapanggap

