17: The Kiss Naimulat ko ang mga mata ko kasabay no'n ay ang pagsakit ng ulo ko. Aww, I missed having a hang over. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at napansing nakasuot pa rin ako ng school uniform. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang braso ko. Gamit ang pentelpen, sinulatan ang buong kanang braso ko ng malaking 'MAY UTANG NA LOOB KA SA 'KIN'. Sakop na sakop ang buong braso ko. Napakunot ang noo ko sa inis nang maalalang si Art pala ang naghatid sa 'kin dito kagabi. Napansin ko rin ang tuhod ko na may nakalagay na band aid at bulak. Hinipo ko yun. Masakit. Nadapa nga pala ako kagabi at hindi ko namalayang nasugatan ang tuhod ko. Ibig sabihin, ginamot niya ang sugat ko kaya may utang na loob ako sa kaniya? What?! Hindi ba't pagkakawanggawa lang naman ang paggamot sa sugat ng i

