16: Drunkenness The day after ng midterm exam, nagkaroon ng sports fest sa campus. Ayaw ko sanang pumunta pero pinilit ako nina Shy. And since wala naman akong ibang gagawin, napa-oo nalang din ako. Dumiretso kami sa basketball court at pumuwesto sa ibabang bleachers. "Ayan na sila!" bulong ni Yuri kaya napatingin ako sa tinitignan niya. Psh, kaya naman pala. Isang basketball team ang pumasok na nagpahiyaw sa mga tao sa bleachers. Binubuo sila ng 10 members at nakita kong kasama roon sina Caleb, Clint at Zach. Nakasuot sila ng mga kani-kaniya nilang jersey. Bago magsimula ang game, nag-perform yung group of cheerdance at napataas ang kilay ko nang makitang si Dhalia ang cheer leader nila. Sa kabilang banda, nakita ko si Art na nasa gilid habang hawak niya ang camera niya at kumukuha n

