18: Mate From Margaux Brennan: Sorry for what happened during the fashion show. I went at the hospital but you were not there anymore. I hope you're okay. Tinitigan ko lang yung message sa 'kin ni Margaux habang nandito kami sa canteen. Tulala ako at hindi makakain nang maayos. "Huy! You okay?" Tanong sa 'kin ni Pam. I just nodded. Nakasalubong ko kanina si Art bago pumuntang school pero hindi niya ako pinansin. Naaalala niya pa kaya yung nangyari kagabi? Yung pag-uusap naming dalawa? At yung...paghalik niya? Kung iiwasan niya ako, it means naaalala niya. Pero ngayong nakikita ko siyang naglalakad papalapit sa 'kin, alam kong hindi niya naaalala. Seryoso ang mukha niya at nang inilapag niya sa table namin ang isang card, bahagyang umangat ang gilid ng labi niya. Tumalikod na siya at

